NAIPIKIT NYA na lang ang mga mata at hinintay ang susunod na gagawin ng binata. Bigla syang napamulat ng hawakan nito ang braso at marahas syang itinayo.
"Do you really think papatulan kita? Get the hell up!"
Napanganga na lang sya sa binata. Alexendris get his belt back na nakatali sa mga kamay nya para ibalik sa slacks nito.
"Ang kapal mo!" asik nyang ng makabawi. "Ikaw nga tong naunang umiibabaw!"
He snorted. "What do you expect? Ikaw ang umibabaw? Hell no. I don't f**k girls like you."
O-ouch ah
Tumayo siya at inayos ang damit na nagusot saka sinamaan ng tingin ang lalaki na kaswal na bumalik sa kinauupuan nito. Parang wala lang dito na nilantakan ang niluto nya. How she wish na nilagyan nya yun ng pampatae!
"Hindi rin ako pumapatol sa mga katulad mo! Malande!" pambawi nyang saad
"Shut up. I am eating." masungit nitong saway
"Mabulunan ka sana." bubulong-bulong nya
Grabe ang pagpipigil niya na wag batuhin ng heels ang lalaki sa mukha. Ang kapal nito na habulin siya, itali kamay niya, tapos sasabihing di siya type. Bakit? Type nya ba sya! Hindi naman!
"Ayaw lang aminin na attracted sakin." umismid sya
"What?"
"Ano bang balak mo at gusto mo pa akong mag-stay dito?! May trabaho pa ako. Kapag napatalsik ako. Bubuhayin mo ba ako? Ha!" daldal nya
"Bubuhayin kita kapag nabuntis kita. Simple as that." seryosong saad nya
Namula naman ang pisngi niya. May ibang hatid ang mga salita ng lalaki. Gusto nya na naman tuloy lagyan ng packing tape ang bibig nito.
"A-ano bang pinagsasabi mo!? Akala ko ba hindi mo ko type?" nauutal nyang sambit
"There's if woman. As if I will impregnated you. Just zipped your mouth and wait after I finished my work. May pupuntahan tayo."
Inikutan nya na lang ng mga mata ang lalaki saka tumalikod dito. Isinandal nya ang ulo sa sofa at ipinikit ang mga mata.
She released a deep breath.
Muntik na yun ah.
NAPAUNGOL SIYA sa inis nang may ilang ulit na pumipitik sa noo niya. Tinampal nya ang kamay na iyon at nagmulat ng mga mata. Nakatulog sya ng di nya namamalayan.
"Wake up woman! You're wasting my time."
It's him again. Naririnig nya na naman ang masungit nitong boses na para bang laging may baon na sama ng loob. Nag-angat sya ng tingin.
"Bakit ba?" naasar nyang tanong
"Do you want me lock you here? Tumayo ka dyan. We're going." asik nito
Magrereklamo pa sana sya kaso tinalikuran na sya ng unggas. Lumapit ito sa lamesa saka kinuha ang laptop nya. Napatayo na lang sya. She combed her hair trying to fix it saka sinundan ang binata. Pipikit-pikit pa ang mga mata nya dahil sa antok habang nakasunod dito.
Nawala bigla ang antok nya ng may matampakan sya at ma-out balance. Parang nag-slow motion ang pagtitig sa kanya ng binata hanggang sa pagbagsak ng pwetan nya sa sahig.
"Aray!"
Ang lalaki! Hindi man lang sya tinulungan. Nakatitig lang ito sa kanya. He released a harsh breath. Para bang kotang-kota na sya.
Sinubukan nyang tumayo pero nang maramdaman ang sakit sa paa nya. Napaupo uli siya sa sahig.
"B-baka naman gusto mo kong tulungan." sarkastikong sabi nya
"Why would I?" masungit nitong tanong
"Kasi hindi ako makatayo?" she said sarcastically
"It's not my problem."
Umawang na lang ang labi niya ng magsimula itong maglakad palayo. Napapikit siya. Feeling nya magkakaron sya ng highblood dahil sa lalaking yun. Wala man lang gentle bone sa katawan.
Kakainis!
Naghanap sya ng makakapitan at sinubukang tumayo. Pikit-mata nyang tiniis ang mga sakit sa paa habang paika-ikang naglalakad. Mangiyak-ngiyak na sya pero pinipigilan nya lang ang sarili.
"B-bakit ka huminto?" takang tanong nya
Alexendris turned around looking at her seriously. Nagulat na lang sya ng bigla sya nitong buhatin. Her heart started drumming inside.
"Goddamn clumsy." he murmured
Hindi naman naiinis ang boses nito. Diretso lang ang tingin ng binata sa nilalakaran habang sya titig na titig sa mukha nito. She can't help but look at his deep ocean blue eyes. Kahit naka-sideview. It's still beautiful.
"Stop staring."
Napalunok siya ng tumama ang mga bughaw nitong mata sa kanya. She can't help but say unconciously.
"Ang ganda ng mga mata mo." bulong nya
"I said stop." puno ng kaseryusuhan ang boses nito
"A-ayoko. Ngayon pa lang ako nakakakita ng blue eyes-"
"Stop."
Naitikom niya ang bibig ng makita ang pagdilim ng mga mata nito. Ibig sabihin nun ay hindi ito nagbibiro kaya nagbaba na lang sya ng tingin. She kept quit until they reached the parking lot. He deposited her inside his car saka umikot sa driver's seat. He has no driver.
"Saan tayo pupunta?" curious nyang tanong
"In my house."
Nanlaki ang mga mata nya. Mabilis siyang napabaling dito.
"Anong gagawin natin don?!"
"Stop asking to much question." naiiritang saad nito
Nangalumbaba na lang sya habang ang isang kamay ay hinihilot ang nasaktan nyang paa. Nakatanaw sya sa labas dahil wala pa sya sa mood painitin ang ulo ni Alexendris. Mamaya na pag di na masakit. Yung paa nya.
Ilang minuto pa ang dumaan bago sila huminto sa isang two-storey house. Napa 'o' na lang mga labi nya sa ganda ng bahay nito. Hindi yun mansyon pero ang exterior ay napakaganda. Ano pa kaya sa loob?
Naunang lumabas si Alexendris. Akala niya bubuhatin sya uli nito but to her dismay may dumating na naka-suit na may dalang wheelchair.
"Ang gago mo talaga." hindi nya mapigilang saad sa binata
Naramdaman nya naman ang gulat na tingin sa kanya na tauhan ni Alexendris. Ito ang may dala ng wheelchair at syang nagtutulak sa kanya papasok sa loob ng bahay.
"I know and I'm proud." balewalang saad nito
Inilibot nya ang tingin sa loob at tulad nga ng ini-expect nya. Napakaganda ng loob. Minimal lang ang gamit at napakaluwag saka malinis na malinis.
"Bring me ice. Now!" utos ng binata sa katulong na sumalubong
Natatarantang tumalima ang kawawang babae na ikinailing nya na lang. Galing atang impyerno ang lalaking to. Ang sama talaga ng ugali.
"Bakit mo ba ako dinala dito? Ini-expect mo na pupurihin ko ang bahay mo?" bagot nyang tanong
"My house is beautiful and I don't need your complements for it to be called one."
Ang yabang!
"Bakit nga?" naiinip niyang tanong
Alexendris stood in front of her. He put his hands inside his pocket. He looked so handsome and intimidating but right now. Celestine just wanna strangle him to death.
"You guess."
Pinanghula pa siya!
"Hindi ako manghuhula!" naiinis nyang ani
Nagusot na naman ang noo nito. Ganyan sya kapag nagsisimulang mainis. Unti-unti nyang nakakabisado ang binata kaya hindi na mahirap hulaan ang lalaki.
"Just guess!"
'Kay. Fine!
"Ibabahay mo na ako?" bagot nyang tanong
"What?!" His voice sounds like a thunder inside the house
"Sabi mo hulaan ko? Ayan hinulaan ko. Bakit ka nagagalit?" painosenteng tanong nya
Namula naman ang mukha ng binata dahil sa inis at pagpipigil siguro. Celestine doesn't care. Hahayaan nyang mamatay siya sa inis katulad ng kung paano siya nito bwisiten.
"You said for one month. You'll do everything that I want."
Teka... Bakit parang kinakabahan sya sa pinagsasabi ng lalaking to?
Parang hindi niya magugustuhan ang sunod nitong sasabihin.
"Ano bang pinupunto mo?" naguguluhan nyang tanong
But he just smirked.
"There's a reason why I brought you home."
Nakatitig lang sya sa binata na para bang nasisiraan na ito ng ulo habang ang dibdib nya naman ay parang sasabog dahil sa kaba.
"Cooked for me. Gusto ko yung niluto mo kanina."
Pigilan niyo ko! Sasakalin ko to!