Ginising ako ng mga ingay dahil sa paghampas ng pinto. Kahit idilat ko ang mga mata ko kadiliman lang din ang bumubungad sa akin. Kahit pilitin kung aninagin iyon ay masyadong makapal ang telang nakatakip sa mata ko. Pero ngayong araw ay naiiba, dahil pagmulat ko ng mata ko. Liwanag ng lugar na kinalalagyan ko ang bumungad sa akin. Ilang beses pa akong kumurap baka sakaling nanaginip lamang ako. Pero hindi iyon nawawala talagang wala na ang piring sa mata ko. Maging ang busal sa bibig ko ay wala na rin. "Masarap ba ang naging tulog mo iha?"-napabaling ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. "I...i—ikaw?"- iyong lang ang salitang nasabi ko habang nakatingin sa nakangiting anyo ng taong nasa harap ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa habang nakatingin sa nakangisi nyang anyo.

