Madilim at sobrang tahimik ng lugar na iyon. Sa sobrang tahimik ay parang nababaliw na ako sa konting kaluskos lang na naririnig ko. Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ako sa lugar na ito. Hindi ko alam kung umaga na ba o gabi dahil sa piring na suot ko. Tanging kalansing ng mga kadenang nakatali sakin ang naririnig ko. Napaiyak na naman ako sa kaisipang hindi ko alam kung nasaan ako. Hinahanap kaya nila ako. Si Zillion kumusta kaya sya? Nagaalala kaya sya? Galit kaya sya na hindi ako sumipot sa kasal namin? Makakabalik pa kaya ako sa kanila. Sa dami ng tanong sa isip ko hindi ko na alam kung mabubuhay pa ako pagtapos nito. Tubig ang tanging nagdudugtong sa akin at katawan ko. Noong unang mga araw na magising ako wala akong ginawa kundi umiyak at sumigaw. Pero nakakapagod din pala

