'What was that all about? Was it my memory? Pero imposible!' Magulo pa rin ang isip ni Marga kahit hanggang makarating siya ng bahay. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto at hindi pa muling lumabas para harapin ang nagtatakang pamilya. Kanina pagdating niya ay rinig niyang tinawag siya ng kanyang nanay, parang may tinatanong pero kagyat lamang siyang lumingon pero hindi nag-usal ng sagot. Hindi rin pumasok sa kanyang isip kung tungkol saan ang tinanong ng ina. Nangyari ba talaga iyon o imagination lang, resulta marahil ng hang-over. Pero bakit naman siya magkakaroon ng ganoong imagination? Ugh! She will never drink that alcohol again. Ano nga ba ang pangalan niyon? Hindi niya na rin matandaan, pero ang lasa ay tila naiwan pa sa gitna ng kanyang dila. Kahit nag-toothbrush naman siya at nagm
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


