Padaskol ang pagsakay ng grupo nina Marga sa van na naghihintay sa parking lot. Ang isang nakaitim na tauhan ay umikot sa driver's seat, ang isa naman ay sa tabi nito. Si Matt ay hila ang nanlulupaypay na si Hana sa braso. Masakit sa tenga ang tunog ng pagkaskas ng gulong ng van nang pinasibad ito ng kanilang kasama paalis ng parking lot. Sa kagustuhang makaalis na sa lugar na iyon dahil nakasunod pa rin ang mga tauhan ni Kaito sa kanila. Napabuga nang hangin si Marga nang makalayo ang kanilang sasakyan at makitang maaliwalas ang kanilang likuran. Walang kahina-hinalang sasakyan na maaaring bumuntot. Siya na nakaupo kaharap si Hana ay nag-aalalang hinawakan ang babae sa binti. "Hana..." Ang mga nakababang mata ng babae ay maihahalintulad sa isang nilalang na tinakasan ng kaluluwa, wala

