Katulad ng sinabi ni Akagi kay Marga, kinabukasan ay nagbalik nga siya sa warehouse.
Inilapag ng lalaki ang isang paperbag sa itaas ng lamesa.
"Ano 'yan?" tanong ni Marga na tiningnan ang paper bag nang puno ng paghihinala bago inilipat ang mga mata sa lalaki.
"Some stuff that you might need."
Nagkatagpo ang mga kilay niya. Kumilos ang lalaki at inilabas ang isang bestida na kulay puti at ilang toiletries. Pagkatapos ay lumapit sa pintuan at kinatok. Ilang sandali lang ay pumasok ang dalawa sa mga tauhan nito.
"Kalagan n'yo siya."
Nagkatinginan man ang dalawang inutusan pero walang salitang sumunod. Nang tuluyang makawala si Marga sa mga tali ay napahinga siya nang malalim. Ilang araw rin siyang nakagapos at parang matatanggal na ang kanyang mga kamay sa tuwing ginagalaw iyon. Sa katunayan, nag-iwan na iyon ng marka sa kanyang palapulsuhan. Pati ang mga paa niya ay tila kay gaan.
"Ihatid n'yo siya sa banyo."
Pasimple ulit na nagkatinginan ang dalawa bago kumilos.
Dala ang paper bag na ibinigay ni Akagi, nilinis ni Marga ang katawan. Hindi niya maiwasang mag-isip na tumakas habang mag-isa siya sa banyo ngunit wala rin naman puwedeng daanan. Enclosed iyon. At kahit mayroon man, kaya kaya niyang takbuhin palayo ang lugar? Those men were armed with guns, sigurado pati rin ang mga boss nito. Base sa kilos ng mga lalaki, mukhang kinatatakutan talaga nila si Akagi.
Pagkatapos tuyuin ang sarili gamit ang puting tuwalya ay hinalungkat niya ang mga laman ng paperbag, hinahanap ang isang maliit na saplot. Ngunit habang ginagawa iyon ay napaisip siya, posible kayang kasama iyon sa binigay ng lalaki? Baka naman hindi, mahirap bumili ng ganoon lalo kapag hindi alam ang sizes. Pero nasurpresa si Marga nang makita ang hinahanap, isang pack ng white bikinis. Mayroon ding isang nude colored bra. Binuksan ng baba ang pack ng panties at sinuri ang size.
'Hmn, Medium, tumama. Paano kaya sa bra?'
Sunod na pinakialaman ay ang bra. Diretso niyang sinuot iyon, mukhang malaki nang kaunti pero okay na.
Napapitlag si Marga nang may malakas na kumatok sa pintuan.
"Hoy, 'di ka pa ba tapos? Nakatulog ka na ba d'yan o kailangan mo ng tulong?" Narinig niya na nagtawanan ang dalawang lalaki na parang manyak.
"Patapos na 'ko," sagot na lamang niya dahil ayaw niyang totohanin nito ang mga sinabi.
Napahagod siya ng katawan nang maisuot ang damit. It has a cotton fabric at ang haba ay hanggang sa itaas ng tuhod. Marga stepped out from the bathroom and she heard a man whistled. Sinundan ng salita, "Naghihintay si boss sa iyo sa loob."
Naglakad siya papasok sa silid kung saan prente pa ring nakaupo si Akagi. Nakalingkis ang isa nitong binti sa kabila at nakapatong ang kamay sa ibabaw ng hita. Nakita na niya ang hitsura nito sa internet ngunit ngayon na kaharap niya ang lalaki ay hindi niya mapigilang kilatisin ang anyo nito. He has an intimidating aura, strict and stoic ang singkit na mga mata. Ngayon ay nakapatong ang isang frameless eyeglasses sa ilong nito. Pahaba ang hubog ng mukha at may prominenteng panga. He's wearing a gray suit and black leather shoes. Tila kalkulado ang bawat galaw na ginagawa.
Sa totoo lang, mas nakakatakot ang dating nito kaysa sa tatlong lalaking halos gumahasa sa kanya. Mukhang kaya nitong baliin ang kanyang leeg sa isang kampay lang ng kamay kapag may nagawa siyang hindi nito nagustuhan.
"You look better." Iminuwestra nito ang kamay paturo sa isang silya, tanda na pinapaupo siya nito. Sinunod naman niya. "Ngayon na presko na ulit ang pakiramdam mo, you might want to change hearts and tell me believable stories"
"Hindi ka pa rin ba naniniwala na wala akong alam sa mastermind ng lahat ng ito?"
"Kanino ka nagre-report?"
Of course she could not drop Thomas' name.
"Nasaan si Hana Rodriguez, or is it even her real name?"
Napataas ng tingin si Marga sa kaharap. Kilala na nito si Hana? Oh, of course, baka doon sa paggamit niya ng system ng reception.
"Ano ang susunod ninyong plano laban kay Ishida?"
"Wala."
Tumaas ang isang kilay ni Akagi. Hindi inasahan ang kanyang isinagot.
"Wala ka talagang planong magsalita," sabi nito. Bumilis ang t***k ng kanyang dibdib nang gumalaw ito sa inuupuan. She braced herself for another assault but it didn't happen. Nag-iba lang ito ng posisyon sa pag-upo.
"Ano'ng plano mong gawin sa akin?"
"The most I could do is kill you, and as I have said, find your family and butcher them. Katulad ng ginawa namin sa kasama mo."
Mas lalo nang nakakabingi ang tunog ng kanyang puso. Wari ay umakyat iyon sa kanyang lalamunan at gusto na niyang maduwal.
"S-sino'ng kasama ang sinasabi mo?"
"The man the was caught lurking inside our company. Just like what you did. Hindi ko nga maisip kung bakit hindi na kayo nadala. Inulit n'yo pa talaga." Akagi was showing her an amused expression. Kulang na lang ay umiling ito.
"P-pero...pinakawalan n'yo siya."
Tumaas ang mga kilay ng lalaki. "Who says?" Napatitig si Marga sa guwapo nitong mukha, tinatantiya kung nagsasabi ito ng totoo. "Iyon ba ang sinabi sa iyo ng boss mo?" Napangiti ito, ang ngiti ay nauwi sa ngisi pagkatapos ay mahinang napatawa. Yumugyog ang mga balikat nito habang iiling-iling. "Women are indeed naive."
"Pinatay n'yo siya? Hindi n'yo siya pinakawalan?"
Huminto sa pagtawa si Akagi at nagsalita, "Sa palagay mo palalampasin ni Kaito Ishida ang ganyan?"
Marga had her realization, na walang rason para magsinungaling si Akagi sa kanya. He was intently staring at her at kung gusto lang nitong i-persuade siya para magsalita ay maraming puwedeng torture na gawin sa kanya instead na takutin siya gamit ang salita.
"Ano'ng ginawa n'yo sa kanya!" Napahigpit ang pagkakahawak ni Marga sa siyang inuupuan.
"He was shot in the head and he was indistinguishable so we burned him and buried his remains somewhere far." Kung magsalita si Akagi ay parang walang kabuluhan ang buhay na pinag-usapan nila.
Ibig sabihin nagsisinungaling si Thomas? Bakit? Bakit magsisinungaling ang boyfriend niya sa kanya?
"Whoever that person was, he lied to you just for you to accept this project. Para gawin kang susunod na pain, para isipin mo na ang pumasok sa kota ng kalaban at maghalungkat ng impormasyon ay hindi nakakatakot."
Napakagat-labi si Marga, nahihirapan siyang tukuyin kung sino ang paniniwalaan. Ang kaharap na walang ibang sinasabi sa kanya kundi ang bantaan siya o ang nobyo na nagmahal at nagpakita sa kanya ng kabutihan sa mahabang panahon? Nalilito na siya sa mga pangyayari.
"Hindi iyan totoo."
"Suit yourself."
Marga couldn't think properly, roller coaster of emotions were consuming her entire system. Dahil sa bigat ng nadarama ay napaiyak siya. She couldn't stop her tears from loitering her cheeks.
Napakislot si Marga nang muli ay gumalaw si Akagi. Her instinct was telling her to guard herself from this dangerous person. But the man just slid his had inside his pocket. As he withdrew it, he's already grasping a gray handkerchief. Iniabot nito sa kanya ang panyo na ngalingali niyang dinampot.
"Kahit patayin n'yo ako, wala kayong makukuha sa akin, but please, just leave my family alone."
"I cannot promise you that, Moonwalker."
Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi nito. Napayukong sumisinghot. Ang malalaking butil ng mga luha ay nahulog na sa kanyang kamay na nakapatong sa hita.
"But things will get better if you tell me everything."
Tumayo na ang lalaki at inayos ang nalukot na suit.
"Settle yourself, I'll be coming again for your answer," anito na humakbang para lisanin ang kuwarto, ilang segundo lang ay rinig na ni Marga ang pagsara ng pinto. Mula nang araw na iyon ay hindi na siya iginapos ng mga lalaki sa warehouse.