"Hey," bulong ni Valkyrie. "Kalma ka lang." "Tch! Paanong kakalma, eh, ang hilig niyang mamikon?" kalmadong tanong ni Justin sa kaniya habang tinitingnan pa rin si Chase na ngayon ay hinihila pa rin nina Julian at Leonardo. "Gusto ka lang asarin talaga kasi mabilis kang mapikon," wika ni Valkyrie kay Justin. Hindi naman na umimik si Justin at piniling umupo na lang. Ngunit ang kaniyang mga mata ay nakatingin pa rin kay Chase na ngayon ay nakangisi habang nakaupo na sa kanilang table. "Bakit ba kasi inaasar mo pa, Fajardo?" saad ni Julian. "Puwede naman na huwag mo na siyang guluhin." "Pikon kasi, eh," bulong ni Chase. "Ang sarap niyang asarin kapag napipikon." "Sira! Baka mamaya burado na mukha mo kapag sinuntok ka niya," natatawang wika ni Steven. "Hindi iyan. Alangan namang sirain

