Pleasure of Love
Disclaimer:
This is a work of fiction. Any names, characters, events, businesses, songs, places, and ideas are the product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person, living, dead or events are purely coincident.
I don't own the photo used on the book cover. It was generated by AI and I just added text according to my taste.
All Rights Reserved ⓒ
Pleasure of Love
Love Island Series #1
Valkyrie Yañez
"Kyrie," tawag ni Justin sa babaeng nakatingin ngayon sa dalampasigan.
Masaya siyang pinagmamasdan ang mga taong naliligo ngayon sa dagat habang yakap-yakap ang kaniyang sarili.
Pamactan Island o mas kilala bilang Love Island. Dito sila nagkakilala habang binibigyan nila ng kalayaan ang kanilang sarili para kalimutan muna ang mga bagay sa kanilang mga buhay.
Bukod sa naglalakihang buildings, may mga magagandang tanawin din ito kagaya ng puting buhangin, asul at malinaw na dagat saka marami ring mga puno.
Masasabi na itong paraiso dahil malayo ito sa masakit na reyalidad. Ang problema nga lang ay hindi basta-basta makakapasok ang isang kilala at mayamang tao lalo na kapag walang invitation na natanggap.
Iyon ang patakaran para makapasok sa islang ito. Kaya sobrang saya ni Valkyrie nang ibigay ni Katniss ang kaniyang invitation dahil hindi raw ito makakapunta.
Noong una nga ay ayaw niya itong tanggapin dahil busy siya sa kaniyang trabaho ngunit dahil sa kagustuhan ni Katniss na bigyan din niya ng time ang sarili ni Valkyrie, napilitan na lang siyang tanggapin ito.
Hindi naman siya nagsisi dahil kahit papaano, nagustuhan niya ang lugar na ito. Para ngang wala na siyang balak bumalik sa Manila para magtrabaho.
Ngunit hindi iyon pupuwede. Hindi niya iyon puwedeng gawin dahil hindi naman niya puwedeng iasa ang kaniyang mga trabaho sa iba.
Ngunit habang nagmumuni-muni siya, naramdaman niya ang mainit na yakap ni Justin sa kaniyang likuran.
"You’re thinking too much," bulong ni Justin nang tuluyan na niyang maipulupot ang kaniyang mga bisig sa kaniyang maliit na bewang.
Napahinga naman ng malalim si Valkyrie habang nakatingin sa malayo. Unti-unti niya ring isinandal ang kaniyang ulo sa leeg ni Justin at hayaan ang sarili niyang malunod sa kasiyahan kahit na saglit lamang.
"Sorry," bulong ni Valkyrie. "Marami lang kasing tumatakbo sa isipan ko tungkol sa trabaho."
Napaismid si Justin sa kaniyang narinig na para bang hindi niya nagustuhan ang bagay na ito.
"Kaya nga tayo nandito sa isla para magsaya. Hindi iyong poproblemahin mo ang bagay na iyan," masungit na sambit ni Justin.
Lumitaw na lang ang maliit na ngiti sa labi ni Valkyrie hanggang sa tuluyan na itong natawa.
"What? Totoo naman kasi," usal ni Justin.
"Yeah, I know. Totoo naman ang sinabi mo," saad naman ni Valkyrie. "Pero hindi ko lang talaga maiwasan. Medyo naaawa ako kay Daddy kung matatagalan ako rito."
"He will understand. Wala namang masamang magpakasaya kahit na saglit," pagpapakalma naman ni Justin sa kaniya.
Sabay nilang pinanood ang paglubog ng araw habang nagyayakapan pa rin.