“It’s been what? Ilang months rin bago tayong magkita muli. How do you do?” Nilagyan ni Daniel ang isang shot glass ng alak at iniusog ito sa harap ni Noah. Tiningnan ni Noah ang baso bago tingnan si Daniel. “Five months po since nag-meet po tayo. Okay naman po ako,” sagot ni Noah. Sa mahigit na limang buwan ay nag-take pa siya ng ibang part time at swerte dahil may naka-associate siya na isang member ng isang agency sa mga engineers bilang intern. Pinapapasa nga siya ng project plan for a building structure, eh, kaya medyo magiging busy ang darating na araw niya. Kung papalarin ay baka makuha siya nito at dito na siya magtrabaho after niya maka-graduate. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa pinagtatrabahuhan mo dati noong nagkita tayo?” “Yes po. Actually, promoted na rin po ako bilang assist

