One week to be exact until now hindi parin nahahanap si Elisse. Hindi ko alam kung nababaliw na ako pero kahit sa panaginip ko naririnig ko sya. Sumisigaw at nanghihingi ng tulong. "Baka naman gusto mo munang umuwi at matulog."-napatingin ako sa umupo sa tabi ko at napailing. Araw-araw ganito ang eksena namin. Lagi nya akong pupuntahan dito at papauwiin. Daig ko pa ang bata kung bantayan nitong mokong na ito. Tinagilid ko ang ulo ko ng makaramdam ako ng hilo dahil sa iniinom. "Hindi sya matutuwang nakikita ka nyang ganyan Bud.."-patuloy nya. Pagak akong napatawa sa sinabi nya. "Maganda nga yun kung hindi sya matuwa diba. Baka— baka maisipan nya ng magpakita kung nagtatago lang sya. Sobra ba nya akong inaayawan kaya nya ako laging tinat

