Matapos ang isang oras at mahigit dalawang minuto ay nakaabot na rin sila sa kanilang destinasyon. Alas nwebe pa lang ng umaga kaya napagdesisyunan ng ilan na maglibot-libot muna habang sina Noah at Salem naman ay nasa cottage nito na may dalawang palapag. May anim na bed na nakaratay sa sahig at tamang-tama iyon sa kanila. Umuwi naman ang driver sa bahay nito dahil malapit sa beach resort ang bahay ng magulang nito at doon ito matutulog. Sa baba naman ng cottage ay kainan at lutuan. Kasama si Luis ng dalawa na naghahanda ngayon ng lulutuin ngunit nasa taas si Salem habang nag-aayos ng gamit. Sina Kristel at Nadia naman ay naglilibot-libot. Sus! If she know naghahanap lang iyon ng foreigner. Inusog niya ang kama na malapit sa pader sa kanya. Magtatabi sila ni Noah matulog, no. Ang presko

