Chapter 3

1542 Words
First day of back to school UMAGANG umaga palang ay gising na ko at excited na pumasok sa school. Sobrang excited ako lalo pa at 3rd year highschool na ko ngayon. Isang year pa ay graduate na ko ng highschool at didiretso na ko sa College. Ang saya pala sa feeling kapag abot kamay mo na mga pangarap mo. Ngayon nasa akin na yung desisyon at paraan para makapagpatuloy ako hanggang matapos ang college. Maswerte ako dahil isa ako sa mga papalarin na makaabot sa last batch bago pa magkaroon ng K-12 kaya naman didiresto na ko sa college pagkatapos kong maipasa ang 4th year highschool. Lalo pa at ang alam ko ay hanggang college raw ang scholarship sa M University kapag nakapasok ako sa MIAMI squad, ang highschool version ng Cheerleading Squad sa Mulleroz at Chicago squad naman ang sa college. Sobrang. naeexcite ako na makarating hanggang doon dahil pagsasayaw talaga ang pangarap ko at gusto kong patunayan na hindi lang ako basta mananayaw. May mapapatunayan rin ako... Lalo na sa mga nagsasabi na walang nararating ang mga mananayaw. Alam ko sa sarili ko na mayroon.... Yun ang gusto kong malaman kung hanggang saan ako dadalhin ng mga pangarap kong magsayaw. Wala naman masamang mangarap diba? Pagkagising ay dumiretso na ko sa banyo upang maligo at nagbihis muna nang pangbahay. Bumaba na ko upang ipaghanda nang almusal ang aking nanay , tiya at ang nagiisa kong pinsan na pasaway. Ngunit pagkababa ko ay nauna pa palang magising sakin si mama at nagsasaing na nang kanin, upang baunin ko siguro sa school katulad ng dati. Napangiti na lang ako at niyakap si mama mula sa likod. "Ay jusmeyo kang bata ka! Nagulat ako sayo!" Medyo napatalon pa ito ng onti sa gulat sa biglaan kong pagsulpot. Naglalambing parin na nakayakap sa kanya ay humingi ako ng pasensya sa biglaang pagsulpot. "Sorry naman , Ma. Akala ko kasi tulog pa po kayo. Eh gising na pala hehe. Gusto ko lang naman mag-good morning sa maganda kong Mama..." Naramdaman ko ang pag-iling iling niya sa sinabi ko. "Naku! Nakuha pa talagang mambola ng batang ire! Aba'y matulog kapa doon ang aga aga pa!" Kumalas ako ng yakap kay Mama at tumabi na lang sa kanya. Tinignan naman niya ko ng may nakataas na kilay at tila naguutos ang tingin. Umiling lamang ako at inagaw ang kutsilyong hawak niya. "Ako na magluluto dito, Ma. Alam niyo naman na bawal kayong napupuyat diba? Hayaan niyo na po akong gumawa nito." Nginitian ko pa siya ng matamis para makumbinsi. Napabuntong hininga na lamang ito sakin. "Oh siya sige... Ano pa nga bang magagawa ko eh inagaw mo na yung kutsilyo. Sige na magluto kana diyan at ikaw ay kakain pa bago pumasok ng school." Naupo na lamang si Mama sa dining area at hinayaan akong magluto. Napangiti naman ako na sumunod siya at agad nang tinuloy ang ginagawa niya. Sana maging maganda ang kakalabasan ng unang araw ko sa school. - HINIHINGAL na ko kakalakad at hindi ko parin nahahanap ang section ko. Pagpasok mo naman sa loob ng main entrance ay nandoon ang malaking bill board na kung saan nakapaskil ang mgs pangalan namin at ang section. Nakakaloka, sabi nung isang nakausap ko kanina nasa blue na building raw ang section AB2. Teh, nakakaloka... Apat na building ang blue na building. Wala naman akong makita na pwedeng pagtanungan dahil sobrang aga ko pa actually sa school sa takot kong malate kaya bilang lang talaga sa daliri ang mga tao ngayon na nandito. Nasa 3rd floor na ko ng pangalawang building na blue ng may makita akong pamilyar na pigura na nakasandal sa pader sa tapat ng pintuan nang isang classroom at nagsecellphone. Tinitigan ko pa itong mabuti at napangiti ng sobra ng mapagtanto kong si Enzo nga ito. Napakapit pa ko sa hawakan ng backpack ko at napatakbo papunta sa kanya. Nang mapunta sa tapat niya ay agad akong napangiti. “Good morning, Enzo! Long time no see ah!” Mula sa pinapanood sa cellphone niya ay napaangat siya ng tingin sakin at umayos ng tayo. Tinitigan niya kong mabuti at hindi ko maintindihan kung bakit parang nagbago ata pagkakahulma ng mukha niya na parang naging chubby ng onti. or baka kumakain lang siya lately ng marami? Maya maya pa ay unti unti siyang napangiti habang nakatitig parin sa mata ko. “Hello! Oo nga. L-Long time no see, Miss...?” Medyo patanong niyang saad. Tila naguguluhan pa. Mukhang nakalimutan na ata ang kashungahan ko last time. Nice, Nice! Very good! “Cristina, hahaha. Tintin na lang para cute, parang ako.” humagalpak pa ko ng tawa pero mukhang naiilang na siya sakin kaya binawi ko na lang agad. “Charot lang! eto naman 'syadong serious. Parang others yern...Alam mo naman thankful parin ako sa pagligtas mo sakin eh...” Tila naaaliw naman siyang napatitig sakin. “I saved you?” “Oo teh! ” Animated pa kong nagkwento with matching hand gestures. “Ako yung magandang lutang na muntik ng tamaan nung soccer ball kasi hindi ako nakatingin habang naglalakad sa field tapos bigla kang sumulpot at ikaw yung tinamaan ng bola.” Nakita kong tila natigilan siya at parang may naalala. “Oh yeah... Sorry. pre-occupied kasi ko lately kaya di ko na naalala.” Nagaalala naman akong sinuri ng tingin ang noo niya pati ang tenga niyang tinamaan at hindi makuntento sa tingin ay inabot ko pa ito ng hintuturo at tinusok tusok. Napapakunot pa ang noo niya sa ginagawa ko pero pinagsawalang bahala ko na lang yun. Tinitignan ko kasi kung aaray ba siya. “Halaaaa, hindi naman kaya epekto nang bola na yan—” Ako naman ang natigilan at nabigla ng bigla niyang hinawakan ang pulsuhan ko ng hindi gaanong kahigpit bago nilayo ang kamay ko sa mukha niya. “Please stop tapping my forehead using your finger... It's not nice.” Napapahiyang hinatak ko ang braso ko at napangiti ng tipid. “Sorry, naexcite lang kasi kong makita ka kasi thankful talga ko sa pagligtas mo sakin last time...” Maayos akong nagpaalam sa kanya pagtapos humingi ng tawad at naglakad na ng mabilis para itakas ang sarili ko sa kahihiyan. Nakakalokaaaa! Ano ba naman yan! Nakakahiya ko masyado! Sana hindi maturn off sakin si crush. Enebeyennn! — KINABUKASAN, normal parin na araw na pumasok ako sa school at this time hindi ko na nakasalubong si Enzo. Siguro dahil na rin sa sobrang aga ko eh wala pa siya. Kinibit balikat ko na lamang ito at nagpatuloy sa araw ko. Pagtapos ng Tatlong klase ay nagkaroon kami ng lunch na 1 hour. Dumiretso na ko sa may cafeteria bitbit ang lunch box ko. Nakakatawa nga ko kahapon para kong ewan na nagooverthinking. Unang araw ko palang nagiimagine na ko na what if may makasalubong akong it girls or bad boy na lalaki tapos pagtitripan niya ko at magkakatuluyan kami pero narealize ko na hindi naman pala ganun sa totoong buhay. Some of my classmates are good to me even though I am scholar here, not because of my intelligence , but due to my talent. Even so, I am still accepted by them and they're still very nice to me. Some of them even said "yes" nung inalok ko silang kumain sa paresan sa labas ng school mamaya paguwi. Nakakatuwa lang becoz they usually eat there since before. Mga sanay kumain sa streetfoods kahit pa ang baon nila araw araw ay 1000 a day. Samantalang ako 50 pesos lang kasi may lunch box naman kasi kong baon. Maybe I judged rich people too much and harshly based on the telenovelas and books. Kasi in the real life, mga totoong tao naman pala sila. Though, Yun nga mga hindi sila nagbabaon ng lunch box at mas gusto nila yung tapsilog sa may kanto. Gusto nga kong isama nila Max, isa sa kaclose ko ngayon na classmate ko pero ayoko tinatamad na ko kaya hindi na ko sumama. Magkikita naman ulit kami mamaya sa classroom. Tahimik akong kumakakain ng baon kong sinangag at omelette egg. Ninanamnam ko pa ang ulam ko dahil century tuna ang nasa gitna Grabehh , ang sherepp! Natigilan ako ng may umupo sa tabi ko at mas nagulat nang makita kung sino ito. “Hi! Patabi ha.” Si Enzo na may nahihiyang ngiti pa. tipid akong ngumiti at maliit na tumango sa kanya. Solo ko lang naman yung 4 seater table bakit ko pa pagdadamot. Mga ilang minutong katahimikan rin ang lumipas at naisip kong basagin ito. “Sorry nga pala sa inasal ko last time..." Huminga ako ng malalim. “I didn't mean to make you uncomfortable by touching you like that...” Napakurap kurap siya sakin at napailing bago ngumiti ng sobrang ganda. shet. “Its fine. Basta next time, if you want to touch me or what, let me know.” he suddenly shrugged and sexily chuckled. “You can touch me anywhere or anytime you want, just ask permission. ” he then, smirked afterwards. Agad namang namula ang mukha ko sa hiya. How kapal! As if naman gusto kong hawakan ang gwapo niyang mukha or ang payat pero siksik niyang katawan! ”“Edi wow!” (END OF CHAPTER 3)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD