CHAPTER ELEVEN

1373 Words
HINDI ITO SURPRISE kundi isang sumpa! Paanong napunta sya sa bahay nya?! Paanong nalaman nito ang address nya? "I-ikaw! P-paanong! Paanong!" napasinghap siya habang dinuduro ito. "May lahi ka bang engkanto!? Paano mo ko nahanap?" Alexendris stood up, towering her. Nahiya bigla ang five feet and five inches nyang tangkad sa kanya. "Walang engkantong ganito kagwapo Celestine." umawang ang labi niya sa sinabi nito. "Do you think I won't know that you left? You think i am idiot?" Bigla syang pinagpawisan sa lapit nito sa kanya kaya itinulak niya ito sa dibdib, gamit ang siko. Napangiwi tuloy ito. "B-bakit ba ang lapit mo? Pwede namang mag-usap ng malayo ah?! Layo! Dun ka sa kama!" taboy nya Alexendris smirked. "I'll go there kung kasama ka." Lalong nagwala ang puso niya. Timba na ata ang pinapawis nya dahil sa pinagsasabi nito. Tinampal nya ng malakas ang balikat nito. "Dun ka! Wag kang lalapit saken! Allergic ako sayo!" "What?!" "Oo! Allergic ako sayo kasi mukha kang germs!" "You lady!" nanggigil nitong saad. "I didn't come here for you to insult me!" "Sino ba nagsabi sayong pumunta ka dito? Isang linggo na lang matatapos na ang deal natin. In-advance ko lang kasi ayoko nang makita ka!" mabilis nyang sabi Bigla atang natigilan ang binata sa sinabi niya. Nakatitig lang sa kanya. "Why? Nagsasawa kana ba sakin?" he asked Nakaramdam sya ng konsensya. Hindi niya alam kung saan nanggaling yun. Pakiramdam nya ang sama-sama nya para iwan siya. "O-oo! Kaya umalis kana!" taboy nya "Iiwan mo din ako?" Napatigil sya sa pagbubunga dahil sa sinabi nito at sa emosyong bumalot sa boses ng binata na may ibang hatid sa kanya. She blinked. "A-ano bang pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong nya "You just left. You don't like being with me anymore. You're sick of me." parang batang sumbat nito "U-uy! Para ka namang ewan!" hindi niya alam paano sya aakto Naguguluhan sya sa ikinikilos nito. Kung makapagsalita ito parang hindi nito alam kung anong rason nya kaya sya lumayo. "Why did you left?" Huh? Bakit nya pa tinatanong— "W-wala ka bang natatandaan nung gabi? Nung huli tayong magkita?" nanunuri nyang tanong "What's more to remember from that hellish day?" Nasapo nya ang bibig. Hindi maalala ni Alexendris ang gabing yun. Ibig sabihin hindi nito alam na muntik na... "I saw you leave with that stupid boy. Who is he?" Napabalik sya sa realidad nang magtanong na naman ito. Hindi nya na naman mabasa ang mga emosyon nito. Kung galit ba o naiinis. "Si Van. Kaibigan ko. Nagpahatid ako sa kanya..." sagot nya Bumaling ang mata ng binata sa naka-empake nyang gamit. Yun ang mga dadalhin niya sa beach. "Saan ka pupunta?" mariin nyang tanong. "You're escaping again?" Napakamot sya sa ulo dahil sa mga tanong nitong mapang-akusa. Para syang asawang nakokompronta! "Ano bang escape?! Bakit tatakbo? Ano ako kriminal?" naiiritang sagot. "Pupunta ako sa beach. Magbabakasyon. Ano? Masaya kana?" "No." "Ano?!" nangunot ang noo niya "Sasama ako sayo." Oh no....hindi pwede! "Anong sasama? Self time ko yun, no! Bakit ka sasama? Iistressin mo lang ako doon!" reklamo niya kaagad "I'm hungry." Tinalikuran sya nito. He started opening his buttons before taking off his coat. Basta na lang nyang inihagis iyon sa kama nya. "Ipagluto mo ako." he demanded Bagsak ang balikat na sinundan nya ng tingin ang paglabas ni Alexendris. Parang ayoko ng magbakasyon... Nanlulumong sinundan nya ang lalaki pababa sa sala. Nakita nya kung papaano matigilan ang mama nya. Hindi alam ang gagawin. Napabuga sya ng hangin. "Wag mo ngang takutin ang mama ko!" angil niya. "Bwisita kana nga lang dito, e." "Celestine!" nahintatakutang saway ng mama nya "I'm not. Don't accuse me of such thing." depensa nito. "Magluto kana. I'm starving." Nakakagigil talaga! Ang sarap sakalin! "Bakit hindi ka magluto ng pagkain mo?! Ano? Ako na lang lagi magluluto ng ulam mo? Paano kapag umalis na ako—" "Sinong nagsabing paaalisin kita? You're mine as long as I want."" seryosong tanong nito na ikinatigil niya. "Prepare my food. I'll comeback." Laglag ang panga nyang sinundan ng tingin ang binatang lumabas sa front door nila. Sumulyap siya sa mama nya. Laglag din ang panga. "Ma—" "Magkakilala kayong dalawa at hindi mo man lang sinabi sakin?" nag-aalala at may halong galit na mariing sambit ng mama nya "Kelan lang kami nagkakilala ma." "Kahit na! Hindi ka ba nya sinaktan? Paano kayo nagkakilala? Saan?! Dapat malaman to ng papa mo! Gagawa tayo ng paraan para lubayan ka nya—" "Maaa!" saway nya. "Hindi sya ganong tao. Maniwala kayo sakin. Kwento-kwento lang yun. Hindi nya ako sinasaktan. Sya pa nga nasaktan ko." Tumalim ang mga mata ng mama nya. "Hindi mo siya kilala tulad namin papa mo, Celestine! Kalat sa buong mundo ng negosyo ang ugali ng lalaking yun at nakita ko yun mismo ng dalawang mata ko!" Nagpakawala sya ng malalim na hininga. "Magtiwala kayo sakin ma. Hindi masamang tao si Alexendris. Kulang lang sya sa aruga." "Wag kang magbiro ngayong bata ka! Seryoso ako!" asik nito "Promise! Hindi ako nagbibiro. Kahit ganoon umasta yun. Kayang-kaya ko yun kaltukan." may pagmamalaking sabi nya "Ikaw na bata ka! Ano namang gulo ang pinasukan mo! Kapag nalaman ng papa mo to! Humanda ka!" Naiiling na tinalikuran sya ng mama nya. Nauna na itong pumasok na sinundan nya. Sya na ang nag-asikaso sa kusina. Dinamihan nya ng saing dahil masiba ang binata pagdating sa kanin kapag napasarap sa kain. "Tawagin ko lang sya ma!" paalam nya ng maihanda na ang hapagkainan Papalabas na sya ng marinig ang kotse ng papa nyang papasok sa driveway ng bahay nila. Bahagyang nanlaki ang mga mata nya. Mabilis siyang lumabas ng bahay. "Kaninong sasakyan ito?" nakakunot-noong tanong ng papa nya Muntik na syang mapatampal sa noo ng mapansin ang sasakyan ni Alexendris na basta na lang ipinarada sa gilid. Hindi nya napansin kanina. "Kay Alexendris pa." mahina nyang sagot "Kanino?" tila nabingi ang papa nya "It's mine." Sabay silang napalingon ng papa nya sa binata na galing sa gawing kanan ng bahay. Nakapamulsa at kaswal. "A-anong..." nagbaling ng tingin sa kanya ang papa nya na gulat "I'm sorry, sir, I'll park it right later." pormal na hingi ng tawad ng binata Kung hindi lang siguro kaharap ang papa nya. Baka natusta nya ito. Kaso matalim na ang tingin ng papa nya. Ibig sabihin ay malupitang paliwanag ang kailangan nya. "Kaibigan ko sya pa! Oo, kaya sya dumalaw. Aalis din sya." "Tomorrow." dugtong ng isa She glared at him. Anong bukas? Tatadyakan nya talaga 'to "Kaibigan mo?" nanunuring tanong ng papa niya "Oo pa! Napadalaw lang sya." sabay hilaw na tawa Nawala na ang gulat sa mga mata ng papa nya. Naging mapanuri ito ng ilang sandali bago nginitian ang lalaki sa tabi nya. "Kung ganon, maghapunan na tayo. Tiyak kong nagugutom na kayo." "Yeah. I'm actually starving." walang hiyang segunda ng lalaki "Hoy! Mahiya ka nga. Ang kapal ng balat nito!" asik nya Tinaasan lang sya ng kilay ng lalaki. Nauna nang maglakad sa loob ang papa niya kasunod ito. Nakasimangot na sumunod din sya. Kakaiba talaga ang lalaking to! Parents ko kaya to. Hindi kanya! Akala nya magiging awkward ang hapunan nila pero hindi. Puro kwentuhan ang naganap sa tatlo habang sya parang naging hangin. Wala man lang nagsali sa kanya sa usapan. Nakakasama ng loob... "May bakanteng kwarto katabi ng kay Celestine. Doon ka na lang matulog, iho." nakangiting aya ng mama nya. "Nalinis ko na iyon kanina." Nakasimangot na tinalikuran nya ang tatlo at dumiretso sa kwarto nya. Pabagsak syang nahiga sa kama nya matapos mag toothbrush at half bath. Bahala sya dyan mamahay! Hmp! Celestine closed her eyes until she slowly drift to sleep. HE TWISTED THE KNOB and open the door slowly. Tumambad sa kanya ang mahimbing na natutulog na dalaga. He closed the door and made his way towards her with footsteps. Such a big relief seeing her here than seeing her with another man. He lay beside her and hug her from behind. He buried his nose in her nape. He run a hand, in her waist, tracing the beautiful curve of her body. This is what he was craving for that night. Her body. Because he can't find peace now he found it with Celestine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD