CHAPTER TEN

1313 Words
ILANG ULIT NYA nang nabatukan ang sarili. Inis na inis sya sa sarili dahil sa nangyari kagabi. Bakit wala man lang syang nagawa para makaalis doon? Para pigilan man lang sana ang kalandian ng lalaking yun? Ngayon, ayaw nya nang lumabas. Ayaw nya nang makita ang mukha ni Alexendris dahil kapag nakita nya ito. Baka mapatay nya ang sarili sa hiya. She also fear him, not because of what he can do, but because he is a man. If he didn't stop. Baka may nangyari na sa kanila. "Kailangan kong umalis. Magkapakalayo-layo." usap nya sa sarili Bumuo siya ng desisyon sa isip niya. Doon muna sya sa mga parents nya titira. Malayo-layo dito ang bahay ng mga iyon. Magle-leave muna sya ng mga two weeks sa trabaho. Siguro naman magsasawa na ang lalaki sa kakahanap sa kanya. One week na lang din naman at tapos na ang deal nila. Bakasyon niya na yung one week na yun. Mabilis ang kilos niya habang nag-iimpake. Naasabi nya na sa mga magulang na uuwi muna sya. Si Van naman ang tinatawagan nya para magpahatid. "Van!" "What?... I'm driving..." "May lakad ka ba? Pwede mo ba akong samahan papunta sa bus station. Uuwi muna ako kila papa. Please?!" "Why do I feel like you're in trouble, again?..." "Basta! Tulungan mo na lang ako. Bilisan mo. Baka maabutan nya ako!" "f**k! I swear Celestine. Hindi na kita tutulungan sa susunod... I'm coming..." Kaunti lang naman ang inimpake nya kasi may mga damit na sya doon. Yung mga importante lang ang dadalhin nya. Lumabas sya ng kwarto dala ang bag. Halos manigas sya nang may kumatok sa pintuan. Parang tatakasan sya ng puso niya sa lakas ng t***k nito. Please...wag sana sya yan! Kahit ito lang! She flinched nang mas lumakas ang katok kasunod ng isang boses. "Open the damn door celestine kung ayaw mong hindi kita ihatid!" Nakahinga sya ng maluwag. Binibit nya ang bag nang maayos nya ang cap at mask na suot saka lumabas. "What the hell? Nakapatay ka ba?" tanong kaagad ni Van She locked the door and ran in his car. Humabol na lang sa kanya si Van. Nang makaalis sila sa bahay nya. Doon lang sya nakahinga ng maluwag. "Wew! Intense yun a." "Sino ba ang pinagtataguan mo? Mukha kang kriminal!" Van "Wala naman. Gusto ko lang umuwi. Namiss ko sila mama e." palusot nya Nasira naman ang mukha ni Van sa sinabi nya. "You're lying." "Wag kana magtanong. Di ka naman pala maniniwala." She said sarcastically Isinandal nya ang ulo sa bintana at ipinikit ang mga mata. Hindi sya nakatulog kagabi. Matapos nyang itulak si Alexendris at nagmamadaling umuwi sa bahay nya, hindi siya nakapagpahinga ng maayos. It's a new feeling and it's haunting her Mahigpit na yakap kaagad ang sumalubong kaagad sa kanya pagdating ng bahay. Ang mama nya lang ang minsang naiiwan sa bahay dahil laging nasa trabaho ang papa niya. Abala sa pagpapatakbo ng di kalakihang negosyo nila. "Kamusta ma—aray!" Napahawak sya sa ulo ng kaltukan sya ng mama nya. Mula sa pagiging maamo. Nanlisik ang mga mata nito. "Umuwi ka pa! Dapat pinanindigan mo na nagmana ka sa ama mong puro na lang trabaho!" sermon kaagad nito "Ma naman! Buti nga umuwi pa ako e!" Tinampal nito ang braso niya na ikinasira ng mukha nya. Ang bigat pa naman ng kamay ng mama nya! "Nanunumbat kana? Ganon!? Hala! Doon! Maghugas ka!" Nanlaki ang mga mata nya. "Kakarating ko lang!" reklamo nya "Isa!" Nakabusangot syang nagtungo sa kusina. Maling desisyon ata na dito syang tumuloy. Dapat sa beach na lang. Edi sana nakapag-swimming pa sya. Naman kasi! NAUPO SYA pagkatapos nyang maihain ang kanin sa lamesa. Her father was so happy nang malaman na umuwi siya kaya marami silang pagkain kahit tatlo lang naman silang kakain. "May plano ka ba kaya ka umuwi? Bihira ka lang makapunta dito dahil abala ka sa trabaho?" usisa ng papa nya Pasimple syang kumuha ng plato at nagsandok ng kanin para iwasan ang mapanuring tingin ng papa nya. Kilalang-kilala sya nito na palaging nadadawit sa gulo dahil sa ugali nyang medyo may pagkatsismosa. Kapag nalaman ng papa nya ang rason kung bakit talaga syang umuwi baka makaltukan sya ng tatlong sunod-sunod. Lalo pa at kilala sa negosyo ang pangalan ni Alexendris lalo na ang apilyedo nila. Hindi lang dahil sa yaman at impluwensya kundi sa mga sabi-sabing ugali nito. Kaya nga sya napunta sa ganitong sitwasyon dahil doon. Sa sobrang curiousity niya sa bali-balita. Hinanap nya ang bahay at pumunta dito makumpirma lang kung totoo. "Balak ko sanang magbakasyon. Masyado na kasi akong babad sa trabaho. Syempre, kailangan ko din ng oras sa sarili ko." sabay tawa Tumango-tango ang papa nya habang sinasandukan niya ang plato nito. "Kelan mo balak sa sumubok sa negosyo natin Celestine? Nang sa ganon ay maturuan kita sa pasikot-sikot sa negosyo. Hindi na ako tumatanda. Balang araw ikaw ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ng pamilya natin." saad ng papa nya Napakagat-labi siya. My lahing chinese ang papa nya dahil ang lolo ng lolo nito ay full chinese kaya naman pagdating sa negosyo ay masiguridad ito. May dahilan siya kung bakit ayaw nya paring ma-involve sa negosyo ng papa nya. Isa doon ay masyadong magulo ang mundo ng business. Pangalawa, takot syang pumalya. She doesn't want to disappoint her dad kaya ilag sya sa tuwing nagsasabi ito sa kanya. "Kelan ka ba magiging handa? Hindi na kami pabata Celestine. Bakit ka ba nagtitiis sa trabaho mo kung maari kang maging presidente ng kompanya?" tanong mama nya Napakamot sya sa ulo. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nila nang hindi sila nasasaktan at hindi malalaman na takot lang talaga sya. "May dahilan ako kaya ayoko muna. Sana maintindihan niyo. Kapag naman handa na ako. Ako mismo ang lalapit sa inyo." saad nya "O sya, kumain na tayo. Sana lang ay huwag umabot sa puntong wala na kami saka ka kikilos." "Mama naman!" nakasimangot nyang saway "Tama ang mama mo anak. Wala na kami para turuan ka. Maraming ganid sa ginagalawan kong mundo. Dapat maihanda ka bago ka pa man sumabak." papa nya "Oo na. Kaunting oras lang naman e." bulong nya Tahimik silang kumain. Na-enjoy naman nya ang pagkain dahil magaling talagang magluto ang mama nya. Dito niya namana ang putaheng nagustuhan ni Alexendris. "Saan mo nga pala balak magbakasyon." usisa muli ng papa nya. "May alam akong lugar. Doon kami lagi nagpupunta ng mama mo." Napangiti sya. "Wala pa pero mukhang maganda dyan pa." At last, makakapag-enjoy din Maaga syang nagising kinabukasan para bumili ng mga dadalhin niya. Malapit lang kasi sila sa dagat. Mga isang oras lang ang biyahe. Kaya hindi hassle. Isa pa, may driver din na maghahatid sa kanya kaya okay lang na magdala ng maraming pagkain. Mabuti na lang at may kakilala ang papa nya kaya sa executive suit ang room nya na may magandang view. "Ma!" tawag nya nang makarating sa bahay Nasaan na yun— "Ma!" nahintatakutang sambit nya Bigla kasing lumabas ang mama nya sa gilid na may di maipaliwanag na ekspresyon. Napakunot-noo siya. "Anong nangyari sa mukha mo ma?" "Y-yan na ba mga pinamili mo? Akin na! Umakyat kana sa kwarto mo. Bilis na!" nagmamadaling saad nito Lalong nangunot ang noo niya hanggang sa mapangiti sya ng malapad. "May surprise kayo saken no?" she wiggled her eyebrows. "Sige na nga!" Umasim naman ang mukha ng kausap. "Anong surprise? Ang tanda mo na! Umakyat ka don. Bilis na!" Kibit-balikat syang naglakad papunta sa kwarto nya na nasa ikalawang palapag ng bahay. Sa dulo. Pinihit nya ang seradura at binuksan ang pinto. Ano kayang surprise nila— Nanigas sya sa kinatatayuan kasabay ng paglaki ng mga mata nya. Singlaki ng limang piso nang makita ang binata na prenteng nakaupo sa kama nya. Matalim na sinalubong ng mga bughaw nitong mata ang tingin niya. "Hindi mo ko matatakasan Celestine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD