Disclaimer:This is a work of fiction.Names,characters,businesses,places,events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead or actual events is purely coincidental.
_ _ _
"WHAT NOW!?I can't play Basketball for a year?Haha.Tell me your kidding me,right?",malakas na napabuntong-hininga ang kapatid.
"I'm not,Kuya..that's true",sagot nito sa kapatid na nakaratay sa kama na nakabenda ang kanan nitong binti dahil sa injured na natamo dito.
"No,n-no no!I'll play basketball",sinubukan nitong bumangon pero agad itong pinigilan ng pinsan nilang babae.
"Easy..",anang nito pero di sya pinansin.
"Come on,Kuya,hindi ka makakapaglaro..sana naman intindihin mo ang sitwasyon mo pati na si Mommy.Di mo ba alam..lagi nalang syang naiyak dahil sayo?Dahil sa nangyari sayo?Lahat kami dito nag-aalala dahil sayo.Kaya naman kuya,please,sana unahin mo muna ang sarili mo",mahabang litanya nito sa kapatid.Tumayo sya at lumapit."Ginagawa na ni Coach ang lahat para makahanap ng pansamantalang papalit sayo,habang di ka pa nagaling..",napakunot ang noo ng kapatid at nagtatakang tumingin dito.
"Naghahanap ng pansamantalang papalit sakin?"
"Y-yes..Pansamantala--"
"Anong naghahanap?Nandyan naman sina Leo,Jonnel at Mack diba?Pwede isa sa kanila ang pansamantalang papalit sakin.A-anong naghahanap si Coach?"
"K-kasi,a-ano,eh.."
"What?May problema ba?"
"Umalis sila..Umalis sila nung araw ng pagkakaaksidente mo..kinausap namin silang tatlo kung bakit,pero ang sabi lang nila ay uunahin muna nila ang pag-aaral"
"What the hell!?UUNAHIN NILA ANG PAG-AARAL KAMO?BAKIT NAPAGSASABAY NAMAN NILA ANG PAG-AARAL AT ANG PAGLALARO DIBA?",halos lumabas na ang litid nito sa leeg sa sobrang galit.Agad na dumalo dito ang pinsan nilang babae.
"Pinsan huminahon ka,makakasama sayo yan.",bumaling sa kanya ang pinsan.
"Paano ako hihinahon?Kung ganito ang nangyayari sa team ko!Dagdag pa itong aksidenteng nangyari saakin!"
"Lahat ng bagay ay nadadaan sa hinahon..",napabuntong-hininga ito.
"Don't worry,aayusin namin 'to",anang kapatid.
"Sina Kenzo,Yuri at Jack?"
"Pati sila galit din..Pero kuya uulitin ko inaayos na ni Coach ang lahat,naghahanap sya"
"Mga walang kwenta talaga.Matapos natin pasikatin sila tapos ganito ang igaganti satin?Ngayon pa talaga na naaksidente ako at kailangan sila?I can't believe this!",pointing to the Leo,Jonnel and Mack.Sandaling katahimikan ang namutawi sa kanila,ang dalawang magkapatid ay malalim ang iniisip habang ang isang kasama nila sa loob ay ang pinsan nilang babae na nanonood sa kanila.Segundo ang lumipas at nagsalita ulit."Pinilit ba nina Coach sina Leo?",tanong muli nito sa kapatid na parang di naniniwala kanina.
"Yes.Ginawa na nila ang lahat pero ayaw talaga nilang magpapilit"
"Tss..Yun lang reason?"
"Yes."
"Paano kung ang nahanap naman ni Coach ay isang traydor?Tulad ni Ben..mukhang mabait pero isa palang traydor,muntik pa tayong matalo sa laro dahil sa kanya.."
"Kuya,nakaraan na yon,ok?Atsaka mas pag-iingatan naman ni Coach ngayon".
"Really?"
"Come on,Kuya,ako na ang bahala sa team,gagawin ko para sayo".Isa kasing captain ang kapatid nito sa grupo.
"*Ehem*Pwede ba ako?",maya-maya ay sabat ng pinsan nilang babae.Sabay silang napatingin dito.
"Dennise,usapan namin 'to,wag kang mangielam"
"Bakit masama bang magsalita?",mataray nitong sabi.Tumingin sya sa pinsan nyang nakahiga sa kama."Pwede ba ako?"
"No",mabilis na sagot nung isa nitong pinsan.
"Bakit ikaw ba si Miguel?Ha?Ikaw?Di naman,ah"
"Di mo ba nakikita?Babae ka,at bawal ang babae sa laro namin..at isa pa--",di pa nito natatapos ang sinsasabi nung bigla itong nagsalita.
"Problema mo kung babae ako?Atsaka magaling---mahusay pa nga akong maglaro ng basketball kesa sayo..",mayabang nitong sabi.
"Ang yabang mo talaga kahit kailan..anong mas mahusay ka kesa saakin?Hoy,para sabihin ko sayo kung mas magaling ka saakin bakit ako nakapasa sa grupo nila kuya?Ha?"
"Aba naman,syempre dahil babae ako!"
"See..at isa pa dahil babae ka"
"Oo!Pero kung naging lalaki ako di malabong mas nahigitan pa kita"
"Tomboy!"
"Bansot!"
"Sinong bansot?"
"Ikaw"
"Tss.Tomboy!"
"Atleast gwapong tomboy..ikaw?Panget na bansot pa!"
"Dennise!?"
"Both of you shut up!",sabay silang natikom ang bibig nung sumigaw si Miguel."Ano ba para kayong mga bata"
"Sya kasi",sabay nilang turo sa isa't isa at masamang tiningnan ang isa't isa.
"Tss..Mabuti pa kuya mauna na ako tulungan ko nalang si Coach na maghanap kesa manatili ako dito na kasama ang tomboy nayaaaaaaan."
"Aba",angil nung isa.
"Sige na",hahakbang palang sya nung pigilan sya ng kuya nya.
"Wait,may nahanap na ako"
"W-wait sino?".
"It's Dennise"
"WHAT",sabay ulit nilang sabi.
"Pero kuya,babae sya atsaka di sya pwede sa team natin"
"Talaga,pinsan?",anang Dennise na mukhang di makapaniwala.
Matunong na napabuntong-hininga si Miguel bago tumingin sa kapatid nya."No,I choose,Dennise,magaling at mahusay sya sa paglalaro ng basketball and besides pinsan natin sya,kilala at mapagkakatiwalaan ko sya.Walang problema sa pagiging babae nya dahil may naisip akong plano..",ngisi nito sa kanila.
"Pe-pero,Kuya--"
"No buts"
"Yes!Kahit mag pa trans gender ako ayos lang basta makapasok at makapaglaro lang ako!",masaya nitong sabi.
"Anong plano?"
"Sabihin mo kay Coach at sa ka-team natin na may nahanap na ako..At tungkol kay Dennise..bibihisan natin sya bilang lalaki,total naman kung umasta sya parang lalaki,haha"
"Ayos!"
'Sa wakas natupad narin ang pangarap kong makapaglaro ng basketball sa isang totoong laban.Kaya naman di ko to papalampasin!Thank you,Pinsan!'-Dennise Loren Legazpi