bc

LOVE RENEWED

book_age18+
77
FOLLOW
1K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
HE
brave
billionairess
tragedy
mystery
secrets
rebirth/reborn
kingdom building
bodyguard
like
intro-logo
Blurb

Disclaimer:The story is all in fiction. Even characters, places, and incidents are all fiction. It is made by the author imagination.

---------------------------------------------

Nakikita ni Marky James sa panaginip si Tanya. Dahil sa mga panaginip niya ay minahal niya ang dalqga. Subalit, ang lalaki sa panaginip niya ay ang one great love ni Tanya na namatay anim na taon na ang nakakaraan. At ang taong nagligtas sa dalaga.

Sino ang pipiliin ni Tanya sa dalawang magkaibang katauhan ngunit iisa ang mukha at pangalan?

chap-preview
Free preview
Prologue
Tanya's POV SINONG hindi nangangarap na mahalin ng taong mahal mo? Kahit sino naman mapababae o mapalalaki pa siya. Kahit ang mga bakla o tomboy ay nangangarap din na mahalin ng taong mahal nila pabalik. Simpleng pangarap iyon kumpara sa ibang pangarap mo sa buhay. Mahirap ding magmahal, dahil laging may risk at laging may isasakripisyo ka. Hindi lagi na masaya kayong dalawa na magkasama ng mahal mo. May away, tampuhan at mga paghihiwalay. Ang mga narealised ko habang nagmamahal. Dahil ako din ay nangangarap na mahalin ng taong labis kong minamahal. Si Marky ang bestfriend ko. Ang aking first love. And the only one, love of my life. "Tanya, may klase pa tayo mamaya. Tulala ka na naman diyan," saway ng kaibigan ko. Andito kami ngayon sa canteen ng University. Same course kami ni Macky at magkaklase din kaming dalawa. He is ahead ng five years sa akin. Pero pinili niyang maging magkaklase kami sa We're friends since I'm ten years old. And it's funny na masungit ako sa kanya nuong una ko siyang nakilala. Pero nagbago iyon nang he became my saviour! My hero. Parang fairy tale lang. Ang prince charming mo nai-save ka sa mga bad guys na gustong kunin ka. At gawan ka ng masama. And that moment I knew that I'm falling in love with my boy best friend. Kahit na bata pa ako. Ramdam ko iyon sa puso ko. Mahal ko na siya. "Ha, ganoon ba?" natitigilan na sagot ko sa kanya habang tinitingnan ang gwapo niyang mukha. Marky has a pair brown eyes. Maputi ang complexion niya. 6' ang height niya. May matipunong katawan at alam kong may abs siya. Gaya ng ibang mga guy, hindi ko nakikita. Nagtataka rin nga ako kasi hindi ko naman nakikita siyang nagi-gym. Pero ang ganda ng bicep niya. Lahat ng babae ay humahanga sa ganda ng katawan ni Marky. Even me. Marami ang nagkakagusto sa kanya na mga babae dito sa university. "Finish your food. Tingnan mo, oh. Nangangayayat ka na. Nagda-diet ka ba?" may pag alala na tanong niya sa akin. Palagi niya akong pinapaalalahan na kumain ng marami. Kahit na pakiramdam ko ang taba ko na. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko minahal si Marky. He always make sure na kapag magkasama kami ay busog ako. He is really a perfect boyfriend na maalaga at mapagmahal sa girlfriend niya. I looked up at him na namumungay ang mga mata. Sana tingnan din niya ako sa mata na babaeng mahal niya at hindi isang bestfriend. Hanggang tingin na lang ang pagmamahal ko sa kanya. Ayoko namang masira ang pagkakaibigan naming dalawa. At lalong ayokong makasira ng relasyon. Yes, Marky had a girlfriend and it's Santi. Si Santi ay nag aaral din dito sa university kung saan kami ni Marky din nag aaral. Matagal na rin ang isang taon na pinagsamahan nila. Siguro nasa one year na din na in a relationship silang dalawa. Si Santi na malandi, inagaw niya ang sa akin ang best friend. Ang bitter ko! In all people pa sa bestfriend ko pa ako maiinlove. Itinatago ko lang ang nararamdaman ko para kay Marky. Napabuga ako ng malalim na buntong-hininga. "Ano naman iyang buntong hininga na 'yan?" tanong niya sa akin. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Dahil wala naman akong lakas ng loob na aminin ang tunay na nararamdaman ko para kay Marky. Napailing na lamang ako ng ulo ko bilang tugon sa kanya. Ano naman ang isasagot ko? Ang lupit ng tadhana sa akin. My bestfriend cannot love me as a girlfriend or the woman that he loves. Hanggang bestfriend na lang talaga ang tingin niya sa akin. Mayamaya ay nakikita kong lumalapit na ang girlfriend niyang maharot. Parang linta kung kumapit sa best friend ko. Akala mo naman aagawan ng boyfriend. E, mas nauna naman ako sa kanya na nakilala ni Marky at una kong minahal ito. Parang gusto kong umiyak. Kaya naibaling ko ang mukha ko sa aking likuran at saka hinayaan na umagos ang mga luha ko ng lihim. Pagkatapos ay pinunasan ko iyon na parang walang nangyari. Saka humarap ulit kay Marky. Parang kanta lang na laging kong kinakanta kapag nalulungkot ako at naiisip si Marky. Ang favorite song ko at themesong ko. Nakakalungkot na hindi naman ako ang laman ng puso niya. I hope na kapag tinitingnan niya ako. Hindi na pang best friend lang ang mga tingin niya sa akin. Kapag nagka-care siya sa akin 'yong totoong mahal na din niya ako. Kasi kapag na andiyan na si Santi nawawala na ako sa paningin niya. Hindi na niya ako napapansin. At si Santi na ang langing nakikita ng mga mata niya at hindi ako. I'm just hoping na sana ako na lang. Puwede kaya? Umaasa na naman ako sa wala. "Sige, bestie. Alis na kami ni sugar ko," paalam niya sa akin ng makalapit na si Santi sa amin. How baduy, sugar talaga! Inis na sabi ko sa isip ko. Ang sabihin mo inggit ka lang kasi 'yon ang tingin niya kay Santi. Punong puno ng pagmamahal, tapos hawak kamay silang maglalakad papalayo sayo mamaya. Tumango na lang ako ng ulo at pilit na ngumiti kay Marky. Kahit na nasasaktan ang kalooban ko na nakikita silang dalawa na magkasama. Hinawakan ni Marky ang kamay ni Santi at ipinulupot ang isang kamay sa beywang nito. Saka tumalikod na sila sa akin paalis sa harapan ko. Hindi man lang ako binati ng bruhilda. Nakakainis talaga! Mga pagmamaktol ko sa isipan ko. Ganito si Santi sa akin. Pakiramdam ko tuloy nagseselos siya sa akin. Ang lamig niya kasing makitungo sa akin. Kahit na bestfriend ako ng boyfriend niya. Pinagmamasdan ko silang magkahawak ang kamay na naglalakad papalayo sa akin. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko na umalpas sa mga mata ko. Ang sakit sakit! Nakakadurog ng puso sa tuwing nakikita ko silang ganito. Mayamaya ay nagpasya na akong umalis na ng canteen. Hindi rin naman ako makakain ng maayos. Nawalan na ako ng ganang kumain. Mabibigat ang mga paa ko na naihakbang pauwi sa bahay. Gusto ko lang mag isip isip kaya pinili kong maglakad na lamang at mapag isa. Malapit lang naman ang bahay namin sa university. Nawalan na rin ako ng ganang pumasok sa next subject namin. Lalo na ganitong nagluluksa ang kalooban ko sa sakit na nararamdaman ko. Nang makarating ako sa bahay ay dire diretso akong pumunta sa kuwarto ko. Pabagsak kong inihiga ang likod ko sa kama ko. At hindi na nag abala pang magbihis. Iniisip ko pa rin sina Marky at Santi. Hindi na naalis sa aking mga mata ang paghawak nila ng mga kamay. Nasa kama ako at nakahiga. Laman pa din ng utak ko si Marky. Hindi ko na talaga maiaalis si Marky sa isipan ko. Pati na rin sa puso ko. Pero nasasaktan pa rin ako. Umaasa na mamahalin din niya ako pabalik. Kagaya ng pagmamahal ko para sa kanya. Ayoko ng maging bestfriend na lamang niya. Minsan gusto ko na lamang sumuko. Dahil sobrang masakit na. Napaiyak na naman ako. Kahit itong luha ko hindi marunong makisama. Panay lang ako sa pagpunas ng mga luha ko na bumabagsak sa aking mga mata. Umaasa lang naman ako sa wala. Hindi rin naman ako mamahalin ni Marky pabalik. Dahil may iba na siyang mahal. At ako ay bestfriend lang niya walang magbabago. Nakatulugan ko na ang mga pag iyak ko. Pero ang kirot sa puso ko andoon pa din. Kinabukasan ganoon pa rin ako ang panlalata ko. Nasasaktan at nagdurusa ang kalooban. Naging normal lang rin naman ang lahat sa akin buong araw. Pero hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko. Mas lalo ko lamang minamahal si Marky sa paglipas ng mga araw. At kahit na hindi kami magkasama o nagkikita eh gusto ko pa rin siya. Ano ba naman itong puso ko ang hirap makisama? MABILIS tumulin ang mga araw. Tatlong buwan mas lalo lang naging mabigat ang mga nararamdaman ko para kay Marky. Sobrang nasasaktan na ako kapag nakikita ko silang magkasama ni Santi. Gusto ko sana ako na lang ang nakikita niya at nakakasama palagi. Maging sa araw araw na pagpasok namin sa university. Bestfriend nga kami pero mas nagiging kasama niya ngayon si Santi. Nagseselos na ako kapag ang sweet nila sa harapan ko. At kapag nakikita ko kung paano asikasuhin ni Marky si Santi. Girlfriend niya iyon at ako bestfriend lang. So aasa pa ba ako? Kagaya ngayon, nagrereview kami. Pero nagtatawanan silang dalawa at naghaharutan. Habang ako ay malungkot na nakatingin lang sa kanilang dalawa. Hindi ako napapansin ni Marky na papalit palit ng tingin sa kanilang dalawa. Kahit sulyap nga hindi na magawa ni Marky sa akin. Siyempre kasama namin ang girlfriend niya. Hanggang isang araw, gusto raw akong makausap ni Marky. May aaminin daw siya sa akin. Iba na ang naging pakiramdam ko sa sinabi niya na may aaminin siya. Bumibilis ang t***k ng puso ko. At masyado na akong kinakabahan. Siguro nga ito na ang matagal kong hinihintay, ang pag amin niya. Aaminin na kaya niya sa akin na mahal din niya ako? Sana nga... Andito ako sa tambayan namin, sa likuran ng university. Naghihintay sa kanyang pagdating. Hindi na ako mapakali. Ninerbiyos na talaga ako kanina pa. At pinagpapawisan ang mga kamay ko. Ilang sandali pa ay nakita ko na siyang lumalapit sa akin na may malaking ngiti sa labi. "Ano palang aaminin mo?" bungad na tanong ko agad sa kanya. Hindi na ako makapaghintay kaya ako na ang naglakas loob na magtanong. Ang lawak lawak pa rin ng ngiti niya. Excited na akong marinig ang sagot niya. "Tanya, Santi is pregnant! Magkaka-baby na kami!" punong puno ng saya na sigaw niya sa akin. Halos magtatalon siya sa tuwa. Habang nasa balikat ko ang mga kamay niya. Biglang naramdaman ko ang pagguho ng mundo ko. Halos pigilan ko ang aking paghinga. Kaya halos mawalan ako ng hangin. At bibigay na ang mga tuhod ko sa panghihina. Sobra akong natigilan at walang lumabas na salita sa aking bibig. Nag-expect ako ng sobra. Akala ko aaminin niyang mahal niya ako. Hindi naman pala 'yon. Gumuho ang kakatiting na pag asa ko na mamahalin din ako ni Marky. Biglang tumulo ang mga luha ko ng hindi ko sinasadya. Ang sakit sakit na talaga! Parang sasabog na ang dibdib ko sa sakit. Nakita niya ang pagluha ko at nagtataka. Bumaba ang kamay niya sa mga kamay ko. "Hindi ka ba masaya para sa akin?" tanong niya sa akin na hindi naalis ang ngiti sa labi. Panay naman ang pag agos ng luha ko sa aking mga mata habang nakatunghay ako sa kanya. Mariin akong napapikit. Binitawan ko ang mga kamay niya at tumalikod ako sa kanya. Gusto ko lang itinago ko ang mga luha kong patuloy na umaagos sa mga mata ko. Pero nahuli naman niyang bigla na lamang iyon kumawala sa mga mata ko. Hindi ko na din kasi napigilan ang sarili ko. Kasi sobra na akong nasasaktan sa mga narinig ko mula kay Marky. "Why you are crying na para kang namatayan?" may pang uuyam na tanong niya sa akin. Nakita ko ang galit sa mukha niya. Masaya siya kanina, ramdam kong biglang nag iba ang timpla ng mukha niya. Hinarap ko siya na hilam ng mga luha ang aking mga mata saka ko pinunasan iyon. "Oo, Marky! Pakiramdam ko mamatay na ako! Kasi sobrang nasasaktan na ako! Ang sakit sakit, eh. Dito, oh!" turo ko sa dibdib ko, sa tapat ng puso ko. Habang patuloy na umiiyak at panay ang mga paghikbi ko. Natulala siya. Hindi rin siya nakaimik. Saka tumalikod siya sa akin at humakbang paalis. Iniwan ako na blangko. Nagtataka kung bakit ganoon na lamang na hindi siya nagsalita. Naiinis ako na wala man lang siyang reaksiyon sa inamin ko. Bato na ba talaga ang damdamin ni Marky at hindi niya maramdaman na nagdurusa ang kalooban ko? Gusto kong isugaw sa kanyang nasasaktan ako. Sa huli ay hindi rin ako nakatiis. Hinabol ko siya at nang maabutan ko si Marky ay niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran niya. "Mahal kita, Marky," muling ssmbit ko sa kanya na parang nagmamakaawa ang tono ng boses. Tinanggal niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. Saka siya humarap sa akin. Nabigla akong makitang namumula ang mga mata niya at umiiyak din siya. Puno ako ng pagtataka sa kanya. Anong ibig sabihin ng mga luha niya?Naitanong ko sa aking sarlil ko. "Mahal din kita, Tanya. Pero magkakaanak na kami ni Santi. Patawarin mo ako kung hindi ko inamin kaagad sa 'yo. Masyado kang manhid akala ko wala kang nararamdaman para sa akin. Kaya itinuon ko ang puso ko at atensiyon ko kay Santi," amin din niya sa akin habang panay ang pagtulo ng mga luha niya sa kanyang mga mata niya. Napaawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Mahal pala niya ako. Kailan pa? "Bakit ngayon lang?!" sigaw na tanong ko sa isip ko. Bakit niya ako hinayaan na masaktan ng ganito? Gayong mahal niya pala ako. "Bakit hinayaan mo na magmahal ka ng iba kahit mahal mo ako?!" galit na tanong ko sa kanya. Totoo kayang mahal niya si Santi? Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko. "Mahal mo ba talaga si Santi?" tanong ko ulit sa kanya. Pero hindi siya sumasagot. "Sumagot ka, Marky! Mahal mo ba si Santi?! Napailing siya ng ulo sa akin. Natutop ko ang aking bibig. Hindi makapaniwalang ginagamit niya lang si Santi. Para lamang kalimutan ako. Bakit? Anong dahilan niya? "Hindi kita puwedeng mahalin dahil masasaktan lang kita. At ayokong mangyari 'yon. Mamatay ako kapag sinaktan kita!" pagrarason niya sa akin. Napailing iling ako ng ulo. Hindi ko maintindihan. Pilit kong isinasaksak sa utak ko ang mga rason niya. Napakababaw ng rason niya para ibaling sa iba ang pagmamahal niya. Ako na ang tagal siyang minahal ay hindi ko man lang naisip na magmahal ng iba. "Hindi mo pa rin ba ako nasasaktan ngayon, Marky?" tanong ko sa kanya. Puno ako ng panghihinayang para sa aming dalawa. Dapat masaya kami ngayon. Dapat kami ang magkasama ngayon. Dahil mahal namin ang isa't isa. 'Putsa naman, Marky! Mahal na mahal kita, noon pa. Noong ten years old pa lamang ako. Sana sinabi mo na lang sa akin para hindi tayo parehong nasasaktan ng ganito. Nakakainis ka!" umiiyak na napaupo ako. Hindi talaga pumapasok sa utak ko ang mga naidahilan niya. Mahal na mahal ko siya. Sana man lang ipinaglaban niya ang pagmamahal niya para sa akin. Nilapitan niya ako saka itinayo. Pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap sa kanya. At doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko at sakit sa puso ko. "Mahal na mahal din kita, Tanya," pagkasabi niyon ay saka niya ako iniharap sa kanya. Nagtama ang mga tingin namin. Pareho na umaagos ang mga luha namin sa aming mga mata. "Hindi tayo puwede dahil isang hamak na taga-bantay mo lamang ako. I was train to protect you. Sabi ng daddy mo mas maganda na hindi nalalayo sa edad mo ang magbabantay sa 'yo para maging sekreto ang mga pagbabanta sa buhay mo. At para na rin maprotektahan kita," mahabang paliwanag niya sa akin. Nakatingin pa din ako sa mga mata niya. Inaarok kung nagsasabi ba siya ng totoo. "Naging successful ang operation na tugusin ang mga taong may lihim na galit sa pamilya niyo. Ang mga sakim na gustong kunin ang yaman ng pamilya niyo," naging seryoso ang mukha niya. "I am not Marky Rodrigo. I'm your bodyguard at isa akong pulis," dagdag na amin niya pa sa akin. Natulala ako sa mga inamin niya sa akin. Hindi ko inakalang siya ay isang pulis at bodyguard ko. Kaya pala palagi siyang andoon kapag kailangan ko siya. "Wala naman akong pakialam sa estado ng buhay natin. Ang mahalaga sa akin mahal natin ang isa't isa," ani ko. Dahil hindi naman talaga importante iyon sa akin. Walang halaga ang lahat kung wala si Marky sa buhay ko. Higit siyang mas mahalaga sa akin. "No, Tanya. Hindi mo naiintindihan. Tapos na ang misyon ko. At kailangan na nating maghiwalay ng landas. Kapag nakita pa ako na kasama ka ay puwede kang ilayo at kunin sa akin. That's why I choose to still pretend that we are classmate para lagi pa rin kitang nakakasama at nakikita." "I'll be always loving you. Kahit nasaan man ako. Ikaw lang ang babaeng laman ng puso ko. Kapag dumating ang time na magkita pa tayo, kahit sa ibang katauhan o kahit sino pa ako sa kahit saang lugar. Ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko," dugtong na sabi ni Marky. Napaiyak ako sa mga binitawan niyang mga salita. Wala na ba talaga kaming pag asa pa na dalawa? I'm not selfish para ipilit ang gusto ko. Kahit na mahal na mahal ko si Marky. At may bata ng involve sa aming dalawa. Kaya handa pa akong magparaya. Alang alang sa anak niya at sa magiging pamilya niya. Magiging okay lang ako. Basta masaya siya pamilya na bubuuin niya. "I'll wait na maging tayo kahit na malabo," sambit ko at niyakap siya ng mahigpit. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi. Napaiyak na naman ako. A kiss for I love you and goodbye. "Huwag kang matakot magmahal ulit ng iba. Alam ko na may panahon para sa ating dalawa. Malaya na tayong magmamahalan doon," nakangiting sabi niya sa akin. Sana nga ay dumating ang araw na iyon. Dahil si Marky pa rin ang lalaking pipiliin kong mahalin. Even in a hundred years. Si Marky pa din. "Just close your eyes. At makikita mo ako d'yan sa puso mo. Kasi palagi kang nasa puso ko," sabi pa niya sa akin. I nodded and give a big smile to him. He reached my hand. Saka siya dahan dahang naglakad palayo sa akin. Hanggang sa nabitawan niya ang kamay ko. At hanggang sa hindi ko na siya makita. May ngiti pa rin sa labi ko na malaman na mahal din niya ako. Kahit paano hindi pa rin nasayang ang pagmamahal ko para sa kanya. I know someday. May panahon na nakalaan para sa aming dalawa ni Marky. Hindi man ngayon. Siguro sa ibang panahon. "Mahal na mahal kita, Marky. Asahan mo na maghihintay ako sayo. Hanggang sa kailanman ng ating buhay. Ikaw lang at ikaw lamang ang akong mamahalin," mga pangako kong binitawan sa hangin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
70.7K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

Cheers to Revenge

read
13.3K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
42.6K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook