"Now, where were we?" saad ni Akagi habang hinuhugot ang katana. Alerto rin ang galaw ni Fil, luminga-linga ito para maghanap ng puwedeng gawing sandata. Tinakbo ng lalaki ang isang metal pole na sinabitan ng flag ng Pilipinas, tinanggal sa lagayan at itinuon sa kanya. "Hmf," Akagi scoffed. He mastered sword fighting during his teen years kaya walang panama ang mahabang pole sa kanya. He was trained to fight with arnis at escrima. Ang matalim na espada ay nasa kanang kamay niya habang ang sheath ay sa kaliwa. He could use it as a defense. Malapad ang silid kaya makakagalaw silang dalawa sa kabila ng mga sandatang dala. Unang gumalaw si Fil at malakas na ikinampay ang tubo patungo sa kanya, plano nitong patamaan ang kanyang ulo pero humakbang siya ng isang beses paatras para iwasan iyo

