CHAPTER EIGHTEEN

1186 Words
NAKAUPO sya sa sahig habang ang ulo niya ay nakapatong sa upuan ng sofa. Ganto gawi nya kapag nanunuod. Nasa magkabilang-gilid naman si Van at Ericka na hindi naman nanunuod. Nakikitsismis lang sa kanya. "Binalaan ka na namin. He's not called rutless kung hindi sya ganon umasta sa ibang tao." komento ni Ericka Umismid si Van. Kaya sinamaan nya ng tingin tas may suntok narin sa binti. "It's your fault. Kung hindi ka tsismosa. Hindi kayo magkakakilala. You wouldn't get in trouble." sermon nito Saglit nyang tinignan si Van na walang magandang sinasabi. "Hindi naman gulo ang tingin ko sa kanya. Noong una, oo, pero ngayon hindi." Napapikit sya ng kamutin ni Ericka ang ulo niya. Masarap sa pakiramdam. Hindi na nya kailangan magbalakubak mamaya pagligo nya. "Aminin mo nga. May gusto ka ba sa kanya? Kanina ka pa depensa ng depensa. Parang hindi ka sinaktan." Bumuntong-hininga sya. "Saka ko na sasabihin kapag matino na ang isang yon. Gusto ko munang magrelax bago harapin uli ang kupal na yun." Tumunog ang cellphone ni Ericka. Alam nyang aalis na sila kaya tumayo na sya. Automatik na kasi yun. Si Van naman. Hindi yan magtatagal. Allergic yan sa mukha nya e. "Ingat ka. Daan na lang ako uli kapag may time. Byee!" paalam ni Ericka "Byee!" tumingin siya kay Van. "Ikaw? Wala ka namang lakad ah? Bakit ata't na atat ka laging umuwi?" "Ayoko kitang kasama. You causes trouble, goddamn always." Sinamaan nya ng tingin si Van. "Sama ng ugali mo. Umalis kana! Wag kanang babalik dito ah! Wag kang papaluto saken ng bicol express!" "Goodbye." Basta na lang syang tinalikuran ni Van kaya dinampot nya ang tsinelas saka binato sa ulo. Sinara nya kaagad ang pinto nang masapol niya. "Tangina Celestine! Masakit yon!" nanggigil na sigaw ni Van sa kabilang bahagi Humagalpak sya ng tawa. Buti hindi na pinaghahampas ni Van ang pinto niya at tuluyang umalis kasama si Ericka. Kung hindi mambabae baka nasa bahay at naggy-gym lang naman si Van. Sobrang tamad samahan sya parang di kaibigan tss. Pabagsak syang umupo sa sofa at nangalumbaba. Mataas pa ang lagnat ni Alexendris kagabi. Malamang na mabibinat yun. Hindi nya talaga masakyan ang ugali ng isang yon. Wala naman silang pinagtalunan kagabi. Pagkatapos nang lahat. Sasabihin nya deal lang yon lahat? Sinong niloko nun? Hindi naman yun susunod sa kanya sa bahay ng mga magulang nya, sasama sa kanya sa beach nang isang linggo kung deal lang pala lahat. "Hello po?" "My son's raging all morning. What happened to both of you?..." "Anak niyo ho tinotoyo na naman. Okay pa naman ho kami kagabi tas pag-gising ko. Pumunta ako sa opisina nya tas pinaalis niya ako! Alam niyo ho bang pinagluto ko pa yang hinayupak—" tumikhim siya Hahayaan ko ho muna ang anak niyo na maattitude na naman. Saka ko na ho sya kakausapin kapag kalmado na ako Syempre joke lang yun. Hindi nya sasabihin! "Hindi ko po alam." "He kicked you out?... Don't let him do that. He's trying to move on." Nangunot naman ang noo niya sa sinabi ng papa ni Alexendris. Move on saan? "Ho?" "He's doing that because he's in love with you." Nagsinglaki ng limang piso ang mga mata nya sa gulat. Hindi niya ini-expect yun. Si Alexendris mafa-fall? "H-hindi naman ho siguro. Kung mahal mo, bakit mo sasaktan?" tanong nya na may kasamang sama ng loob Matapos nang sinabi ni Alexendris sa kanya ng harap-harapan. Imposible ang sinasabi ni Sir. Alexander. "He's my son. I knew him better than you that's why listen to me. I gave you permission because I know what you feel for my son. It's your chance to break the barrier around him..." Hindi na sya nagsalita. Nakinig na lang sya sa papa ni Alexendris hanggang sa huli nitong sinabi. "Make him feel wanted and unwanted. He'll come for you himself Celestine..." Huh? Wanted and unwanted? Ilang minuto ang lumipas bago sya nakapagsalita. "Ano nga ho uli? Di ko ho nagets e." THREE DAYS. Hindi sila nagkita ni Alexendris. Walang tawag o text man lang. Hindi narin siya lumabas ng bahay. Pansamantala syang nag-work from home. At dahil lahat to sa kumag na yun. Kaya dapat maging successful ito! Maayos niyang nilagay ang ulam at kanin sa tupperware saka inilagay sa lalagyan. Naglagay din sya ng kape at mansanas saka binitbit iyon at lumabas ng bahay. Ang tahimik nang buhay nya sa loob ng tatlong araw na yon. Wala nang nakakaasar na asungot na palaging may regla ang gumugulo ng buhay nya. At nami-miss nya yun kaya kailangan nang bumalik ni Alexendris. "Nandyan ba boss mo Hera?" tanong nya nang makarating Nabigla ang babae nang makita sya. Nanlalaki pa ang mga mata nito. "A-anong ginagawa mo rito?" "Gusto ko makita boss mo. Nawili nang wala ako sa tabi niya. Nandyan ba sa loob?" tanong nya Tumango si Hera kaya nagtuloy sya sa loob. Tinawag pa siya pero sya na mismo ang nagbukas ng pinto. Napangiti sya ng makita ito na nagty-type sa laptop. Hindi man lang nag-angat ng tingin sa kanya. "Oh? Buhay ka pa pala!" Mabilis pa sa alas kwatrong napaangat ng tingin ang binata. May mainit na haplos sa puso niya ng makita uli ang mga bughaw nitong mata. "What...are you doing here?" Nasa likod niya si Hera kaya sinenyasan nya itong umalis na saka isinarado ang pinto. Naglakad sya palapit kay Alexendris saka inilapag ang pagkain sa lamesa nito. "Hinatiran ka ng pagkain." Tumalim ang mga mata nito saka tumayo. "I told you not to come here anymore. Hindi ba ako naging maliwanag sayo?" "Hindi. Kasi masungit ka. Hindi maliwanag saka pake ko ba sa nararamdaman mo? Imbes na magthank you ka. Sinusungitan mo pa ako!" "Wag kanang pupunta dito!" angil nito "Pupunta paden ako." Nagtagis ang ngipin ni Alexendris pero hindi naman ito nagsalita. "You don't know what you're doing woman." mariin at malamang saad nito Sinalubong niya ang tingin nito. Seryosong tingin na ikinakunot-noo ng binata. "Alam ko. Nagpunta ako para dalhin yung pagkain kasi baka hindi na ako makabalik. Magbabakasyon ako at kasama ko si Van." straight face nyang saad Lalong nangunot at nangalit ang itsura ng binata sa sinabi niya. "Just the two of you?" "Oo. Dalawa lang kami. Bakit? Gusto mo sumama? Bawal thirdwheel e." kaswal nyang sagot "Are you out of your mind? What if he do something kinky?" He hissed now "Edi..goods. pake mo ba? Malay mo kami talaga para sa isa't-isa." 'Pasensya kana talaga Van pero ikaw lang ang naisip kong pain. Pamasko mo na to sakin' "Byee!" Tinalikuran niya ito pero hindi pa sya nakakalapit sa pintuan ng hilain sya nito sa braso. Ngiting tagumpay sa ilalim ng poker face ang mood nya. "I am hungry." Hinarap niya si Alexendris at tinaasan ng kilay. "Tapos?" "I can't eat. I'm doing work. Feed me." utos nito na parang boss "Edi wag ka munang magtrabaho. Aalis na ako inaantay na ako ni—" Napalunok siya ng mariin syang hawakan sa braso nito. Buong tapang nyang sinalubong uli ang mga bughaw nitong mata. His jaw clenched. "Hindi ka sasama sa kanya. Do you understood, Celestine?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD