“Nakausap mo ba si Anemone, Jude?” blangko ang mukhang tanong ni Nazaron sa property consultant. Pinatawag niya ito sa kanyang opisina. Alam niyang nangako siyang susuportahan ang asawa sa gusto nito pero hindi niya kayang isiping may kapitbahay itong modelo ng boxer briefs. He did not want to risk it. Baka magkahulugan pa ng loob ang dalawa. Tama nang si Luther at Alpheus lang muna ang nagpapasakit sa ulo niya. Jude Lagdameo was one of the best property consultants in the Philippines. In fact, marami na siyang magandang propiedad na nakuha dahil dito. Gusto niyang lumipat si Anemone ng bahay kung saan mas malapit sana sa kanya para kahit marami siyang trabaho ay magagawa niyang puntahan ito. Isa pa, nalaman niyang may kapitbahay din itong may hit sa NBI at isang may record sa police

