Chapter 2

2202 Words
UMABOT ang isang linggo bago ko pa tuluyan na nakumbinsi si Mama na ituloy ang check up niya. Nagtatrabaho ngayon si tiyang nang mabuti at pinagpahinga muna si Mama habang naggagamot siya sa liver failure niya. Hindi naman na ko pinipilit pang magtrabaho sa club na pinapasukan nila ni Mama dahil sa napagusapan namin. Takot rin kami na mastress si mama at mas lumala pa ang kondisyon niya kaya napagkasunduan namin ni tiyang, basta magaaral akong mabuti at magtatapos sa pagaaral, hindi niya papakialaman ang hilig ko sa pagsasayaw. Dumating yung araw na sasayaw na kami at ginawa namin ang lahat ng best namin. Yun nga lang, natalo kami. Nanalo parin naman kami biglang 2nd place winner, at yung premyo na nakuha namin pinaghati-hatian na lang namin ang premyo at kahit na hindi nanalo ay may ngiti parin kaming umuwi dahil ang saya ng buong laban. Talo man ay stepping stone parin yun. ~ NAGAALMUSAL kami nila mama ng bigla na lang may tumawag sakin, napatingin pa ko sakanila mama at tiyang na tinaasan ako ng isang kilay kaya mahina kong natawa at nagpaalam ng magalang na sasagutin ko lang. Sa labas ko na sinagot dahil lahi pa naman kami ng mga chismosa. Chour! "Good morning! Am I speaking with Miss Cristina Leonor? This is Dynelle Danners, a representative from Luna University." Huminga ko ng malalim bago nagsalita, dahil napapangunahan ako ng excitement. Shems! Sign na ba to ni Lord na makakapasa parin ako despited sa pag no-show ko nung isang araw sa try out?? "Y-Yes po, speaking. Ano pong kailangan niyo sakin?" "Hi there! Gusto lang namin makumpirma kung bakit hindi ka nakaattend sa try out last saturday?" Napahinga ko na malalim at nagpasiyang magsabi ng totoo. "Pasensya na po kung hindi ako nakapunta, Ma'am Danners. Nakasali po kasi kami sa isang contest bago pa yung first try out. Nagkataon po na ako ang tumatayong Captain ng grupo at hindi ko sila kayang iwanan sa importanteng araw ng buhay namin, kaya hindi na ko nakapunta." Napakagat ako sa labi at pinilit kapalan ang mukha sa sunod na sinabi ko. "Kung bibigyan niyo po ako ng pangalawang pagkakataon, papatunayan ko na dapat akong maging parte ng Selene Squad..." Kinakabahan ako te! Please pumayag kana. "Well...to be honest. Napanood ng isa sa boss namin ang laban niyo sa Indayog ng samahan at nakitaan ka niya ng potensyal. Isang malaking karangalan para samin ang mag aral ka sa school namin at ibahagi ang iyong talento at galing sa pagsasayaw sa team ng Selene squad." Literal na nanlaki ang mata ko at napanganga sa narinig. "Teka... Totoo po? Baka it's a prank lang ito, Maam. Sawa na po kong umasa at masaktan- I mean. Kung okay lang po sainyo, Sure po!" Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. "I am really serious. And please be advised that your try out will be scheduled tomorrow. This is your last opportunity so I hope you will be present on time. Same place, do not be late and make sure to prepare a sample dance for cheerleading. Alright?" Masaya kong napatango tango at agad na pumayag. Nang matapos niya kong ininform about sa mga kailangan, bawal gawin o isuot ay ibinaba na niya ang tawag. Ilang segundo pa kong napatulala pagkatapos ng tawag bago tumakbo papasok ng sumisigaw sa saya. "Oh my geeee! Maaaaa!" Napapatili pa ako sa tuwa na maging si mama naman na nasa hapagkainan parin e natataranta pang napatayo. Maging si tiyang at ang nagiisa kong pinsan na si Kero ay napatayo rin. Kami na lang ang nandito dahil ang asawa ni tiyang, tuluyan nang sumama sa kabit. "Ano bang problema mong bata ka at ke-aga aga, nambubulaho ka ng mga kapitbahay?" Pinilit kong kumalma pero yung ngiti ko halos mapunit na pisngi ko sa tuwa. "Ma! Good news po! Bibigyan raw ako ng pangalawang pagkakataon nung school na gusto kong pagaralan para may libreng scholarship! Bukas rin ka agad yung try out at pati resulta ay malalaman ko rin bukas." Natutuwa naman akong niyakap ni mama habang si Tiyang ay nagseryoso ang mukha. "Galingan mo bukas, at please lang. Wag muna kayong masyado na maging masaya, baka maudlot pa yang' scholarship mo. Wag mo sayangin." Nakangiti akong tumango-tango at agad na pinagpatuloy ang agahan ko kanina. Nang matapos ay nagpahinga lamang ako ng kaunti at pagkatapos ay nagpractice na ko ng mga sample cheering dance na napanood ko sa internet. Sinadya ko rin na haluan ito ng ibang style para mas unique. Papatunayan ko sa kanila bukas na deserving ako mapabilang sa kanila. Aja self! ~ MAAGA palang ay nagpunta na ko sa Gymnasium ng university at sa sobrang excitement ko, masyado pa palang maaga. Pagkarating ko kakaunti palang ang tao at katulad ko ay pare-pareho kaming kinakabahan. Basta self, galingan mo lang! Sabi nga ni Ruffamae, Todo na ito! Ilang oras ang lumipas at sa ganap na 8am, nagumpisa na ang try out. May mga nauna pa sakin kaya matyaga akong naghantay hanggang sa matawag ang pangalan ko. Nang ako na ang tinawag. Mabilis akong yumuko at nang tumugtog ang napili kong kanta na Shape of you ni Ed sheeran bigay todo akong sumayaw sa saliw ng musika. Nang matapos ang mix na tugtog ay pagod man at hinihingal, nakangiti parin akong nag bow sa kanila. Iba talaga ang epekto sakin ng pagsasayaw. Feeling ko may sarili akong mundo kapag sumasayaw. Ganun ko kagusto itong ginagawa ko. Nang makabalik na ko sa pwesto, naghantay lang ako saglit na matapos sila. Inabot na kami ng mga bandang 12pm bago matapos ang try outs. Binigyan muna nila kami nang 1 hour lunch break at binigyan ng libreng lunch na nakalagay sa paper box at isang bote ng mineral water na bakal ang takip at di ko kilala ang brand. Alps water raw ito sabi nung katabi ko. Itatabi ko talaga ito mamaya, pwedeng gamitin sa school pang baunan e. Tahimik naman kaming nagsikain hanggang sa sumapit ang 1pm. Pinahilera kaming mga Benteng mga nag try out sa pinagsamang babae at lalaki. Unti-unti kaming nababawasan hanggang sa walo na lang kami na natira. Dalawang lalaki at dalawang babae, kasama na ako. Ang ibang hindi napasama saming walo ay pinauwi na at sinabihan na magtry na lang ulit sa susunod na try out for newbies. Nakangiting tumayo ang isa sa tatlong nag judge samin today at naglakad papunta sa tapat namin. "Good morning, new members! My name's Dynelle Danners. I would like to congratulate the 8 of you! Lahat kayo ay nakapasa sa try out ngayong araw at opisyal ko na kayong binabati dahil kabilang na kayo sa scholars ng Mulleroz University of Manila. Lahat nang kakailanganin niyo para sa pasukan ay ipapadala namin sa iyong mga bahay dalawang linggo bago ang starting nang pasukan sa July 10. Kung may iba pa kayong itatanong o gustong malaman, pwede niyo akong tawagan o itext sa phone number na pinangtawag ko sainyo kahapon. Muli ay binabati ko kayong lahat sa pagpasok sa MIAMI Squad. I hope you may all enjoy your studying time with us and cheers for the new members!" Nakangiti niya kaming kinamayan isa isa habang kinocongratulate. Halos hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko habang nakikipagkamayan sa kanya at pati na sa iba pang judge na tumayo rin. Pinakilala siya samin ni Ma'am Dynelle bilang si Coach Samuel at Coach RA. Nang matapos iyon ay sinabihan na nila kaming umuwi na upang magpahinga. Nang makalabas ng gym na nasa loob ng university, hindi parin ako makapaniwala na natanggap ako bilang scholar at simula sa araw na ito ay pagiging present na lang ang aatupagin ko dahil wala na kaming poproblemahin lalo at sagot na nilang lahat maging ang allowance ko kada isang linggo. Hindi ako makapaniwala in a way na, yung pangarap ko noon. Abot kamay ko na ngayon! Nakakatuwa kasi, sino ba namang magaakala na ganito kabilis lahat yun. Salamat sa lahat ng blessings na ito , Lord! Paano ko kaya sasabihin kela mama? "Miss , tumabi ka!" Pasurpise ba or basta ko na lang sasabihin? Eh paano kung— Hindi ko na naituloy pa ang nasa takbo ng isipan ko ng bigla na lang may yumakap sakin at naramdaman ko na lang na parang may tumama sa kanya. "Hala, Enzo! Gage sorry pare!" Gulat akong napatingin sa paligid ko at di ko namalayan na nasa bandang soccer field na pala ko ng University. Napakurap kurap pa ko sa lalaking nakayakap parin sakin at nakangiwi na ngayon. Doon ko lang narealize na muntik na pala kong tamaan ng bola kanina at niyakap niya ko para hindi ako matamaan. "Omgeee! Sorry kuya! Hindi ko napansin! Ayos ka lang ba?" Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at tinignan ang tenga niya na tinamaan ng bola. Nagbounce ito roon kaya hindi dumiretso sakin. Nanginginig ang kamay at napapakagat ako saking ibabang labi sa kaba na nararamdaman. Halaaa, paano kung magka brain damage siya? Parang ang lakas nung impact kasi para siyang nahihilo parin! Umiling iling si kuyang nakasoccer uniform at tinanggal ang kamay ko sa mukha niya. Tinitigan niya ko ng ilang segundo bago siya maliit na ngumiti. "Ayos lang ako, hindi kaba natamaan kanina nung nagbounce?" tahimik akong umiling habang nakatingin parin sa tenga niyang namumula. "Bro, siguro kaba na okay ka lang?" Nagsilapitan samin ang iba niyang kasama at patuloy na tinignan ang tenga niya. "Mukhang wala namang dugo , pero sobrang pula nang tenga mo. Mabuti pa, magpacheck up kana lang rin. Malakas yung tama ng bola kanina sa ulo mo, baka mapaano kapa." sabi nung lalaking nakauniform rin nang pang soccer at may band aid sa noo. Medyo singkit ang mata niya , matangos ang ilong at parang kahawig ni Robin padilla nung bata pa ito. May pagka-badboy look. Lumipat ang tingin nito mula sa lalaking nagligtas sakin papunta sa pwesto ko at agad akong sinamaan ng tingin. "Miss, sa susunod kasi habang naglalakad ka , wag kang lutang ha. Kung hindi ka namin napansin kanina talagang sayo tatama yung bola dahil hinarangan mo yung goal lines... Mabuti na lang si Enzo yung goalkeeper kanina, kasi kung ako yan. Hahayaan lang talaga kitang matamaan. Tss." huminga ako ng malalim at maayos na nagpaliwanag kahit gusto kong tarayan itong si badboy. "Nagsorry naman na ko sa kasama niyo, hindi ko naman sinasadya. May iniisip lang talaga ko kanina. Hayaan mo hindi ko na uulitin sa susunod at baka ikaw nga ang goalkeeper nun at hayaan mo lang akong matamaan." may pekeng ngiti kong saad sa kanya. "Aba't sumagot pa talaga... Kung hindi ka kasi tatang—" Bago pa matuloy ni badboy yung sasabihin niya ay tinapik ng lalaking nagngangalang Enzo ang bibig niya para huminto ito. "Okay lang nga ako, Aron. Sige na magpractice na muna kayo doon. Ihahatid ko lang si Miss sa gate , baka naman kasi naligaw lang." Sabi niya at naglakad na papunta sa kanang direksyon. Doon siguro yung pa-exit. Upang maiwasan na rin ang tingin na masama sakin ng mga team mates niya ay patakbo ang sumunod kay Enzo at napahawak sa braso niya. Gulat naman siyang napatingin sa kamay ko na nakakapit sa braso niya. "Miss, feeling close kana ata." naiilang naman akong tinanggal agad ito. Peke akong tumawa ng mahina. "Pasensya na hehe. Natakot kasi ko dun sa badboy niyong kateam." Tila amused siyang napatingin sa mukha ko at natawa. "Badboy? Sino dun? Si Aron?" Agad akong napatango at may pakumpas kumpas pa ng kamay. "Titig palang kasi niya mukha nang badboy. Tapos tugma pa sa ugali niya. Perfect combination na kasi." Tuluyan na siyang napatawa sa sinabi ko. "Nako! Mabait yun , Miss. May dalaw lang talaga ngayon." Napahagikgik na lang ako sa tinuran niya. "Oo nga, mukha ngang first day of menstruation niya." pakikisakay ko sa biro niya. Napailing na lang siya at nginitian ako maliit. "Sa susunod, magiingat kana ha. Baka wala nang Enzo na malapit doon at wala nang sasalo nang bola para di ka matamaan." "Mas okay naman nang matamaan bola kaysa tamaan sa taong di ka gusto." Nagbibirong napahawak siya sa dibdib at nagkunwaring nasaktan. "Aray ko , Miss ha! Lalim nung hugot mo dun mga 3 feet deep." Nagtawanan na lang kamibg muli hanggang sa nakarating na rin kami sa gate pa-exit. Nagpaalam na ko sa kanya ng maayos at akmang maglalakad na paalis nang tawagin niya kong muli. "Miss, wait! Enzo nga pala! Anong pangalan mo?" Napaisip pa ko kung sasabihin ko ba pero sa huli ay sinabi ko rin. "Cristina ang name ko. Tawagin mo na lang akong Tin-Tin." Nakangiti pa kong nagpaalam sa kanya habang siya naman ay pakaway kaway lang sa akin at hinahantay akong makalabas nang gate bago bumalik sa mga team mate niya. "Nice to meet you, Tin! See me when I see you!" natawa na lang ako sa sinabi niya at kumaway pa ng huling beses bago tuluyang lumabas. Naglakad lang ako ng kaunti para makapunta sa pilahan ng trycicle at nang makasakay na ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Si Enzo... makikita ko pa kaya nga siya ulit? (END OF CHAPTER 2)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD