Pagkatapos humingi ng dispensa sa may-ari ng shop ay tumakbo na si Aldo palabas, tinahak ang direksyong kasalungat ng pinanggalingan niya kung saan niya nakasalubong kanina si Nazaron Altieri. “Putang-ina ka, Nazaron Altieri,” pagmumura niya. Akala siguro ng Nazaron na iyon ay hindi niya ito kilala. Ang hindi nito alam ay kilalang-kilala niya ito, at pagbabayarin niya ito oras na maka-tiyempo siya. “Napakayabang mo pa rin. Babalikan kita, Nazaron,” anas niya. _____ MALAKAS na napatili si Anemone nang makita ang mga positive reviews sa official site ng ARTemone. Dagsa-dagsa ang magagandang feedback lalo na sa kanyang mga paintings. Sino ba ang mag-aakalang mapapansin ang mga gawa ng isang simpleng babaeng nagmula sa tahimik na probinsya? Maliban sa insidenteng nangyari noong kabubu

