HINAWAKAN nya ang kamay ni Alexendris at tinanggal sa pagkakahawak sa braso niya. Hinarap niya ang binata.
"Wag na. Baka maistorbo kita. Ipagtabuyan mo na naman ako." pasaring nya. "Mage-enjoy na lang ako sa labas. Goodbye!"
Taas noong tinalikuran nya si Alexendris saka lumabas ng opisina. Ngumiti siya kay Hera nang makasalubong nya papuntang elevator.
"Hello? Stephen?" aniya sa cellphone
"Nandito na ako. Saan ka?...."
Si Stephen ang assistant ng papa niya na maga-assist sa kanya sa training. Nagresign na sya sa trabaho dahil gusto niya nang tumulong. Nakapag-isip isip na sya na mas marami syang time kung sa kompanya sya magtratrabaho.
"Teka. Pababa pa lang!"
Ilang segundo at bumukas din ang elevator. Nakita nya naman kaagad sa labas ng building ang sasakyan ni Stephen. Kumaway sya.
"Tara na?"
"Hindi. Dito na lang tayo." sarkastikong sagot nya
Nailing na lang ang katabi nya saka pinaandar ang sasakyan paalis.
HE'S NOT HAPPY. Mula sa taas, kitang-kita nya ang pagpasok ng dalaga sa kotse kasama ang lalaking hindi nya kilala. He looked at the food she gave him. Pabagsak niyang inilagay sa lamesa iyon.
"Damn you Celestine! You really knew how to make come around." nanggigil nyang saad
Dinampot nya ang telepono. Kaagad na sumagot ang tinawagan nya.
"Follow the woman who left my office. Make sure she'll come home safe."
"Yess boss!..."
"One more thing, report to me what they're doing."
He ended up the call. Sumandal sya sa swivel chair saka dinampot ang papel na nakatago sa drawer ng desk niya. It's an envelope with Celestine's pictures from his father.
Alexendris saw it coming. They made a deal. He may not be dating Celestine but she's more than just a woman he's with and his father knew that.
Once he commit. Once he owned a woman. Once he have Celestine.
Deal is off.
Simple as that. He'll have to marry her, inherit the wealth of Courner. Kasama na ang kaisa-isang batas nila and it's repeat history again.
He released a deep calm breath before closing his eyes. Trying to control his self not to barge out his office and follow that damn stubborn woman.
"If it wasn't for that stupid rule. Matagal kanang akin Celestine." he murmured
The door opening rings in his ears before Hera's voice echoed in the whole room.
"Dris? Ayos ka lang ba?"
"Leave me alone Hera. I need to calm down." He answered
He already turned his back from her but why do she kept coming back? Is she even aware of his harm towards her?
"M-may kailangan ka ba? Coffee? Ipagtitimpla kita." muling sambit ni Hera
He released a harsh breath. His eyes still close. Sa isip niya. Iisang babae lang lumalabas. It's not fair how she can make him think only her.
"I don't need coffee. I need her." More than anything else
One more step close to me Celestine and you'll be sorry. Hinding-hindi kita pakakawalan.
SA HUMAN RESOURCES sya ina-assign na gustong-gusto niya. Naniniwala sya na ang magiging successful ang isang kompanya kung may mga maasahang trabahador na hindi tatamad-tamad at honest.
"Ano nga pa lang ginagawa mo sa building ng Courner?" tanong ni Stephen matapos ituro sa kanya ang gagawin
Sumulyap siya. "May hinatiran ako ng pagkain."
Kumunot naman ang noo ni Stephen. "Doon na ba nagtratrabaho si Ericka?"
Tumawa sya at malisyosang tinignan ang lalaki. "Gusto mo lang malaman kung saan nagtratrabaho si Ericka e. Style mo bulok!"
Humalakhak sya ng mamula ang tenga ni Stephen pati ang leeg nito. May crush kasi sa bestfriend nya ang lalaki. Nagkilala ang dalawa nung hinatid siya ni Ericka sa bahay nya, ng magulang nya, saktong nandun si Stephen kaya ayon.
Kilig itlog ang isa. Yun nga lang may boyfriend si Ericka. Kaya walang pag-asa ang isang to pero ayaw padin tumigil.
"May boyfriend na yun. Wag kanang mangarap."
"Saka na ako di mangangarap kapag nagkatuluyan sila."
Aba, persistent?
"Kung hindi si Ericka ang hinatiran mo? Sino?" nagtatakang tanong nito
"Tsismoso kana rin?"
"Nagaya sayo. Tsismosa ka e."
Umismid sya. "Alam ko yun."
Umayos ng upo si Stephen sa harap. May iilang nakatingin sa kanila. Nagtsitsismisan lang naman sila.
"Don kana nga! Wag mo kong daldalin. Nagtratrabaho ako ng matino!" taboy nya
"Talaga ba?"
"Okay! Sinusubukan ko kaya manahimik ka!" asik niya
"Sino nga?"
Tsismoso talaga. Hindi talaga titigil hangga't hindi nalalaman ang totoo. Mabuti na lang at hindi sila laging nagkikita dahil parehas silang makukulong kapag nag-join power sila sa pagiging tsismosa at tsismoso.
"Si Alexendris. Okay na?"
Mabilis na lumaki ang mata ni Stephen sa sagot nya. Umayos ito ng upo.
"Y-yung masungit nilang boss na laging nang aangil?"
"Oo yun nga."
Sino lang ba nang-aangil doon maliban sa bukod tanging si Alexendris.
"Buti buhay ka pa?"
"Nakita mo namang humihinga pa diba? Oo, buhay ako."
"P-pero paano? Anong ginawa mo? Ginayuma mo ba ang CEO nila?" tanong nito
Napakamot sya sa ulo dahil sa dami ng tanong ni Stephen. Hindi na lang sya uli nagsalita kasi inaasahan nya na to. Kaya nga nya nakilala si Alexendris dahil sa balitang parang mangangain ng buhay ang lalaking yun.
"Iiwan na kita dito. May gagawin pa ako sa itaas." paalam ni Stephen
"Ge lang. Kahit wag kanang bumaba." bulong nya
Mabilis na lumipas ang oras sa trabaho hanggang sa dumating ang uwian. Dadaan pa sya ng opisina ng papa niya para magpaalam. Naisip niya nga ring magbaon bukas para hindi na mag-abala pang bumaba ang papa nya para mananghalian.
"Pst! Busy?" agaw pansin nya kay Stephen na nagtitipa pa sa laptop
"Hindi. Pasok ka lang. Syempre kumatok ka."
Kumatok muna sya ng tatlong beses saka pumasok. Naglilipit na ang papa nya. Papauwi narin.
"Celestine?"
"Magpapaalam lang ako. Uuwi na ako pa. Nga pala, bukas ipagluluto kita ng tanghalian para di kana bumaba." saad nya
Ngumiti ang papa niya. "Hindi na kailangan siguro. Madalas, ang mama mo na ang nagluluto ng tanghalian ko."
"Sabihin mo pa, wag na sya mag-abala. Pambawi ko to sa inyo."
Tumango-tango ang papa niya. Ilang saglit lang ay sumeryeso ang mukha nito.
"Nagkikita pa rin ba kayo ni Alexendris?"
Kumunot ang noo niya. Hindi naman mukhang curious ang mukha ng papa niya. Parang may gusto lang kumpirmahin. Tumango siya.
"Oo. Bakit, Pa?"
Ilang segundong nanahimik ang papa niya bago bumuka ang bibig pero hindi rin naituloy ang dapat sasabihin.
"Nag-iisa kitang anak, Celestine. Gusto ko lang ang makakabuti sayo..."
"Pa?" nagtataka nyang tanong
Nawe-weirduhan na kasi siya. Her fathet dismissed it instead of answering her. Kaya lalo syang na-curious. Hindi pa naman maganda kapag nakakaramdam sya ng ganito dahil gulo na naman abot nya.
"Bukas mag-usap tayo pagkatapos ng trabaho. Importante. Sa ngayon, umuwi ka muna at magpahinga. It's your first day of work afterall."
"Pero..."
Napabuga sya ng hangin saka tumango na lang at lumabas ng opisina. Nakita sya ni Stephen.
"Anong nangyari? Napagalitan ka ba?"
Umiling sya.
"Pagod? Tara. Kain muna tayo fishball. Libre ko. Sa may baba, nagtitinda sila."
Bigla ata syang nakaramdam ng buhay sa narinig. Humawak kaagad sya sa braso ni Stephen at hinila ito papasok ng elevator.
"Yan gusto ko sayo e."
Pagkatapos nilang kumain. Hinatid muna sya ni Stephen sa malapit na sakayan. Malapit naman sya sa bahay. Isang sakay na lang dahil hinatid sya ni Stephen. Baka kasi ma-traffic pa ang binata kung ihahatid pa sya sa bahay. Napaka-special naman nya.
Nangunot ang noo niya ng mapansin ang pamilyar na kotse na laging gamit ni Alexendris. Nanlaki ang mga mata nya.
Nandito siya!?
Pinihit nya ang seradura. Bukas iyon. Binuksan nya ng malaki ang pinto saka kinapa ang switch ng ilaw. Nanlaki ang mga mata nya ng may humawak sa braso niya.
He pinned her on the closed door. Nakatakip ang palad sa bibig nya na hindi nya malaman para saan. Napalunok siya ng maramdaman ang paglapat ng katawan ng binata sa kanya.
He's so close that she felt his breath in her ear.
"How dare you....laugh like that with other man?" He murmured
Before he cupped her chin, kissing her aggressively.