Habang hawak ang balikat ni Marga, nagtago si Akagi sa isang makipot na hallway. Sinilip ang daan palabas doon. Narinig kasi niya ang palitan ng putok sa banda roon. "Your allies are there," sabi nito na tinuro ang ilang nakaitim na tao. Nakatayo sa gilid ng isang pader, nagtatago mula sa kalaban na nasa kabilang bahagi. Hindi sila nakikita ng mga ito mula sa kanilang pinagtataguan. Nakuha agad ni Marga kung ano ang ibig sabihin ng lalaki. Nangungusap ang mga matang tumingala siya dito. "Gusto mong pumunta ako doon sa kanila?...Pero..." "Our sides are fighting, Moonwalker. You can't come with me. At sinabi mo na may kailangan kang gawin para kay Hana." Hindi nakasagot si Marga pero masikip ang dibdib na napatungo. She doesn't want to be separated with Akagi, not until this night will e

