MYSTY’S POV “Iba ito sa witch land, nasa’n tayo?” takang tanong ni Anna. “Hindi ko rin alam. Pero tingin ko ay mga wizard sila na may kalahating witch, katulad ng sinabi ni Mirei,” sabi naman ni Ji. Lumakad na kami at saka ko hinawakan sa kamay ang isang bata. Tila nagulat pa ito at saka sya napatingin at yumuko sa ‘kin. “Kilala mo ba si Xymyx?” tanong ko sa kanya at saka sya tumango sa ‘kin. “Saan sya nakatira?” Tinuro nya ang isang palasyo na hindi naman kalayuan pero tanaw na tanaw mula rito. Parang nakalutang ito sa ere katulad ng kaharian no’ng kumidnap kay Ji. Gano’n pa man ay pinuntahan namin iyon. Lumipad kaming tatlo at napahinto kami ng biglang sumulpot si Primo sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko nang sisipain nya ako pero inangat ko sng kamay ko at sinalag ‘yon. Pero hind

