"Hoy, ano'ng ginawa mo at mukhang nakuha mo yata ang kiliti ni boss Akagi?" tanong ng malaking lalaki na sa ilang araw ni Marga na nandoon ay napag-alaman niya na Choy ang pangalan. Nakaupo itong paharap sa kanya, ang silyang ginamit ay binaliktad at itinukod ang mga braso sa backrest niyon. Sa kanan naman niya ay ang naninigarilyong payat na lalaki na Denis ang pangalan.
Naroon ang dalawa sa loob ng kuwarto na pinaglagyan sa kanya dahil hinatiran siya ng mga ito ng pagkain. Kanin na halatang binili lang sa karinderya na binudburan ng sardinas. Nagkulay pula tuloy ang buong pagkain. Hindi pa talaga siya binigyan ng kutsara kaya napilitan siyang magkamay. Kung hindi lang himihilab ang tiyan ni Marga sa gutom ay nuncang kakainin niya iyon. Nagmistula na iyong pagkain ng baboy.
Napatanong tuloy ang isip niya, 'wala ba talagang sapat na budget ang ibinigay ng boss nito para sa kanya?' Ngunit siya na rin mismo ang sumagot sa sariling tanong. Magbibigay pa ba ng budget kung papatayin din naman siya? Kung siya ang boss, hindi na uy! Pasasaan ba't doon din ang papunta. Marahil ay suwerte pa nga siya dahil binigyan pa siya ng mga ito ng pagkain kahit na nga ba mahirap tanggapin ng tiyan.
Hindi na mabilang ni Marga kung gaano na siya katagal nakabihag doon. One week? Almost two? Minsan naiisip niya na hilingin na lamang na tapusin na ang kanyang paghihirap doon pero nagdalawang-isip din siya dahil sa pamilyang naiwan. She could not take the agony and pain she was feeling while being held captive and be with those goons everyday. Marahil ay apat na araw na ang nakalipas simula noong nagpunta roon si Akagi. Ang sabi nito ay babalik pero hanggang ngayon ay wala pa.
Natigilan si Marga sa naisip. Is she waiting for him to come? Why? Dapat ay matakot siya sa dahil nakasalalay sa pag-uusap nila ang kanyang buhay. Hanggat hindi pa ito nagpunta roon ay walang interogasyon ang magaganap at mapapataas pa ang kanyang buhay.
Akagi may showed kindness to her, kung matatawag mang kindness ang pagbigay ng damit, pagkalas ng tali at pagpunas ng kanyang luha. Mas iisipin niyang paraan lamang ng lalaki iyon para makuha ang kanyang loob nang sa ganoon ay magsalita na siya. She knew Akagi is so clever and sharp. Sa naririnig niyang image nito ay mas marami pa itong kinitil na buhay kaysa kay Kaito Ishida. He couldn't be soft to anyone, especially to a traitor like her.
"Baka bumikaka na ito no'ng nakaraan. Nagtagal din sila dito sa loob, e. 'Di ba? Hindi ka siguro maingay kapag tinitira, wala kaming narinig, e," saad ni Denis na ngumisi nang nakakaloko, nakitawa rin ang damuhong si Choy.
"Kahit ako ba naman kapag ganyan ang hostage, pagsasamantalahan ko na!" saad ng nakaupong lalaki.
"Bakit, hindi pa ba? Muntik mo na ngang maipasok, 'di ba? Kung 'di lang nag-ring ang cellphone mo. Buti ka pa nga nakatikim, kami ni Tancho, 'di pa!"
Nag-init ang buong ulo ni Marga sa palitan ng mga salita nito. Kung mag-usap parang wala siya sa harapan! Mga wala talagang lamang-loob o kung mayroon man, inaamag na.
"Ano, gusto mo ba ipagpatuloy na natin ngayon?"
Nahintakutan si Marga sa narinig. Nahinto ang kasalukuyan niyang pagsubo ng pagkain at nilunok ang naiwan sa bibig.
"Ngayon na? Kumakain pa 'yan, e."
"Okay na 'yan. Tatawagin ko si Tancho para may hahawak sa paa." Tumayo si Choy at lumabas ng silid.
Napatayo si Marga mula sa inuupuang metal na silya saka umatras patungo sa sulok ng kuwarto. Napangisi ulit ang lalaki.
"Ang ganda mo pa naman ngayon, o. Birgin na birgin sa puting damit."
"Ano'ng gagawin ninyo?" saad ni Marga.
"Hindi mo ba narinig? Epekto ba 'yan ng sardinas na kinain mo?" sagot nito na tumawa. Maya-maya ay pumasok si Tancho kasunod si Choy.
"Ano na? Continuation na ba 'to?"
"Tirahin na natin 'to! Ipapapatay rin naman 'to ni boss pagkatapos," si Denis ulit na humakbang palapit.
"Huwag kayong lalapit!"
"Inuutusan mo ba kami? Wala kaming ibang sinusunod kundi si boss Akagi. Kahit na gaano ka kaganda at ka-sexy kung hindi mo mapantayan ang bayad ni boss saamin, ekis ka!" Ngayon ay si Choy ang sumagot.
"Tama na ang commercial," anang nangngangalang Tancho at mabilis na lumapit para hawakan siya sa kamay. Ipinilipit nito patalikod ang kanyang braso kaya napaigtad siya sa sakit.
"A--ray!" Dumulog naman si Denis at hinawakan ang kanyang mga paa. Inangat iyon kaya nawalan siya ng balanse. "Bitiwan n'yo ko!" Buong lakas niyang pinagsisisipa ang dibdib ni Denis kaya nabitiwan nito ang isa niyang paa. Nag-landing sa adams apple ng lalaki ang isa niyang sipa kaya namilipit ito sa sahig na parang nabubulunan. Hawak-hawak ang sariling leeg.
"Tarantada ka!" saad ni Choy at inilang hakbang ang kanilang kinaroroonan. Isang malakas na sampal sa sa pisngi ang dumapo kay Marga dahilan para umikot ang kanyang paningin. Hindi pa man siya nakahuma ay dinakma nito ang kanyang magkabilang pisngi at binigyan ng kakambal ang naunang sampal.
Choy was using the back of his hand kaya tumama ang matigas nitong buko ng daliri sa kanyang mga labi. Pumutok ang loob at labas niyon kaya napahugot siya ng hininga. Binitiwan naman siya ni Tancho at iniwan na nakasalampak sa sahig. Nalalasahan ni Marga ang dugo na namuo sa loob ng kanyang bibig kaya dinura iyon.
Nang makabawi si Denis ay tumayo ito at hinila ang kanyang buhok. Bahagya siyang nakaladkad sa sahig.
"Sisiguraduhin kong mapapatay kang babae ka!"
"Tama na! Baka matuluyan pa natin iyan, hindi pa nagsasalita ang pesteng 'yan kaya hindi pa dapat mapatay."
Bago tumalikod ay nagpabaon pa ng tadyak si Denis sa kanyang paa, ramdam niyang tumunog ang kanyang buto roon. Namilipit siyang napaiyak habang yakap-yakap ang sariling binti.
***
Kinahapunan ay naigalaw ni Marga ang ulo nang bumukas ang pintuan ng silid. Kahit na nahihirapan ay napaatras uli siya sa sulok sa takot na baka undayan na naman siya ng bugbog ng tatlong lalaki ngunit natigilan siya nang bumungad ang lalaking naka-suit.
Hindi malaman ni Marga kung bakit napuno ng luha ang kanyang nga mata nang makitang si Akagi ang dumating. Kita niya na natigilan din ito nang makita siya. Marahil ay hindi nito inasahan na makaharap siya sa ganoong sitwasyon.
Tahimik si Marga habang patuloy na nakahalukipkip sa sulok ng kuwarto. Pigil niya ang hininga habang iniiwas ang tingin nang humakbang ang lalaki palapit sa kanya. Pagkarating nito sa kanyang harap ay nag-squat nang sa gayon ay magkalebel ang kanilang paningin. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay kita niya nang sandali nitong pinagala ang paningin sa kanyang mukha.
"Ano'ng nangyari?"
Ang dalawang katagang iyon ang nagpakawala ng hikbi ni Marga. Napapiksi siya nang abutin ng banayad nitong kamay ang kanyang baba at iniharap.
"Come," hinawakan nito ang kanyang braso at hinila patayo ngunit napadaing siya sa sakit ng namamagang paa. Kunot ang noong dumapo ang titig nito roon. Rinig ni Marga ang marahan nitong paghugot ng hangin saka yumuko. Gamit ang isang kamay na nasa likod ng dalaga at ang isa naman ay sa ilalim ng tuhod, binuhat siya nito.
Napakapit ang babae sa balikat ni Akagi. Against her cold palm, Marga could feel the hard and toned muscles under his thick clothing. Nasasamyo rin niya mabangong pabango na ginamit nito, kapares ng amoy ng binigay nitong panyo.
"Stay here," anitong tumalikod pagkatapos siyang ilapag sa kama. Lumabas ng silid.
Hindi naman nagtagal ay bumalik rin kaagad.
May bitbit na maliit na bottled water saka inabot sa kanya. "Can you drink this?"
Mahinang tango lang ang isinagot ni Marga.
Binuksan ng lalaki ang botelya at ibinigay sa kanya ang tubig. Walang nangyaring interrogation sa kanila ni Akagi, tumayo lang ito malapit sa bintana at nakipag-usap sa telepono. Business matters, mukhang sekretarya ang nasa kabilang linya. Ilang sandali lang ay napatingin muli si Marga sa pintuan nang bumukas iyon. Gagalaw na sana siya para humalukipkip ulit ngunit natigil nang makita ang hitsura ni Choy. May sugat at pasa ito sa kaliwang pisngi na animoy hinampas ng mabigat na bagay.
Nadaplisan ba ito noong nagpambuno siya? Wala naman siyang maalala.
Choy was acting too behaved, too tamed that he looked like a huge domesticated dog.
"Ito na po, Boss," nakayuko ang ulong sabi nito na inabot ang isang supot. Tinanggap naman iyon ni Akagi pagkatapos ay lumabas na si Choy.
Naglakad palapit sa kanya ang lalaki saka umupo sa kinuhang silya. Pumuwesto sa tabi ng kama malapit sa kanya.
Napagtanto ni Marga na gamot ang laman ng nasa supot dahil inilabas nito iyon sa ibabaw ng kutson. Kumuha ng bilog na bulak at binudburan ng betadine. "Come here," sabi nito. Sumunod naman si Marga sa utos.
Maingat na dinampian ni Akagi ng betadine ang kanyang mga sugat. Nang matapos ay may nilagay itong cream.
Marga cringed when she felt the sharp pain. Marahil ay epekto iyon ng cream na nilagay nito.
"It's antibiotic," saad ni Akagi. Kumuha ito ng cotton buds at nilagyan ulit ng betadine. "Open your mouth."
Nakaramdam si Marga ng pagkapahiya sa ginagawa nito kaya nag-alinlangan siya. "Do you want to do it? Pero walang salamin. You can't do it properly, baka mas sumakit pa."
Dahil sa paliwanag ng lalaki, napilitan siyang ibuka ang bibig. Nilagyan nito ng betadine ang kanyang mga labi.
"S-salamat," saad ni Marga nang matapos ang paggagamot.
"My men are still on investigation and in no time, everything will be revealed. I want you to prepare yourself."
Prepare for what?
"Your sorrow will end, tomorrow."
What?
Gustong habulin ni Marga ng tanong ang lalaki pero pinigil niya ang sarili. Alam naman na niya ang sagot bakit kailangan pa niyang magtanong? Mas bumigat ang dibdib ng babae nang lumapat ang pintuan pasara. Muling nabasa ang kanyang mga mata habang nakatitig roon.
Everything will end tomorrow. Makikita pa kaya niya ito bago mangyari iyon?