Nagulat si Anemone sa laki ng ibinagsak sa halaga mula sa una nilang napag-usapan ni Mrs. Ferrer para sa renta ng puwesto. Halos kalahati ang nabawas sa orihinal na hinihingi nito sa kanya. Ito pa mismo ang tumawag sa kanya para makipagkita. Dati ay siya ang hahabul-habol dito para makausap lang ito. Akala niya ay wala na talagang pag-asa na makuha niya ang puwestong napupusuan sa gusaling pagmamay-ari nito. Napakamahal kasi ng orihinal na hinihingi nito sa kanya. “Totoo po, Mrs. Ferrer?” mulagat niyang tanong. Tumango ito, may ngiti sa labi. “Huwag mong problemahin ang bayad sa renta. Magbigay ka na lang kapag nakaluwag ka na.” Bakit kaya parang naging ibang tao ito? Napakasungit nito dati sa kanya at mayamaya siyang sinisimangutan. Ngayon ay naging napakaamo na ng mukha nito. If she d

