Isang linggo na simula ng makalaya ako kay Tito Albert. Tinanong ko sila Kuya Mart kung saan sya nakakulong pero dinala lang nila ako sa sementeryo. Hindi daw nito matanggap sng nangyari kaya nagpakamatay nalang ito. Hindi ko narin kasi sya nakita at hindi rin naman detalyado ang kwento ni Kuya Mart. Humingi naman ng paumanhin ang pamilya nya sa akin. Sino ba naman ako para ipagkait yun, tao lang din ako. Kung ang diyos nga nagagawang magpatawad ako pa kaya. Agad akong napabangon ng makarinig ako ng ingay mula sa baba. Mabuti nalang nakapagpalit na ako. Marami akong naririnig na boses, narinig ko rin si Tita Tanya na sumisigaw pati narin si Tita Ynes. "f**k you.. Wag mo kaming bigyan ng ganyang rason. After what we saw? Tang ina kahit dulo ng daliri ni Saffron hinding hindi mo mahahawa

