Chapter 3

2020 Words
Tanya's POV HABANG naiisip ko ang mga tagpo noong nawala si Marky sa akin. Kung paano ko nakita na puno ng dugo ang mga damit niya. Pati na rin ang damit kong suot. Dahil sa pagyakap ko sa kanya. Halos manlambot ang mga tuhod ko sa panghihina. Ang sakit na makita siya sa ganoong ayos. Halos mamatay din ako nang makita siyang wala ng buhay. Hanggang ngayon ay panay pa rin ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi pa rin nawawala ang mga masasakit na nagdaan sa nakaraan. Lalaki ang naging anak nila Marky at Santi. Five years old na ngayon si Martin. Minsan dinadalaw ko siya sa bahay nina Santi. Hindi naman ipinagdadamot ni Santi sa akin ang bata. Madalas niyang ipahiram sa akin ang anak nila at ipinagpapasalamat ko ito. Dahil para ko na ring nakakasama si Marky kapag kasama ko si Martin. Naalala ko si Marky sa anak niya. At nakikita ko ang mukha ni Marky sa bata. Dahil kamukhang kamukha ito ni Marky. At gwapo rin katulad ng ama niya. Kung buhay siya siguro ngayon ay masaya sila ngayon. Buo ang pamilya nila. Kahit na masakit para sa akin. Pero okay lang dahil buhay siya at nakikita ko pa rin siya. Hindi gaya ngayon na dinadalaw ko lang siya sa sementeryo. Ni hindi ko siya mayakap o makausap. Nakakamiss ang mga araw na palagi ko siyang kasama. "Miss na miss na kita, Marky. Puwede ko bang maramdaman ang yakap mo?" hiling ko sa hangin at hinawakan ang krus na pendant sa kuwintas ko na suot suot ko. Hindi ko iyon tinatanggal sa akin. Gaya ng bilin niya noon. Nagulat ako nang umihip ang malamig na hangin. At naramdaman ko iyon sa aking buong katawan. Kahit na malamig ay hindi ako natakot. Ipinikit ko pa ang aking mga mata. Napangiti ako. Alam kong si Marky 'yon. Tinugon niya ang munting hiling ko. Kahit sa pamamagitan ng hangin ay maramdaman kong andito lang siya sa tabi ko. "I love you so much, Marky. Hinding hindi ka mawawala sa puso ko," sabi ko habang nakapikit pa rin. At dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Gaya ng sabi niya noon sa akin. "Just close your eyes. At makikita mo ako sa puso mo," mga katagang hanggang ngayon ay nasa isipan at puso ko. "I love you, Marky." Nagmulat ako ng mga mata ko at inilagay ang dalawang daliri sa labi ko. Saka ko inilagay sa puntod ni Marky. May ngiti sa labi na tumalikod ako at umalis. Dahil alam ko na andito pa rin si Marky sa akin. Sa puso at isipan ko. Six Years Ago "Marky! Marky! Please gumising ka! Huwag mo akong iwan!" malalakas na mga sigaw ko sa kanya. Nakahiga ngayon si Marky sa higaan sa morgue. Hindi ako makapaniwala na wala na siya. Parang kahapon lamang na nakausap ko pa siya at nakasama. Panay ang panaghoy at pagtangis ko. Hikbi ako ng hikbi. Ang sakit na iniwan niya ako. Okay lang sa akin na hindi niya ako mahal. Basta nakikita ko siya at nahahawakan. Huwag lamang ganito na malamig na siya at wala ng buhay. Wala man lang akong nagawa na patunayan ang pagmamahal ko sa kanya. Pero siya napakadami ng mga ginawa niya para sa pagmamahal niya sa akin. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib ni Marky. At doon ipinagpatuloy ang pag iyak. Ipinatong ko ang kamay ko sa dibdib niya. Hawak ko roon ang kuwintas na ibinigay niya sa akin. Bago siya nawalan ng buhay. Iniligtas na naman niya ako. Wala talagang ginawa si Marky kundi ang iligtas ako. Lagi siyang nasa tabi ko iyon pala ay siya ang bodyguard ko. Pagkatapos namin mag usap ay may mga lalaki na lumapit sa, akin at tinututukan ako ng baril. Hindi ko alam kung saan sila nanggaling. Hindi ko alam na may tatlong mga lalaki pala ang nagmamasid ng palihim sa aming dalawa. At nang makalayo si Marky ay saka lumapit ang mga ito sa akin na mukhang goons. Takot agad ang nabanaag sa akin. Habang nakatanaw kay Marky na palayo sa akin. Napapikit na lang ako ng aking mga mata. Wala na akong ligtas pa sa kanila at siguro'y ito na talaga ang katapusan ko. Ramdam ko sa leeg ko ang nakatutok pa rin na mga baril nila. Sobrang nanginginig ako sa takot. At napapaatras ng hakbang. Pero alam kong wala na akong kawala sa kanila. Wala na akong matatakbuhan. "Anong kailangan niyo sa akin?" kahit na takot na takot na ako ay nagawa ko pa ring magtanong sa kanila. "Huwag kang maingay. Aalis din kami agad 'pag nagawa na namin ang aming pakay," sagot ng isa sa tatlong lalaki. Narinig ko ang pagkasa nila ng mga baril nila na nakatutok sa akin. Sobrang pinangidan na ako. Dito na magtatapos. Inilinga ko pa ang mata ko sa paligid. Walang ibang tao sa lugar kung nasaan ako. Muli akong mariing napapikit ng aking mata. Pero bago pa pumutok ang mga baril nila ay may mabilis na yumakap sa akin. Napamulat ako ng aking mga mata. At nanlalaki ang mga mata ko. Nang makita ko si Marky sa harap ko. Malawak ang ngiti niya sa akin. Ang bala na dapat sana ay tatama sa akin ay siya ang sumalo. Pinanggalan niya ang sarili niya para lamang hindi ako masaktan. Hanggang sa kahuli hulihang sandali ay kapakanan ko pa din ang iniisip niya. Hinila niya ako paupo pati rin siya kahit panay ang agos ng dugo sa katawan niya. Saka humarap sa mga kalaban. "Dito ka lang sa likod ko at 'wag kang matakot! Andito lang ako para iligtas ka. Hindi naman ako umalis!" sabi ni Marky sa akin habang hawak na ang baril niya. Naririnig ko ang malalakas na putok mula sa baril ni Marky. Nakatitig ako sa kanyang mukha habang walang habas siyang nagpapaputok sa mga kalaban. "Aarrgh!" malakas na daing ng isang lalaki at bumagsak sa lupa ang katawan nito. Napapikit ako lalo ng aking mga mata dahil sa takot at napatakip sa aking mga tenga dahil sa naririnig kong mga putok ng baril. Maya maya ay dalawang lalaki pa ang ang narinig kong nabaril ni Marky. Saka dumating ang mga pulis. At kinuha ang mga bangkay na napatay ni Marky. Doon ko naimulat ang mga mata ko. Nang maramdamang bumagsak din si Marky sa lupa. Nanginginig ang mga kamay ko. At umiiyak na walang salitang lumalabas sa bibig ko. Nang makita ko siyang nakapikit ang mata at nakahandusay sa lupa. At may mga dugo na umaagos mula sa likod niya. Niyakap ko siya kaagad. "Marky! Bumangon ka!" mga sigaw ko sa kanya. Nagmulat siya ng kanyang mga mata. At matamis na ngumiti sa akin. "Tanya, mahal na mahal kita. Tandaan mong hindi ako mawawala sa tabi mo. Kahit na malagutan ako ng hininga ngayon ay palagi pa rin akong nakabantay sayo," kahit nahihirapan ay nasabi niya iyon sa akin. At hinawakan ako sa pisngi ko. Lalo naman akong napaiyak sa mga sinasabi niya. Ramdam ko na ang pamamaalam niya sa akin. Hindi ako makakapayag na iiwan na lang niya ako basta. Nang ganito. "Huwag mong sabihin iyan! Mahal na mahal din kita! Lumaban ka para sa akin, please. Gusto pa kitang makasama. Paano na ang anak niyo ni Santi?" umiiyak na sambit ko habang panay pa din ang pagtulo ng mga luha ko. Pinilit niyang itaas ang mukha niya para mahalikan ako sa labi. Kaya ako na ang naglapit ng ulo ko para halikan siya sa labi ng buong pagmamahal. Pagkatapos ay pinaglapit namin ang aming mga noo. Napapikit si Marky at tumulo ang luha ni Marky sa kanyang mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang daliri ko. "I'm sorry, kung hindi na kita masasamahan pa ng mas matagal. Hindi na kita mababantayan. Basta tandaan mo lang mahal kita. Mararamdaman mo pa rin ako na nasa tabi mo kahit wala na ako," ngumiti pa rin siya kahit na dumadaloy ang luha niya sa mga mata. At pinipilit niyang hindi ko makita nasasaktan siya wala mang patid ang pagluha niya. Panay naman ang iling ko ng ulo. Dahil hindi naman ako pumapayag sa mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko hahayaan na mawala siya sa buhay ko. Ganoon lang niya ako kabilis na iiwan. May kinuha siya sa bulsa niya at itinataas ang kamay niya. "Tanggapin mo ito, Tanya," nauubo na sabi ni Marky at kinuha ang kamay ko para ibinigay ang kuwintas na may pendant na krus. "Kapag nasa iyo ang kuwintas na iyan at suot mo ay nasa tabi mo lamang ako. Gusto kong palagi mong isusuot. Mawawalan man ako ng buhay ngayon. Pero ipinapangako kong babalik ako para sayo. Kahit sa ibang katauhan. Ngunit, ang puso kong ito ay titibok pa rin para lamang sayo. Mahal na mahal kita, Tanya," nang biglang may lumabas na dugo sa bibig niya. Nanlalaki ang mata ko at natatakot. Nang unti unti na niyang ipinipikit ang mga mata. Aligaga na ako. Nagpapanic dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman ko ang paglapit ni daddy. Hinawakan niya ako sa balikat at pilit na inilalayo sa katawan ni Marky. "Hija, halika na. Tumayo ka na d'yan." "No, daddy. Please gusto ko sa, tabi lang ako ni Marky," mariing suway ko kay Daddy habang umiiyak. Tinugon ni daddy ang hiling ko at hinayaan ako sa tabi ni Marky sandali. Hinawakan ko ang mukha ni Marky. Nanginginig ang mga kamay ko na haplos ang pisngi niya. At panay pa rin ang pagtulo ng masaganang luha ko. Nang magsalita si daddy na nakatayo pa rin at halata ang lungkot sa kanyang mga mata. "Anak, tanggapin mo nang wala na siya," malungkot na sabi ni daddy sa akin. Habang nakatingin na rin kay Marky na nakapikit na ang mga mata. "No! Buhay pa siya! Buhay na buhay pa rin siya!" asik ko. At niyakap ko na si Marky ng mahigpit. Alam kong nararamdaman pa rin niya ako. Alam kong naririnig niya ang t***k ng puso ko. "Marky, bumalik ka. Bumalik ka please! Marky! Marky!" pagmamakaawa ko at panay ang pagyugyog ko sa balikat niya. Hindi pa rin siya gumalaw kahit anong yugyog ko sa kanya habang panay panay ang mga panaghoy ko. Nawawalan na ako ng lakas. Nanghihina ako na nakikita siya na hindi man lang hinawakan ang mga kamay ko. Hindi man lang siya nagprotesta na kanina pa ako iyak nang iyak. Sabi niya po-protektahan niya at 'di hahayaang masaktan. Nasasaktan ako ng sobra. Durog na durog ang puso ko ngayon. Nang dahil sa kanya. Ilang sandali pa ay may lumapit na sa akin na paramedics para kunin ang katawan ni Marky. Nilapitan ako ulit ni daddy at niyakap ng mahigpit para makulong ang mga kamay ko. At nakuha na nila si Marky at binuhat para inilagay sa strecher. Panay ang naman palag ko sa pagkakayakap ni daddy. At hahawakan ko ulit sa kamay niya si Marky. Pero mabilis ang pagkilos nila na mailayo si Marky sa akin. At tinitingnan ko na lamang sila papalayo sa akin habang nasa strecher na ang katawan ni Marky na nakahiga. "Dad, please! No! Huwag ninyong kunin si Marky ko!" mga pakiusap ko. Saka binalingan ang nakahigang si Marky. "Marky, bumangon ka d'yan! Tumayo ka, 'wag mo akong iwan!" malakas na mga sigaw ko. At nagwawala para muling puntahan si Marky. "Anak, tama na! Tumigil ka na. Kailangan ni Marky na maayos ang katawan niya. Pumayag ka nang mahimlay siya ng maayos," pagsusumamo ni daddy sa akin habang yakap pa rin ako. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Daddy sa akin. At humarap sa kanya. "Dad, gawin niyo po ang lahat para mabuhay siya. Gusto ko po siya rito sa tabi," pakiusap ko habang umiiyak. Napailing ng ulo si daddy sa akin. Alam ko kahit sa sarili ako ay malabong mangyari iyon. Nanginginig ang labi ko. At napatakip sa aking mukha. Hindi ko matanggap na hanggang ganito na lamang kami ni Marky. Hanggang dito magtatapos ang lahat sa amin. Mahal na mahal ko siya. Bakit kailangan pang bawiin siya kaagad sa akin? Tiningnan ko ang kuwintas na hawak ko at dinala iyon sa labi ko. "Marky!" malakas na sigaw ko sa pangalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD