Third Person's Point of View
Kasalukuyang nagbabasa ng mga report ngayon si Valkyrie sa kaniyang office. Wala siyang gaanong meeting ngayon dahil ang nasa isip niya ay kailangan niya munang tapusin ang mga paperwork sa kaniyang mesa.
Ang problema lang ay hindi siya sigurado kung kailan pa siya matatapos. Sa sobrang dami kasi nito, nagsisimula na siyang mapikon nang husto.
Mabilis kasing mangalay ang kaniyang batok lalo na kapag nagbabasa ito ng mga documents. Kaya madalas siyang imasahe ang kaniyang batok at tumigil sa pagbabasa.
"Fck! Ang sakit sa batok," bulong niya sa kaniyang sarili.
Kaya naman kinuha na muna niya ang kaniyang cellphone sa loob ng kaniyang purse para sana kausapin muna ang kaibigan niyang sina Caithlyn at Jazz.
Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagkikita dahil na rin sa busy sila sa kani-kanilang mga responsibilidad sa buhay.
Si Caithlyn ay may pamilya na habang sila naman ni Jazz ay wala pa. Marami namang nanliligaw sa kaniya pero pakiramdam niya, hindi pa ito ang araw na kailangan niyang magkaroon ng boyfriend.
Marami pa kasi siyang gagawin sa kaniyang buhay at parang hindi pa niya kayang mag-commit. Kaya imbis na maghanap ng boyfriend, nag-focus na muna siya sa kaniyang buhay, ang pagtatrabaho.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, biglang lumitaw ang kaniyang kaibigan na si Katniss na may malawak na ngisi. Sumunod naman ang secretary ni Valkyrie na pumasok na mas lalong nagpakunot ng kaniyang noo.
Ibinilin niya kasi sa kaniyang secretary na ayaw niyang may pumasok kahit pa kaibigan niya ito dahil busy siya sa pagbabasa ng mga dokumento. Kaya laking gulat niya talaga kung bakit lumitaw ang kaniyang kaibigan.
"Ma'am, pasensya na po," panimula ng kaniyang secretary.
Mahahalata sa kaniyang mukha na nagsisisi ito dahil sa pagpipilit ni Katniss na pumasok.
"It's okay. Next time, huwag na huwag ka ng magpapapasok ng kung sino dahil kailangan ko pang tapusin ang mga ito," pigil ni Valkyrie sa kaniyang secretary.
Lumingon naman si Valkyrie sa kaniyang kaibigan na ngayon ay nakangiti pa rin at mukhang hindi na mawawala ang kaniyang ngiti. Kaya naman nailing na lamang siya.
"Pasensya na po talaga, Ma'am Valkyrie," huling sambit ng kaniyang secretary bago lumabas ng kaniyang opisina.
Nalakad naman patungo sa bakanteng upuan si Katniss na nasa harap lamang ng desk ni Valkyrie na may ngiti pa rin sa kaniyang labi.
"Wala ka bang balak magbakasyon?" tanong ni Katniss sa kaniyang kaibigan.
Si Katniss Romero ay kaibigan na niya magmula pa nang siya ay High School Student pa lamang. Magkaibigan kasi ang kanilang mga magulang at madalas din silang magkita noon. Kaya naman medyo kabisado na ni Valkyrie ang ugali ng kaniyang kaibigan.
"What do you want?" diretsang tanong ni Valkyrie at hindi na pinansin pa nag tanong ni Katniss sa kaniya.
Nang dahil sa naging tanong ni Valkyrie, napanguso na lamang si Katniss kasi alam na niyang nagsisimula nang maubusan ng pasensya si Valkyrie.
"Ito naman! Kailangan agad? Nandito lang ako para guluhin ka kasi simula nang ikaw ang mamahala sa lahat ng business niyo, hindi ka na namamasyal!" mahabang lintaya ni Katniss sa kaniyang kaibigan.
Totoo kasi iyon. Kung si Katniss ay mahilig magbakasyon at madalang lang pumasok sa kaniyang trabaho, si Valkyrie naman ang subsob sa kaniyang trabaho.
Never siyang nagkaroon ng bakasyon. Kung day off niya man ay nagtatrabaho pa rin ito sa kaniyang condo at iyon ang kinaiinisan ni Katniss.
Kaya naman inilabas niya ang isang pulang invitation galing sa isang exclusive island sa Pilipinas na kung saan ay mahihirapan kang makapasok not unless ay isa ka sa shareholder o may-ari ng isla na iyon.
Dahil din sa sobrang higpit nito, kinakailangan nila ng isang invitation na galing mismo sa mga shareholder o may-ari ng islang iyon para lamang makapasok.
Nilapag niya ang sobreng iyon sa harapan ni Valkyrie habang seryoso ang mukha ni Katniss. Wala kang makikitang kahit anong emosyon maliban sa pagkaseryoso.
"Hindi kasi ako makakapunta dahil kailangan kong magtrabaho," aniya habang tinitingnan ang kaniyang kaibigan na nakatingin sa sobreng nilapag niya sa kaniyang harapan. "Kaya napag-isip kong ikaw na lang ang magpunta roon dahil sayang naman."
"Love Island Invitation," bulong ni Valkyrie sa kaniyang sarili habang nakatingin sa sobre.
"Yes. Puwede mong gawin ang gusto mo riyan. Makipag séx, magpakasaya na para bang walang problemang inaalala. Basta, ikaw ang bahala," paliwanag ni Katniss. "Exclusive kasi ang isla. Kailangan mo ng invitation para makapasok riyan. Ganoon sila ka strikto. Ngunit ang kinagandahan, walang manghuhusga sa iyo. Hindi kagaya sa reyalidad na puro panghuhusga at kasakiman."
"Bakit sa akin mo ibinibigay? Puwede namang pumunta ka kung kailan hindi ka na busy," naguguluhang wika ni Valkyrie. "Saka hindi ko kailangang magbakasyon. Kailangan kong magtrabaho."
Umismid naman si Katniss sa kaniyang narinig at napairap na lamang sa naging sagot ng kaniyang kaibigan. "Kaya ko nga ibinigay sa iyo para makapag bakasyon ka."
"Hindi ko nga kailangang magbakasyon—"
"Kailangan mo. Magpunta ka sa islang iyan dahil alam kong magugustuhan mo iyan," pamimilit ni Katniss sa kaniya.
Napahugot na lang nang malalim an hininga si Valkyrie sa kaniyang narinig at walang nagawa kung hindi tanggapin ang invitation na iyon para matigil na sa pangungulit ang kaniyang kaibigan.
Kung tutuusin ay wala naman talaga dapat siyang balak pero dahil sa alam niya kung gaano ka kulit ang kaniyang kaibigan ay kinuha na lamang niya ito at inilagay sa kaniyang bag.
"Aasahan kong pupunta ka na kaagad kinabukasan," aniya ni Katniss saka tumayo.
Nanlaki naman ang mga mata ni Valkyrie sa kaniyang narinig dahil hindi niya inaasahan na bukas na siya pupunta. Wala naman kasi talaga siyang balak pero bakit kailangan na magpunta siya roon?
Hindi niya maintindihan kaya sinubukan niyang ibuka ang kaniyang bibig habang tinitingnan ang kaniyang kaibigan pero walang lumabas na salita sa kaniyang bibig.
Napangisi naman si Katniss at kumindat sa kaniya bago niya kinuha ang napaka raming box ng pills nasa kaniyang bag. Sa sobrang dami no'n, aabot na yata iyon ng ilang buwan.
Wala kasing expiration kung kailan mo gustong mamalagi sa Love Island dahil ikaw mismo ang bahala kung kailan mo gustong umuwi.
"May susundo sa iyong chopper bukas," paliwanag ni Katniss sa kaniya.
At nang biglang natauhan si Valkyrie, umiling siya.
"Hindi ako pupunta kaagad. Kailangan ko munang mag-isip," paliwanag niya sa kaniyang kaibigan.
"Nasabi ko na kasing bukas ka nila susunduin. Nakakahiya naman kung sasabihin kong hindi ka handa o hindi ka pupunta," mahinang sambit ni Katniss. "Pumunta ka na dahil kakailanganin mo iyon. Masyado ka ng stress sa trabaho."
"Ano ka bam Katniss? Hindi nga. Kailangan ko munang mag-isip. Marami akong schedule at kailangan kong tapusin ang mga paper work. Kaya hindi pupuwede na magbakasyon ako. Mahal ang oras," naiiritang wika ni Valkyrie.
"Pumunta ka na! Minsan ka lang naman magpunta. Kahit isang buwan ka lang doon at kung sa tingin mo ay kailangan mo ng umuwi, gawin mo. Basta magpunta ka lang sa lugar na iyon para mag-relax," pamimilit niya pa lalo. "Sure ako! Magugustuhan mo roon."
Lumapit si Katniss sa kaniyang kaibigan na ngayon ay mukhang problemado na. Ngunit hindi dapat siya tumigil sa pamimilit sa kaniyang kaibigan dahil para rin naman sa kaniya ito.
Gusto nga dapat niyang pumunta pero dahil masyado na siyang nagpakasaya nitong mga nakaraang buwan, hindi na pupuwede. Kaya niya ito binigay kay Valkyrie dahil kinakailangan nito ng pahinga.
"Basta kailangan mong magdala ng pills at uminom niyan para ready ka sa bakbakan," bulong niya. "Marami kasing guwapo roon."