Naglalakad na si Copper sa pasilyo. Patungo sa opisina. Napatingin siya sa suot na relo. Nagtataka siya at bukas na ang ilaw. Nasanay na kasi siya na siya ang unang dumarating sa opisina para magbukas ng ilaw. Nagulat pa siya at biglang napahinto sa paglakad. Nang biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang babae na halos lumuwa ang mala-papayang dibdib sa laki. Nakasuot ang babae ng mini-skirt. Halos kalahati ng hita nito ay talaga namang litaw na litaw. Mahaba ang buhok ng babae. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Copper na posturada ang babae. Namumula ang labi at pisngi nito. Naging malikot pa ang kanyang isip ng mapansin na tila nagkalat-kalat pa ang lipstick sa labi nito. At hindi nga siya nagkamali dahil nahagip din ng mata niya na meron chikinini na nagmarka sa may dibdib nito.
Literal na napahawak si Copper sa kanyang labi sa pamamagitan ng kanyang palad.
“So----rry Sir Zinc----good morning po.” pagbukas niya ng pinto. Naabutan niya ang boss na tila inaayos pa ang belt nito sa bewang. Lumabas si Zinc buhat sa personal lounge nito. Malamang sa alamang doon sila gumawa ng milagro. Naging magalaw tuloy ang kanyang imahinasyon. Kung paano ba nila ginawa ang tinatawag na sixty-nine position. O’ ang escabeche style ng mga ito. Para tuloy nakikinita niya ang babae at si Zinc kung paano maglampungan sa mahabang sofa doon. Gusto pa niya sana umurong at dumiretso muna sa toilet. Dahil siya ang nakakaramdam ng hiya bilang isang babae.
Nabigyang kasagutan din ang tanong sa kanyang isip. Kung bakit nagkalat ang lipstick ng babaeng lumabas. Kasi naman sa hitsura ng boss ngayon. Walang kaduda-duda na hindi natural na pula ang labi nito. Mahahalata na meron pa bahid-bahid din ng lipstick na naiwan sa pagitan ng labi nito.
Pero bakit kaya ganito ang reaction ng batang puso niya. Parang nasasaktan ang kanyang puso sa mga iniisip. Yun bang isipin na meron ibang babaeng naglalambing kay Zinc ay tila nakirot ang sugat sa kanyang puso. Excited pa naman siya pumasok. Dahil buong akala niya sweetness overload na ang kasunod ng pagkailang nila sa isa’t-isa.
“Miss Valencia bakit parang natuklaw ka ng ahas?” paninita pa nito sa kanya ng mapansin na hindi siya nakakilos agad. Hindi kakikitaan si Zinc ng kahit konting pagkahiya. Sa tingin nga niya ay super proud pa ito sa nagawang katatapos na eksena. Grabe…! Kaya pala kuntento na ang boss sa buhay nito. Dahil meron lang mga babae na nagseserbisyo-aliw na basta pupunta sa opisina nito.
“Ahhh…wa----la po Sir Zin----c” tanggi ni Copper na hindi ipinahalata ang pagkagulat. Tatalikod na sana siya para pumasok sa kanyang cubicle.
“Miss Valencia sa susunod huwag ka basta pumapasok sa loob ng opisina ko. Kung nakita mo naman na meron ibang tao, like Brenda. She is one of my associates. Meron lang kami pinag-usapan. At least ngayon alam mo na. Para kung sakali na pumunta ulit siya dito. Kilala mo na. O’ kung meron pa iba.” Kaswal at nakangiti na sabi nito. Grabe…! Iba pala talaga ang bagsik ng Zinc De Castro na boss niya. Mabagsik at matinik na ang ugali. Matinik at mabagsik din pala talaga sa babae.
Ano iyon? Associates with benefits. Pwede naman mag-usap ng pormal sa table nito kung tutuusin. Bakit kailangan pa na pumasok sa loob ng personal lounge nito? Iyon ang hindi niya malubos maisip. Ang alam niya ang boss lang niya ang pumapasok doon at tsaka siya. Kapag hahatiran niya ng coffee si Zinc. O’ di kaya naman ay tawagin siya nito habang naroon at nagtratrabaho. Hindi lang pala isang associates. Marami pa inaasahan si Zinc na magiging bisita.
“Sir Zinc hindi naman po ako pumasok agad. Nakita ko na nga po yun babae na lumabas mula dito sa opisina mo. Kaya ako napahinto sa paglalakad.” Pangangatwiran niya kay Zinc. Mukhang mainit na naman ang templada nito sa kanya. Hihingi-hingi pa ng sorry. Tapos magsusungit lang din pala ulit. Sana hindi na lang humingi. Meron pa nalalaman na pa-sticky note message. Magaspang lang din naman ang ugali. Sa papel lang ba siya nito kaya tawagin na “Copper”.
“Kahit na Miss Valencia. Hindi ka pa rin dapat basta pumapasok. Dapat marunong ka magtantiya ng sitwasyon. Meron ka naman siguro woman instinct. Pinapagana yun kahit wala ka pa nakikita na kahit ano pa man. Gets mo naman siguro ang ibig ko sabihin. Nakita mo tuloy yun belt ko.” Sabi ni Zinc na bahagyang lumapit pa sa kanya at ngumiti na parang nakakaloko.
“Sir Zinc pasensya ka na po. Hindi naman po kasi ako aware. Meron ka pala mga associates… Kailangan ko isaalang-alang kung kailan bibisita dito sa opisina mo. Hayaan n’yo po hindi na mauulit.” Sinadya niya diinan ang salitang associates. Ganoon din ang kanyang tinig na tila nagtatampo.
“Nagrereklamo ka ba, Miss Valencia? Nagagalit ka ba sa mga associates ko? O’ baka kaya ganyan ang reaction mo. Dahil meron kaugnayan sa sinabi mo kay Miss Belle? Ano ba yun narinig ko? Curious lang ako.”ngiting panalo ang mga ngiti ni Zinc. Mukhang hinuhuli niya ang sekretarya. Dahil aminin man niya o hindi. Meron mga gabing dinadalaw siya ng kilig. Kapag naiisip niya na crush nga siya talaga ng sekretarya. Pero ang katotohanan na siya ang tipo ng tao na mas lamang ang isip kesa puso. Kumbaga mas napapanaig niya ang isip kesa sa kanyang damdamin. Na kung saan kaya niya kontrolin ang damdamin at sundin ang nasa isip.
“Ha…? Sir Zinc----hindi po totoo yun narinig mo. Baka namali lang po kayo ng pandinig.” Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng pagsisinungaling niyang iyon. Basta bahala na. Ang mahalaga hindi siya nito masukol na todo. Kailangan na niya panindigan ang sinabi sa harap nito.
“So! Are you saying now na bingi ako, Miss Valencia?” sarkastikong wika ni Zinc na pagkatapos ay tumawa ng malutong.
Pinagsalikop ni Copper ang mga palad sa kanyang likod. Para kahit paano ay maibsan ang kanyang kaba. Pakiramdam din kasi niya ay pinagpapawisan siya ng malapot at nanlalamig ang kanyang katawan na parang nag-iinit na hindi mawari.
“Sir Zinc wala po ako sinabi na bingi ka. Ang sinasabi ko po. Baka namali ka lang ng pandinig. Malabo lang ang naging dating po sa inyo.”mahinahon na wika niya.
“Miss Valencia malinaw ang pandinig ko. Naglilinis din naman ako ng tenga ko regularly. Kaya sigurado ako walang nakabara na talingagngag sa tenga ko.” Nang-uuyam na sabi ni Zinc.
“Okey Sir Zinc-----pasensya na po. Sige po pasok na ako sa cubicle ko.” Wala siya balak na pahabain pa ang usapan. Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang boss. Subalit segundo lang pala ang lilipas.
“Miss Valencia, hindi ba sinabi ko sayo na sa lahat ng ayaw ko yun tatalikuran ako kapag kinakausap pa kita. Inuunawa mo ba yun mga sinasabi ko sayo? O’sadyang hindi ka lang talaga sumusunod.” Paasik na wika ni Zinc na isinarado ang glass door. Napaurong naman si Copper sa ginawa ng boss. Bakit pa nito kailangan isarado ang pinto? Baka mamaya meron bigla pumasok doon. Akalain pa na kung ano ang kanilang ginagawa.
“Sir Zinc ayaw ko lang po na humaba pa ang pagtatalo natin. Boss po kita. Nirerespeto po kita. At hindi maganda tingnan na palagi na lang tayo nagtatalo…Sir Zinc. Kaya nga po humingi na ako ng pasensya.”sabi ni Copper na hindi makatingin ng diretso kay Zinc sa halip pinagtuunan niya ang laptop.
“Are you sure, Miss Valencia? Iyon lang ang dahilan mo. Baka naman umiiwas ka lang na mapag-usapan natin ang tungkol sa “crush”?” muli nakakalokong ngiti ang isinagot sa kanya ni Zinc. Napansin niya na lumamlam ang mga mata ni Zinc at tumingin sa kanya ng diretso. At mas lalo pa siya kinabahan sa sumunod nitong ginawa. Umupo lang naman si Zinc sa swivel chair na malapit sa kanyang kinauupuan. Ang swivel chair na iyon ay inuupuan niya kapag sa flat screen monitor siya gumagawa. Pero dahil ngayon nakaupo siya sa desk at nasa harap ng laptop. Kaya bakante ang nasabing upuan. Swivel chair din ang kanyang ininuupuan. Kaya hindi niya ipinahalata na bahagya siya umurong. Pero tila sinasadya ni Zinc na lumapit pa sa kanya na kunwari ay tinitingnan ang kanyang ginagawa sa laptop. Ramdam niya ang tunay na kapilyuhan ng boss na si Zinc De Castro. Ang ginawa niya tumayo siya. At nagkunwari na meron kukunin sa steel cabinet. Ngunit pagkatayo niya ay bigla din tumayo si Zinc at nagkunwari na umastang meron din titingnan sa steel cabinet. Nag-give way siya at nagkusang dumistansya. Bumalik siya sa upuan. Kapag ito bumalik ulit sa swivel chair. Maglalakas loob na siya na sitahin ito. Hindi naman na umupo si Zinc. Pero nakatitig iyon sa bawat galaw niya. Patay-malisya siya na nakatuon lang ang tingin sa laptop. Para hindi niya masalubong ang tingin nito.
“Saan ka pupunta?” parang gusto pagsisihan ni Copper ang ginawang pagtayo para buksan ang glass door. Pero hindi natuloy ang pagbukas ng pinto. Dahil sinundan siya ni Zinc. Sa nakalapat na dahon ng pinto. Doon nasukol at napalapat ang kanyang likod. Hindi siya makagalaw o makakilos. Dahil batid niya na sa konting galaw niya. Pwede lumapat ang labi niya sa labi ng boss sa sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Naka-hang kasi ang braso ni Zinc sa dahon ng pinto na kung saan para siya bilanggo na nakulong doon. Habang ang mga palad nito ay nakalapat sa glass door. Sa ganoong style nila na sobrang lapit sa isa’t-isa. Ni pagbaling sa harap nito ay hindi niya magawa. Dahil tiyak magsasalubong ang kanilang mga mata.
“Si----rrrr Zin----c…!” mahinang anas niya. Pakiramdam niya ay tila nanlalambot siya sa masculine scent ni Zinc. Hindi niya akalain na ganito pala katindi ang epekto sa kanya ng natural scent ng isang Zinc De Castro na tila naghalo yata ang pabango at pawis. Pero sobrang swabe ang amoy nito para sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang samyo na tila nakakabaliw. Namalayan na lamang niya na napapikit na siya. Na para bang wala na siya pakialam sa mga susunod na mangyayari. Ang hitsura naman ni Zinc ng mga sandaling iyon ay parang tuwang-tuwa na pinagmamasdan ang nakapikit na sekretarya. Lalo na ng mapadako ang mata niya sa mapupulang labi ni Copper.
“s**t…! Ang sarap naman halikan ng labi na ito.” Napapamura na bulong ni Zinc sa kanyang sarili. Naramdaman niya ang pag-igkas ng kanyang manhood. Hoooohhh….bakit ganito ang epekto sa kanya ng sekretarya na si Copper Valencia. To think na napakadami na niya natikman na babae. Dagdag pa ang ilang naging sekretarya niya na hindi nakatiis na magpakita sa kanya ng motibo. Syempre! Isa lang siya lalaki na mapagbigay. Sino ba naman siya para hindi pagbigyan na kamutin ang babaeng nangangati na nais magpakamot sa kanya.
Gustong itulak ni Copper ang dibdib ni Zinc. Pero hindi naman niya magawa. Dahil alipin siya ng kanyang damdamin.
“Sir------ Zinc-----please po.” Bulong niya na hindi mawari sa sarili. Kung para saan ba yun “please”.
Si Zinc na bigla na lamang siya hinawakan sa balikat. Biglang nagising ang tila natutulog na isip ng binata.
“Miss Valencia wake up! Do you think I will going to kiss you? Hallucinating is real. So! You are expecting na hahalikan talaga kita. At meron ka pa nalalaman na papikit-pikit. Sir Zinc please…for what? To kiss you Miss Copper Valencia. You’re dreaming.” Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Zinc. Kasabay ng sarkastiko nitong pananalita.
Daig pa ni Copper ang binuhusan ng malamig na tubig sa pagkapahiya niya sa eksenang iyon. Nang magmulat siya ng mata. Isang ngiting nang-iinsulto ang sumalubong sa kanya. Ang ngiti ng kanyang boss na si Zinc De Castro. Hindi niya alam kung ano at paano ang eksaktong pakiramdam ang meron siya ng mga sandaling iyon. Nababalot siya ng pagkabagabag. Dahan-dahan niya iniyuko ang ulo. Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ni Zinc. Wala siyang imik na umupo sa kanyang upuan. Alam niya na sinusundan siya ng tingin ng boss. Pero ang mahalaga ay makaupo siya ng maayos. Dahil pakiramdam niya ay nanghihina siya.
“Copper…Copper…gaga ka talaga. Pinahamak mo na naman ang sarili mo. Pinahiya mo pa ng sobra.” Sisi niya sa sarili. Matiim ang titig sa kanya ni Zinc ng binuksan nito ang glass door na pintuan ng kanyang cubicle.
“Miss Valencia…! Miss Copper Valencia…! You’re such a beautiful. No wonder if I’m…tsk…tsk…tsk” sabi nito na ibinitin pa ang kung anong gustong sabihin. Sabay ngumiti sa kanya na parang nang-aasar pa. Bago iyon tuluyang lumabas ng kanyang cubicle.