"ANO 'TO, Tintin? Nakahanap ka lang ng ibang mas magandang opportunity kakalas kana agad sa grupo?!"
Halos mabingi ako sa galit na reaksyon ni melody sa sinabi kong aalis na ko sa Cheerleading squad namin para sumali sa cheering leading squad sa Luna Unibersidad of Manila o mas kilalang tawaging Luna University of Manila.
Gustuhin ko man itanggi pero yun tlaga ang totoo. Mas kailangan ko ang opportunity dito. Dahil kung makapasa ko sa cheering squad nila pwede kong makuha yung libreng scholarship.
Kailangang kailangan ko yun ngayon lalo pa at mukhang malapit na raw matanggal si mama sa trabaho niya.
Napayuko na lang ako nilaro ang mga daliri ko sa kamay.
"Hindi pa naman naguumpisa yung audition. Sinasabi ko lang na plano kong magaudition... Balita ko kasi nagquit na raw ang cheerleader ng Selene cheerleading Squad dahil magaabroad na. Marami rin ang member nilang nagsi-graduate kaya medyo nabuwag ang squad nila—"
"Ano namang pakialam namin dun? anong kinalaman niyan sa topic, Tin?!" nakakunot na ang noo niyang nakatayo at diretsong nakatingin sakin. Tila may galit parin na saad ni Melody.
Nanatiling nakayuko parin ako sa hiyang nararamdaman. Ni halos hindi masalubong ni isa sa tingin nila sakin.
"Talagang pinatapos mo muna ang practice natin para sa araw na ito bago mo sabihin yan, Tin!" medyo frustrated na niyang dugtong.
Nagpapahinga na kasi kami sa bench ng basketball court sa barangay nang tondo ng magpasiya kong sabihin sa kanila ang balak kong gawin.
"Hindi pa naman ako pumapasa, okay! katulad nga ng sabi ko mag-au-audition palang ako dahil baka may tyansa akong makasali..."
Hindi ko alam bakit hindi nila maintindihan!
Pangarap ko yun dati pa! Ngayong may chance na ko. Hindi ko papalagpasin ito!
"Ganun parin yun, Tin! Kesyo hindi kapa nag audition or tapos na, dun palang sa may plano ka, halata naman na pinipili mo yan kesa samin!"
Napaupo na lang rin siya sa bench na tulad ko at tahimik na humikbi.
Napaiyak na lang rin ako sa sinabi niya. "Melody, kailangan ko yung scholarship para makatulong kay nanay! Sana naman intidihin mo ko!"
"Ikaw ang leader namin! Kung ikaw ang aalis paano kami?! Alam mong ngayon lang tayo nakaabot sa grand finals, Kapitana! Ilang taon natin itong pinaghirapan! Paano kami kung bigla kang aalis? Bubuwagin na lang namin at magbaback out na kami kung itutuloy mo iyang' pagaaudition mo!" Galit na sabi ni Desiree.
Naiintindihan ko ang punto nila, ngayon nga lang naman talaga kami nakaabot ng Grand Finals ng Indayog ng Samahan na kasalukuyan naming sinalihan.
Isa iyong paligsahan ng bawat mananayaw na cheer dancer at city per city ang naglalaban.
Ang labanan na iyon ay may premyong 50,000 pesos na sponsor ng isang mayor. Kung mananalo man kami ay pwede naming paghatian yun saming pito.
Kapag napanalunan namin ang laban next week sa Grand finals ay malaki ang chance na makilala rin kami sa ibang lugar at makasali sa kung saan saan na kompetisyon.
Gusto ko rin malaman kung may pagasa ba kaming manalo, may panghihinayang rin sa puso ko dahil pinaghirapan namin ito pero kailangan ko ng magdesisyon sa buhay ko lalo na sa pagaaral ko.
First year college na ko sa susunod na pagaaral at malapit nang matapos ang enrollment period pero wala parin naiipon na pera ang mama ko.
Anong magagawa ko? Ayoko naman huminto kahit isang taon lang!
Nagkataong magkasabay pa ang grand finals at audition sa Luna University.
Sabado ng hapon next week ang grand finals, umaga naman ang Pa-Audition sa Luna University kaya agad kong sinabi kay melody ito.
Ngunit tutol sila dahil nakapag-shooting na ng video introduction bago mangyayari ang live competition namin.
Maari kasing di ako makaattend lalo pa at sa Manila ang audition sa Luna university at sa Mandaluyong city naman gaganapin ang Grand Finals ng Indayog ng samahan competition.
"Alam niyong scholarship ang habol ko dun! may tyansang mawalan ng trabaho si mama kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makakuha ng scholarship sa college!" tila may tampo sa aking puso at pait sa mga salitang binitawan ko.
"Pero kung mananalo tayo Tin mas malaki at mas maraming opportunity ang makukuha ng grupo natin! Ako , Ikaw , si Freilan, Si Ouwie, Desiree, Rana at si Ronnelle! Lahat naman tayo makikinabang dito..."
Gusto ko lang naman tulungan ang mama ko!
Ngunit paunti-unti ay narealize kong tama rin sila. Nandito na kami. Kung tutuusin mas abot ko pa ito hindi tulad kung lilipat ako sa ibang unibersidad.
Dahan-dahan ay napatango na lang ako at tuluyan ng pinakawalan ang pangarap kong magkascholarship.
Ako ang Captain sa grupo at responsibilidad ko ang mga kasamahan ko pero bakit hindi ako masaya sa desisyong ito?
Huminga ko ng malalim at nagisip ng mabuti. Nakita nilang tumango ko ngunit ng mag-angat ako ng tingin sa kanila ay tila may lungkot parin dito at takot na baka talikuran ko na lang sila basta.
Napamahal na kami sa bawat isa pero alam kong batid nila na mataas talaga ang pangarap ko at ambisyon.
Inilahad ko ang aking kamay, pinilit ngumiti at pinasigla ang aking boses. "Laban para sa 50k!"
Inilahad rin nila ang kanilang kamay at ipinatong sa likod ng palad ko. Sabay sabay ay tinuran naming muli ang katagang "Laban para sa 50k!"
~
MALUNGKOT man na hindi ko na matutupad ang pangarap kong makakuha ng scholarship ay maluwag kong tinanggap sa dibdib na bago ko nangarap, may grupo kong kasama sa hirap at ginhawa.
Kailangan ko lang sabihin rin ito kay mama dahil mukhang inakala na nilang lilipat ako ng unibersidad para mabawasan ang mga gastusin nila ni Tita.
Paguwi ko mula sa practice ay si Mama lang ang nakausap ko. Binalita ko na lang sa kanya ang nangyari at maluwag naman niya itong tinanggap at nirespeto.
Naghapunan na kaming dalawa at habang kumakain kami ay pinayuhan na niya kong magpahinga lalo at may practice kami sa sayaw bukas ng umaga.
Sinusulit na namin ito habang nakapahinga pa kami sa sa school lalo at next school year ay magiging 1st year college na ko at magiging busy na ko ng sobra.
Umakyat na lang ako sa kwarto at nakatulog rin agad dahil sa sobrang pagod.
Maaga kong nagising kinabukasan ng makarinig nang malalakas na boses na parang nagtatalo. Nagmulat agad ako ng mata at mabilis na napalabas ng kwarto para bumaba nang marinig ko ang boses ni mama na galit. Nasa hagdan palang ay naririnig ko na ang pinaguusapan nila at masakit para sakin na marinig ang mga sinasabi nila.
"Ang ganda ganda naman kasi niyang anak mo na yan! Bakit hindi mo gamitin nang mapakinabangan!"
Napahinto ako sa paghakbang pababa ng hagdanan ng marinig ang sinabi ni tiya.
Agad akong kinabahan sa sinabi ni tiyang at napayakap sa sarili ko. Napaupo na lang ako sa hagdan at tahimik na napaluha.
"Wag mong idadamay ang anak ko sa problema natin sa loob nang pamamahay na ito! Hindi siya matutulad sayo o higit ng sakin!"
"Totoo naman ang sinasabi ko, Ate! Bakit pinipilit pa nila yung contest contest na yan. Ano bang mapapala nila? Wala! Kung gusto niya palang magaral at magtapos, scholarship ang kailangan niya para maigapang niya ang kolehiyo tapos siya pa talaga itong umayaw! Hindi ko maintindihan diyan sa anak mo at ang tanga tanga!"
"Hoy, Rowena! Magdahan dahan ka sa sinasabi mo at baka masampal kita! Hindi ba at sinabi ko na sayo ang dahilan kung bakit? Magaling na dancer ang anak ko! Disenteng mananayaw! Kung ano man ang pangarap niya, susuportahan ko!"
"Ate naman! Hindi naman yun ang punto ko rito! Ayaw mo bang ipaalam sa kanya na naospital ka dahil sa pagtatrabaho nang sobra makapagaral lang siya? Wala talagang isip-"
"Itahimik mo na lang ang bunganga mo pwede ba! Kung meron man na may kasalanan dito kung bakit ganyan ang buhay mo, Ikaw lang ang dapat sisihin! Hindi ba at may nanliligaw sayo noon na mayaman habang pinagaaral kita pero anong ginawa mo? Nagpabuntis ka doon sa tamad at tambay lang palagi sa kanto! Ngayon masama ba ko kung gusto ko na gawin ng anak ko ang mga bagay na hindi natin naranasan dahil pareho tayong naging bulag sa pagibig? Kaya wag mo nang pakialaman ang buhay ng pamangkin mo, hayaan mo siyang mabuhay ng disente dahil nagaaral naman rin siyang mabuti!" galit na sigaw ng kanyang Mama kay Tiya Rowena.
Tahimik kong pinunasan ang luha at akmang pababa na nang makita ko si mama na tila nawalan ng balanse.
Nanlaki ang mata ko at agad na tumakbo pababa ng hagdan upang daluhan si Tiya na natatarantang inaalalayan si mama.
"Bilisan mo doon, Tintin! Tumawag ka ng tricycle sa kanto dadalhin natin ang nanay mo sa hospital!"
Agad akong kumilos at tumalima upang magtawag ng maghahatid sa kanila sa hospital.
Ang tiya niya ay umiiyak na sa takot na may mangyaring masama kay mama.
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari na hindi maganda kaya ate!"
Nang makatawag ng trycicle ay pinagtulungan nilang buhatin ang ina at inilagay sa loob ng tricycle upang tumungo na sa pinakamalapit na hospital sa kanila.
'Sana walang masama na mangyari kay , Mama! Pakiusap panginoon!'
Munting dasal niya at hiling.
~
"MAMA, hindi na dapat kayo nagkikikilos baka mabinat po kayo..."
Yun agad ang bungad ni Tintin sa kanyang ina ng paguwi niya mula sa practice ay naabutan niya itong nagwawalis sa labas ng bahay.
Nagmano siya dito bilang respeto at napailing na lang dahil pinagsawalang bahala lang nito ang sinabi niya at nagpatuloy ito sa pagwawalis.
"Kaawaan ka ng diyos, hija. Ako eh wag mo nang pansinin, kaya ko pa naman magkikilos sa bahay. Hindi ko maintindihan sainyo ng tiyang mo at ayaw niyo na kong magtrabaho. Mas malakas pa naman ako sa kalabaw, hay nako."
Bumalik sa kanyang alaala ang dahilan kung bakit nahospital ang Ina niya.
"Ayon sa resulta ng mga tests na ginawa namin sa kanya. May liver failure ang pasyente. Sa ngayon may mga gamot kaming irereseta sa kanya at may mga test pa siya na kailangang gawin para malaman namin kung kailangan na ba niyang magpa-liver transplant o magpa-dialysis."
Napabuntong hininga ang doctor na kausap nila at napailing.
" ... Tumanggi ang pasyente sa iba pang mga tests na gagawin namin sa kanya para malaman namin ang totoong kondisyon ng kanyang liver at nang maagapan pa ito sa gamutan o kailangan na talagang dumaan sa ibang procedures."
May lungkot saking mga mata habang nakatingin ako kay mama na patuloy parin sa pagwawalis. Hindi ko kakayanin na mawala siya samin.
Niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likod niya kaya agad na natigilan si mama. “Ma... Kung ayaw niyo pong nag aalala kami sa iyo... Ipagpatuloy mo na yung sa test mo–"
"Anak... Okay lang naman kasi ako. Wag mo nang pagpapansinin yung sinabi ng doctor na yun. Mas kilala ko sarili ko kesa sa kanya. Hayaan mo na yun... Okay lang ako."
"Pero Ma... Paano naman ako kapag may nangyari na masama sayo? Sige na please... Tapusin mo na yung test..."
Umiling siyang mula sakin at binigay ang walis sa kamay ko.
“Hindi na kailangan , Tintin. Okay pa naman ako at kasing lakas ng kalabaw... Kung mapilit ka eh, sige na ikaw na lang magwalis. Magpapahinga na lang ako sa loob habang naglalaba."
Pagtapos noon ay agad na siyang pumasok sa bahay at iniwan akong tulala at hawak ang walis.
Napabuntong hininga na lang ako sa ginawa ni Mama at napailing.
"Pasaway talaga itong si mama, kahit kailan. Haysss.."
Pinagpatuloy ko na lang ang pagwawalis at nang kahit papaano ay matulungan ko siya sa mga gawaing bahay.
Hindi ko hahayaan na mawala sakin si mama, kaya naman gagawin ko ang lahat makumbisi lamang siya na magpagamot na...hindi ko kakayanin kapag nawala sakin si mama...
__________________
END OF CHAPTER 1
TO BE CONTINUED.