"How did I even lost the key? Sa lahat ng puwedeng mawala, ang susi pa talaga ng condo!" Halos baliktarin na ni Marga ang kuwarto kaninang umaga at nagkalat ang mga gamit niya bago siya umalis ng bahay kakahanap ng kanyang susi. "Ang hassle pa naman magpapalit ng locks." Kasalukuyan siyang nasa loob ng taxi papunta ng ospital kung saan nakahimlay ang bangkay ni Allen. Nangako siya sa sariling pupuntahan ito kinabukasan kaya kahit groggy pa sa tinatamasang hang-over ay bumiyahe siya. Pagkarating sa ospital, kaagad niyang tinawagan si Akagi dahil ang sabi nito ay magkasabay silang pupunta ng morge. Doon na lamang daw sila magkikita sa ospital. Kaya naman pumuwesto siya sa isa sa mga upuang nakahilera sa main lobby para doon hintayin ang lalaki. "Hello, Akagi. Nandito na 'ko sa ospital...N

