Six Years Later
Tanya's POV
ILANG taon na ang nakakaraan parang isang bangungot pa rin sa akin ang mga nangyari. Lagi kong napapanaginipan ko ang mga nangyari anim na taon na ang nakakaraan. It still gives me a feeling that mayroon akong kailangang gawin na hindi ko maintindihan. Hindi na ako nakakatulog ng maayos at laging balisa dahil sa pag iisip.
And I miss him so much. How I wish that he is here with me. Siya lang naman ang alam kong laging nasa tabi ko. He cares for me more than I care for myself.
I graduated Business Administration dahil iyon ang gusto nina Daddy at Mommy para sa akin. Dahil ako raw ang mamahala ng mga negosyo namin. Ngayon nga ay nagtatrabaho ako sa aming kompanya na sa akin na ipinamahala ni Daddy.
Iba't ibang negosyo ang namana ni Daddy sa mga magulang niya at siya na ang nagtuloy noong mamatay ang mga ito. Ang pangunahing negosyo namin ay clothing line na mayroong malaking patahian sa iba't ibang panig ng bansa. At mga groceries store o supermarmarket na kalat sa buong Pilipinas.
Kailangan ko ring i-focus sa ibang bagay ang isip ko. Para makalimutan o 'di na maalala pa ang mga nangyari noon. Kahit ang parents ko ay hindi na nababanggit iyon sa akin.
"Ma'am, you're Dad is outside your office," sabi ng sekretarya ko na ikinatigil ko habang binabasa ang dokumento ng mga proposal ng business ng mga ilang investors na gustong mag invest sa kompanya namin.
"Let him in," sagot ko. Saka itinuloy ko ang pagbabasa. Ilang sandali ay nahagip ng mga mata ko si Daddy na nakaupo na sa visitors chair ko na nasa harapan ko.
"Anak, do you get the proposal of Mr. Lim?" tanong niya sa akin habang nakadekuwatro ang paa.
"Yes, Dad. And I'm reviewing it, para makita ko kung may potential o may benefit ang mga proposal niya na iniindorso para sa negosyo natin, " paliwanag na sagot ko.
Mr. Antonio Lim, isa siyang businessman na maraming lupain at ang business niya ay patungkol sa farming at mga hayop. Sa mga lupain na iyon nagtayo siya ng mga farm. Iba't ibang gulay at iba't ibang klase ng mga prutas. Mayroon din siyang poultry. He proposing na sa kanila kunin ang mga fresh na gulay at mga prutas. Pati na rin ang mga meats na itinitinda sa mga groceries stores namin.
Puwedeng hindi na kami mag import at menos gastos na rin sa malaking shipping fee aboard ng mga inaangkat naming mga produkto sa labas ng Pilipinas.
"You've known everything. Ipinagmamalaki ko na sa akin ka natuto. Alam mo na ang mga paikot sikot dito sa ating kompanya. Namana mo ang talino ng Mommy mo. Dahil ang dali mong natuto. And I'm very proud of you, anak," compliment niyang sabi sa akin.
Ngiti lang ang naisagot ko kay Daddy.
As in may choice ako. Dahil kailangan ko talagang pag aralan ang lahat ng ito kahit na hindi ito ang gusto ko. They already have a plan for my future na hindi ko gusto. Dahil sila naman palagi ang nasusunod.
Napabuntong hininga ako saka tiningnan ko ulit si Daddy.
"Bakit po pala kayo nadalaw dito?" tanong ko. Alam ko na mayroon siyang gustong sabihin kaya sinadya niya pa talaga ako sa opisina ko.
"They are inviting us for a dinner. Kung gusto mo raw na makausap sila ng personal," sagot ni Daddy sa akin.
"They? At sino naman po iyang mga tinutukoy niyo," nagtatakang tanong ko.
"Sina Mr. Lim. Gusto niyang makilala ka at mapag usapan ang tungkol sa negosyo," sagot ni Daddy.
"Dad, you know how busy I am. At alam niyong masyado na akong late kung umuwi. Halos hindi ko na nga kayo nakakausap nina Mommy. Paano ko pa maisisingit iyan sa schedule ko?" inis na sagot ko.
"Don't you worry, Hija. Relax and make time for yourself a little. I know na stress ka na rito sa opisina mo," nakangiting wika ni Daddy sa akin.
Kaya kahit na ayaw ko ay wala pa rin akong magawa. Everytime na I will think about myself pakiramdam ko I need to think more about it. Dahil wala akong karapatan para isipin kung ano ang mga gusto ko dahil ang gusto pa rin nila Daddy at Mommy ang nasusunod.
I'm wearing a semi formal black dress na above the knee. May slit ito na maiksi sa gilid na tinernuhan ko ng black pair of shoes na may three inches na heels. Habang sinisipat ko ang kabubuan ko sa salamin. Ngayong gabi ang family dinner na sinasabi ni Daddy sa Lim family.
I check my watch on my wrist at nakita kong late na ako ng limang minuto. Nauna na sina Mommy at Daddy sa restaurant kung saan gaganapin ang family dinner. Medyo naghuli kasi ako dahil nagpaayos pa ako ng mga kuko ko. Para all black ang peg ko. Wala lang gusto ko lang.
I parked my car sa parking area sa harap ng restaurant. Lumabas ako ng kotse ko at nagsimulang maglakad papalapit sa restaurant na pinareserved ni Mr. Lim.
"Good evening, Ma'am," sabi ng waiter sa akin nang binuksan niya ako ang pinto ng restaurant. May magandang ngiti ito sa akin habang pinagbubuksan niya ako ng pinto.
"Good evening. Table of Mr. Lim," bati ko rin at sinabi ang pinareserved na table para sa aming buong pamilya. At ngumiti rin dito.
"This way, Ma'am, " at iginiya ako papalapit sa table kung saan naririnig ko na ang mga tawanan doon. Mukhang marami na silang napagkukuwentuhan.
"Hi," bati ko sa kanila na ikinalingon nilang lahat sa akin.
Sabay sabay silang napalingon sa akin.
At nakita ko kaagad ang masamang tingin ni Mommy sa akin. Ayaw kasi ni Mommy ang nalalate ako kapag may mga ganitong mahalagang pagtitipon.
Una kong nilapitan si Mommy dahil sa tingin niyang masama.
"You're late," bulong ni Mommy ng mahina sa tenga ko nang hinalikan ko siya sa pisngi niya.
"Sorry, Mom," bulong ko rin na paumanhin. At pagkatapos ay nilapitan ko rin si Daddy para humalik din sa pisngi nito.
Napatingin ako sa mag asawang katapat nina Mommy at Daddy.
"Oh, iyan ba ang anak niyo Mr. Tony and Mrs. Ingrid Guevarra?" ang lawak ng ngiti na tanong ng isang babaeng maganda na hindi mo aakalaing nasa forty's na ang edad. Dahil maganda pa din ito at mukhang ingat na ingat sa katawan.
"Yes, this is my unica Hija, Tanya Guevarra," pakilala ni Daddy sa akin. "And she is single," singit na sabat ni Mommy. Nakita ko ang makahulugang ngiti ni Mommy.
Napaarko ang kilay ko dahil sa sinabi ni Mommy. Kailangan pa ba talagang sabihing single ako? Does it really matter na malaman nilang single pa din ako at wala pang boyfriend?
"This is Mr. Anthony Lim and Mrs. Geraldine Lim," pakilala rin ni Daddy sa mag asawang Lim.
Nakipagkamay ako sa mag asawang Lim.
"You look gorgeous, hija. Alam mo bagay kayo ng anak ko. Single rin siya. And he is also good looking guy. Nagpunta lang sa washroom sandali, " komentong sabi pa ni Mrs. Lim. At mukhang nagbuhat pa ng bangko para sa anak.
Mukhang nabugaw na yata ako ah. Nagmamaktol ang isipan ko dahil mukhang irereto pa ako sa anak nito.
"Take a seat, anak," utos na sabi ni Mommy sa akin at iginiya ako ng tingin nito sa bakanteng upuan katabi niya.
Umupo naman ako sa tabi ni Mommy. At napansin ko ang bakanteng upuan sa tabi ko. Mukhang katabi ko pa ang anak na sinasabi ni Mrs. Lim.
"We already order food for you. Ang tagal mo kasi," sabi pa ni Mommy sa akin. Habang sina Daddy at Mr. Lim ay busy sa pinag uusapan nila about sa business.
Ano kayang itsura ng anak ng mga Lim? Siguro pangit, tapos pandak saka dapa ang ilong. Natatawa ako sa mga naiisip kong paglalarawan sa kaawa awang lalaki. Mukhang na-murder ko na ang lalaking iyon sa isipan ko.
Mayamaya ay may tumabi sa akin na ikinalingon ko. Napaawang ang labi ko at natulala.
Oh my! Buhay pa ba ako? Is he an angel? Na bumaba sa langit para sunduin ako. Mga tanong ko sa isip ko. Habang titig na titig sa mukha ng lalaking katabi ko.
"Tanya, this is my son, Marky James Lim," pakilala ni Mrs. Lim sa anak na may malawak na ngiti.
"Nice meeting you," sabi nito sa akin at inilahad ang palad nito para makipagkamay sa akin.
Tinitingnan ko lamang ang kamay niya. Tatanggapin ko ba o hindi? Nag aalalangan ako. Ayokong maramdaman 'yong sinasabi nilang kuryente.
Potek! Ang advanced ko mag isip. Makikipagkamay lang sa akin ang kung ano anong pumapasok sa utak ko.
Nagulat ako ng siniko ako ni Mommy sa tagiliran ko.
Binalingan ko si Mommy at parang sinasabi sa mga tingin nito na kunin ko na ang kamay ng lalaking katabi ko.
Nang tumingin naman ako sa mag asawang Lim ay parehong may malaking ngiti ang mga ito sa akin.
Pero si Mommy hindi na nakapaghintay at kinuha ang kamay ko para ibigay sa Marky James na iyon.
Napakislot ako nang may maramdaman na kung ano dahil sa pagpisil niya ng kamay ko. Iyon na ba ang kuryente na sinasabi nila?
Binalingan ko ng tingin ang mukha ni Marky at nakitang parang pareho kami ng naramdaman. Saka biglang binawi ang kamay ko na hawak pa rin nito.