CHAPTER SEVEN

1254 Words
MADIDISLOCATE NA ATA ang panga nya kakagalaw para lang mabawasan ang nag-uumapaw nyang inis sa lalaki. Dinala lang pala sya sa bahay nito para magluto? Ang tigas nya! Ang tigas ng mukha! Kahit na gusto nyang patulan ang lalaki. Pinili nya na lang na magluto. Wala syang choice. He kept on threatening her na ikukulong sya dahil sa pagtre-trespass at panunuhod nya. "Matagal pa ba yan?" Sinulyapan nya ito na nakaupo sa highstool. Nakaharap sa laptop at nagtitipa. Sinamaan nya ng tingin si Alexendris kahit hindi naman sya nakikita nito. "Maghintay ka dyan. Ano sa tingin mo ang pagluluto? Ilalagay lang lahat tapos pakukuluan tapos okay na?" sarkastikong sagot nya "Stop nagging. I am just asking." matalim nitong sagot pabalik "Wag ka mag-ask para di ako mag-nag!" asik niya "Goddamn it!" mahinang usal ng binata sa sarili Celestine rolled her eyes. Ibinalik nya ang tingin sa niluluto na malapit naman nang matapos. Gusto niya lang asarin ang binata. Ganti man lang sa pangbwibwiset nito. Pinatay nya ang kalan nang matapos magluto saka nilingon ang katulong ni Alexendris na nasa gilid. Nag-aantay kung may ipapagawa. "Teh, penge plato." aniya "Sige po Ma'am." tumalima ito at inabutan sya ng plato. "Ako na po dyan ma'am." "Wag na po. Kaya ko na to." tanggi niya "Let her do it. It's her job." singit ng lalaki "Manahimik ka dyan!" asik niya "The f**k?!" Nagkukuda pa ang lalaki. Nagtengang kawali na lang sya habang nagsasalin ng pagkain sa plato saka inilagay sa lamesa, sa harap ng nakabusangot na mukha ng binata. "Di ka ba marunong ngumiti? Nasa harap ka ng pagkain ganyan itsura mo?" sermon nya Sya na ang naglagay ng plato pati narin kubyertos sa harap nito. Kumuha narin sya ng kanya saka naupo kaharap nito. "Smile at the food for what? For respect because I am going to consume it later." He said sarcastically "Kung ganyan kang haharap sa hapag-kainan sa bahay namin. Baka nakaltukan ka ni mama." napailing-iling sya Celestine saviour every piece of meat na nginunguya nya nang mapansin nyang bahagyang natigilan si Alexendris. Literal na-stuck ang kamay nito na akmang sasandok ng pagkain. "Okay ka lang—" "If you want to go home. Go home." Napakurap sya sa bigla. Nawala lahat ng emosyon sa mukha ng lalaki. Binitiwan nito ang kubyertos na naglikha ng ingay sa tahimik na paligid. Alexendris stood up and was about to leave nang hawakan nya ang braso nito. "T-teka!" Alexendris piercing eyes bore at her. Blangko sa emosyon ang lalaki kaya hindi niya malaman kung galit ba ito o naiinis. He's always hot-headed. He shall be cursing again or something. Hindi ganito. "Don't worry. My chaffeur will drive you ho—" "Hindi yon!" pigil niya "Then what?!" angil niya Nakahinga sya ng maluwag nang marinig na ang naiinis nitong boses. Ito ang normal dahil dito sya sanay. "Masamang talikuran ang pagkain kaya umupo ka dyan." tumayo sya at nameywang. "Pinaghirapan ko yang lutuin tapos tatalikuran mo lang ako!" "Hindi ako gutom." "Kahit na. Kumain ka!" pilit nya Buong pwersa nyang itinulak paupo ang binata. Sya narin ang naglagay ng kanin at ulam sa plato nito habang nakamasid lang si Alexendris sa kanya. "Kahit na masama ang ugali mo. Ipaghahanda na kita. Alam kong pagod ka kaya dapat bawiin mo yun sa pagkain para hindi ka mangayayat." saad nya "Why are you so concern at me when everyone wants me dead?" biglang tanong nito na ikinatigil niya "Kahit na nakakainis kana. Di minsan kundi palagi. Hindi ko naman hihilingin na mamatay ka. Isa pa..." huminga sya ng malalim. "Di naman talaga masama ang ugali mo. Wala ka lang mahaba na pasensya saka insensitive ka." "How sure you are i am what you think i am? Afterall, I am stranger." Bumalik siya sa pagkakaupo. "Kung totoong masama ka. Dapat matagal mo na akong ipinakulong. Hindi mo dapat ako bubuhatin kanina at isa pa, you are a gentleman. Okay na?" Saglit na napatulala ang binata sa kanya saka nagbaba ng tingin sa pagkain. Pagkaraan ng ilang segundo. Nagsimula rin itong kumain. Napangiti na lang sya saka nagpatuloy nadin sa pagkain. She kept on telling him stories kahit minsan lang nagsasalita ang binata. Minsan binabara pa sya. But she thinks, ganon na talaga ang binata. She can't change it anymore kaya might as well sakyan nya lang dahil hindi naman iyon makakasama. Kahit saglit lang sila nagkasama ng binata. Celestine already figured it out na hindi siya kasing sama tulad ng sinasabi ng iba. It's either they've misunderstood him or they want to take him down by it. Ganun naman talaga. At least, alam nya sa sarili nya that Alexendris is not what people said he is. NAKAKUNOT ANG NOO na pinagmamasdan nya ang dalaga na nag-iikot sa loob ng sala nya. She kept on touching his figurines like it was some kind of gold. "Pwede bang maupo ka?" He said, irritated Celestine glanced at him. Muli din namang ibinalik ang tingin sa hawak nito. "Patingin lang naman." reklamo nito "It's just figurines. Put it back. Hindi mo naman gustong magdagan ang utang mo sakin, right?" nangungunsume nyang sabi Fortunately, she did put it back saka naupo sa single sofa. "Hindi pa ba ako uuwi? Anong oras na? Papasok pa ako bukas." Celestine said Hindi kaagad sya nakasagot. His hands automatically stopped tapping in his laptop's keyboard. He didn't like what he just heard "Bakit ka ba nagmamadali? Let me finished here first. Ihahatid kita." saad nya "Ayoko! Gusto ko ng umuwi. Para makapagpahinga ako ng mahaba." humikab ito at nahiga sa single sofa na kinauupuan nito. "Inaantok narin ako." He leaned in his sofa staring at the woman. Nakapikit at namamaluktot sa upuan. "Then sleep. Gigisingin na lang kita." Tumalikod sa kanya ang dalaga na nakahiga padin. Hindi na ito sumagot so he assumed she's sleeping. He stared at her for minutes before sighing and closing his eyes. I am not liking this Napadilat sya ng maramdaman ang vibrate ng cellphone sa loob ng bulsa nya. He fished it out his pocket. His jaw clenched when he saw the caller's ID. "What?" "I haven't seen you for months now Alexendris. I'm expecting you tomorrow..." "Is my abscense not enough to tell that I'm done with your s**t?! Stop calling me." He hissed "I'm expecting you tomorrow..." Nagtagis ang panga nya sa galit. Gusto nyang magwala. He's just controlling his self for the woman sleeping on his sofa. He's so f****d up. "f**k you!" singhal nya Pinatay nya ang tawag saka itinapon ang cellphone sa lamesa. Mariin syang napapikit. He can feel the fury running through his veins. "Okay ka lang?" He instantly open his eyes when he heard that tired voice. Celestine's awake and she's looking at her, curious. "I'm not." He said without thinking Nagulat sya sa naging reaksyon nya pero hindi niya iyon ipinakita. He simply averted his gaze. "Mukha kang mananakal na naman e." Kumunot ang noo nya. "What?!" "Walaaa." tumayo ito at nag-unat. "Tapos kana ba? Gusto ko na talagang umuwi!" His blue eyes bore at her. Mabilis nyang hinawakan ang braso nito at hinila paupo. Celestine stiffened when he use her lap as his pillow. "I want a massage." nakapikit nyang utos "A-ano?" "Hair massage. I'm stressed." sagot nya "Ayoko nga—" "Just do it. Wag kang maarte." He heard her murmured incoherent words at him but do it anyway. He released a soft sigh before drifting slowly to sleep. Hindi nya alam kung anong mahika meron si Celestine that he always find peace.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD