ANNA’S POV Masyadong marami sila kaya hindi namin kakayanin kung mano-mano lang. Kaya naman gumawa ako ng malaking water ball at kinulong silang lahat do’n. Tumingin ako kay Ji at saka nya tinapat ang kamay nya sa water ball at nilagyan nya iyon ng fire ball. Nang magawa nya ‘yon ay saka nya ito kinulong sa lupa at pinalubong silang lahat. Tumingin kami sa palasyo at mula ro’n ay may sumabog kaya agad kaming nagteleport para malaman kung sino ang napuruhan. Nang makarating ay saka namin nakita si Mysty na no’n ay walang kulay ang mga mata. Nagtingnan kami ni Ji at saka akmang pipigilan sya pero bigla kaming tumalsik dalawa. “MYSTY!!!” sigaw ko pero tila wala akong naririnig. “Anong nangyayare sa kanya?” takang tanong ni Ji. “Hindi ko rin alam,” sagot ko at saka namin sya sinundan.

