Dumaan muna si Copper sa comfort room.
“Copper ano ang ginawa mo?” Nadidismayang hinapulas ng palad ang mukha. Habang nakatingin sa salamin. Ilang minuto na rin siya nakatayo doon pagkatapos umihi. Mabuti na lang at wala pa taong pumapasok doon. Kung hindi’y baka nahalata na siya na tulirong-tuliro. Hindi naman kasi niya akalain na biglang darating ang boss sa pantry. Kaya kampante siya na nagkuwento kay Miss Belle. At mas lalong hindi niya naisip na nakatalikod nga pala sila sa pinto. So! Ang tendency talaga hindi nila makikita o mararamdaman na meron tao na dumating. Lalo na kung masyado maingat ang galaw. Namalayan na lamang niya ang sarili na pumasok ulit sa loob ng toilet. Umupo siya sa paraang relax na relax. Pinapakiramdaman niya kung meron papasok na ibang tao. Wala naman. Marahan siya napapikit. Hindi niya maiwasan na hindi makaramdam ng kaba. Sa tuwing maaalala ang boss na si Zinc De Castro. Habang nakapikit siya. Pinipilit niya na maihi para magkaroon pa siya ng dahilan na mag-stay pa sa toilet. O’ di kaya naman ay biglang sumakit ang kanyang tiyan. Dyusmeyo! Sari-sari na ang kanyang naiisip.
Iyon ang malaking pagkakamali ni Copper. Dahil hindi niya namalayan na yun pikit ng mata na iyon ay makakaidlip pala siya ng halos 20 minutes. Habang nakaupo sa toilet bowl.
“Blaggg…!!! Blaggg…!!! Kung hindi pa siya ginising ng malakas na hampas ng pinto. Wala siya balak imulat ang mata. Mabilis niya itinaas ang pang-ibabang damit at lumabas na. Mas lalo pa yata nadagdagan ang kanyang alalahanin ngayon. Dahil kapag pinagsama-sama ang oras simula ng umalis para mag-lunch. Mahigit isang oras pala siya. Ang tanging dasal niya sa mga sandaling iyon. Sana wala ang boss niya sa table nito. Para hindi na lang niya iyon makita. Dahil pakiramdam niya ay para na siyang hihimatayin sa kaba. Kapag tiningnan siya ni Zinc De Castro. Lalo sa ngayon na alam na nito ang lihim niyang pagtatangi.
“Where have you been, Miss Valencia? I believe thirty minutes is enough for lunch. What time is it now? Isang oras kang mahigit na wala dito sa loob ng opisina. Paano kung meron mga urgent matters? Saan kita hahagilapin? Mahal mo ba talaga yun trabaho mo?” dumating na ang multong kinakatakutan. Pagpasok pa lang niya sa opisina. Ito na ang sumalubong sa kanya. Obvious na mainit ang templada nito sa kanya. Tatanggapin niya kung anuman ang mga salitang ibabato sa kanya. Meron siya pagkakamali. Dapat lang na humingi siya ng dispensa.
“That’s totally negligence…Miss Valencia. Hindi mo iniisip ng maayos ang iyong trabaho. Let me remind you na binabayaran ka ng kompanya para magtrabaho. Hindi para magpalipas ng oras kung saan.” Daig pa niya ang sinabon. Dahil meron pa kasama na kula. At kung sasamain pa with matching chlorine pa.
“Si----rrrrr Zin----c pasensya na po. Hindi ko po kasi halos namalayan ang oras.” Feeling niya super b.o.b.o niya na basta ibinuka ang bibig may masabi lang na katwiran.
“Miss Valencia kung mangangatwiran ka lang din sa akin. Siguraduhin mo naman na kumbinsido. Seryoso! Oras lang ang dahilan mo.” Sarkastikong banat ni Zinc sa dalaga.
Nakayuko lang ng ulo si Copper. Halo-halo na ang kanyang nararamdaman. Takot. Kaba. Hiya. Masyado na niya pinababa ang tingin sa sarili.
“Sorry------po Sir Zinc” salitang namutawi sa kanyang bibig.
“Sorry is not an excuse Miss Valencia. Are you stupid? Are you using your common sense? Oras lang hindi mo pa namalayan.” Iyon na siguro ang pinakamasakit ang sabihan siya ng tanga. Ano ba siya? Walang kaalam-alam sa mundo. Hindi na niya napalampas pa ang pagkakataong na iyon. Kailangan din naman niya na idepensa ang sarili. Kahit sa pagkakataong ito. Nasaktan siya ng sobra. Namalayan na lamang niya na mainit na ang gilid ng kanyang mata.
“Sir Zinc pasensya ka na po. Pero hindi naman po yata tama na pagsabihan mo ang iyong staff ng salitang stupid at common sense. Masyado na po below the belt at nakakababa ng pagkatao.” Pigil ang emosyon na wika.
“Alam mo Miss Valencia. Kung inaayos mo ang iyong trabaho. Hindi ka makakatanggap ng masamang salita mula sa akin. Tsaka! Huwag mo ikakatwiran sa akin ang bagay na yan. Ako ang boss mo. Sasabihin ko kung ano ang gusto ko sabihin. Kung ano ang ipagawa ko sayo. Sumunod ka na lang. Kung gusto mo na magkasundo tayo.” Mukhang nilamon na si Zinc ng kanyang kapangyarihan. Wala na ito pakundangan sa mga salitang binibitawan sa sekretarya.
“Sir Zinc that’s my point po. Ikaw nga po ang boss ko. Kaya dapat sayo po nagmumula ang kabutihang-asal na tutularan ng staff mo. You’re a model po. Pero sa mga salitang natanggap ko mula sa inyo. Naglaho po ang mataas na pagkakilala ko sa inyo.” Malayang wika ni Copper. Hindi na rin niya alintana. Kung pagkatapos ng insidenteng ito ay wala na siyang trabaho. Ang mahalaga sa kanya ay masabi ang lahat ng saloobin. Kitang-kita niya kung paano umarko ang noo ni Zinc De Castro. Dahil sa sobrang galit sa kanya. Napansin din niya na namula ang mukha nito. Sigurado siya. Napahiya din ito sa sarili. Dahil sa mga sinabi niya.
“Sino ka ba Miss Valencia? Para pagsalitaan ako ng ganyan. Sa dinami-dami ng naging sekretarya ko. Ikaw lang. Ikaw lang ang namumukod tangi na nagkaroon ng lakas ng loob na sagutin ako. Nagkamali ka ng desisyon na lapastanganin ako. Dahil sisiguraduhin ko sayo na pagbabayaran mo sa akin ang ginawa mong paglapastangan sa position ko.” Galit na galit na wika ni Zinc. Sabay nahagip ng tingin nito ang isang folder. Inihagis nito sa kanyang harapan. Zinc was very impulsive.
“Sir Zin----c I’m sorry po. Tatanggapin ko po lahat ng masasamang salita at galit mo. Pero naniniwala po ako na karapatan kong ipahayag ng malaya ang katwiran na alam kong tama.” Naramdaman niya ang pagtulo ng butil na luha sa gilid ng mata. Pero hindi naman iyon tuluyang pumatak.
“Huwag mo ako subukan Miss Valencia. I can do whatever I want to do. Especially to you…!!! I can fire you anytime.” Punong-puno ng yabang at pagmamataas ang boses ni Zinc.
“Sir Zinc tatanggapin ko din po ng maluwag sa dibdib ko kung anuman ang maging desisyon mo po.” Mahina ang boses na sagot niya. Pero determinado ang bawat salita.
“Walang-wala ka na…! Alam ko naman na kailangan mo ang trabahong ito. Tapos nagmamayabang ka pa ngayon sa akin. Ang taas din ng ihi mo. Ang taas din ng pride mo. Ano ipapakain mo sa iyong pamilya? Yun pride mo. Huwag mo ako daanin sa mga paawa at luha effect mo. Dahil hindi mo ako makukuha sa mga style mo. Paano kapag inalisan kita ng trabaho ngayon? Saan ka pupulutin? Sa kangkungan. Sa talbusan ng kamote.” Nang-uuyam na sabi ni Zinc.
“Sir Zinc siguro naman po meron pa rin kompanya na tatangap at maaawa sa isang tanga at non-sense na taong katulad ko.” Sinadya niya na diinan ang salitang tanga at non-sense. Para i-emphasize na labis siyang nasaktan sa mga sinabi nito.
Natigagal naman ang hitsura ni Zinc sa nakitang hitsura ng sekretarya. Para bang naramdaman niya na sobrang aping-api ang awra ng mukha nito.
“Sir Zinc serbisyo-trabaho lang po ang binabayaran sa akin ng kompanya. Hindi ang buo ko pagkatao. Para tapak-tapakan ng ganito kababa.” Hindi na napigilan pa ni Copper ang luha na tuluyang bumalong.
“Zinc----wake up mukhang napasobra ka nga…! Sinumpong ka na naman ng pagka-impulsive mo.” Iyon na lang ang naibulong niya sa sarili. Aaminin niya parang meron bigla kumurot sa kanyang puso ng makita ang hitsura ni Copper na tumutulo ang luha. Kailangan niya labanan ang nararamdaman. Mabilis na tumayo mula sa upuan.
“I’ll go outside. If there is urgent just call me.” Mahinang sabi nito ng dumaan sa may tagiliran niya. Ramdam ni Copper ang lamig at bigat sa pagitan nila ng boss. Sinundan niya ng tingin ang papalayong si Zinc. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
Nakarating na si Zinc sa parking area. Nakasakay na rin siya sa BMW car niya. Pero hindi niya magawang i-start ang makina. Nakahawak lang siya sa manibela at nakasubsob ang mukha doon. Dahil sa bugso ng kanyang pakiramdam. Naisuntok pa niya ang kamao sa manibela. Bumaba siya ng sasakyan. Naglakad siya sa kahabaan ng pasilyo simula sa building. Walang direksyon kung saan pupunta. Ilang sandali pa namalayan na lang niya na nasa loob ng Starbucks.
“Hi Sir pogi…how are you po? Coffee Sir…yun favorite mo.” Hindi pa lang siya nakakalapit sa counter. Nakangiti na ang isang crew sa kanya. Nakilala na siya agad nito. VIP kasi siya kung ituring dito. Kabisado na din ng mga ito ang order niya na coffee. Kaya naman ganoon agad ang bungad sa kanya. Ngumiti naman ang binatang CEO.
“Yes…please! Thank you so much” magalang na sagot ng binata sa crew na hindi mawala-wala ang pagkakangiti sa kanya.
“Happy to serve you Sir pogi.” Masiglang kumilos ang crew para maghanda ng kanyang order. Nagagalak ang kanyang puso sa isipin na meron instrumento sa paligid na ipinapadala upang kahit paano ay maibsan ang bigat ng pakiramdam ng ibang tao.
“Here’s your coffee Sir pogi.” Nakangiti ang crew habang ipinapatong ang coffee sa kanyang table na inookupa.
“Thank you very much dear.”
“Enjoy your coffee Sir” sabi pa ng crew bago tumalikod.
“Ohh…dear wait” habol niya sa crew na hindi pa nakakalayo sa kanya.
“Yes! Sir…anything you need po”
“No! Nothing…! Just keep it with you. This is for you. Because you are the one who served me. I’ll give later center tips to your colleagues.”
“Naku…! Sir ang laki naman po nito. Pero sobrang salamat po talaga.” Halos mangiyak-ngiyak sa tuwa ang crew sa inabot na tip ng binatang CEO. Hindi nito akalain na makakatanggap siya ng tatlong piraso ng blue bills.
“You’re welcome dear. Enjoy and take care.” Tunay nga naman na nakakataba ng puso kapag nakakapagbigay sa kapwa. At iyon ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling ito.
“Thank youuuuu…Sir Zinccccc---- you’re so generous. God bless you more po.” nagsigawan pa sa tuwa ang mga crew. Matapos ma-received ang tumataginting na sampung libong piso. Iyon daw ang center tip na paghahatian ng lahat ng crew.
“Welcome dears…!” kumaway pa si Zinc bago tuluyang lumabas ng Starbucks shop. Bitbit ang isang paper bag.
“Grebe…Nemen…ibang klase talaga magbigay ng tips si Sir Zinc. Napakadali lang para sa kanya ang humugot ng ten thousand pesos.” May paghangang wika ng isang babaeng crew.
“Kaya nga! Ikaw ba naman ang billionaire. Nagbabahagi lang siya ng blessings niya. Kaya sigurado mas pagpapalain pa siya.” Komento naman ng isang crew na lalaki.
“Bakit naman yun ibang bilyonaryo sobrang kuripot sa pera? Takot na takot maglabas kahit singkong duling. Mas gusto pa bulukin ang pera at kayamanan kesa ipamahagi sa kapus-palad at nangangailangan.”
“Aba…syempre! Iba si Sir Zinc natin…mabait talaga si Sir pogi natin. Sadyang busilak ang kanyang puso. Bihira lang ang katulad niya. Kasi kung iba yan na bilyonaryo. Manghihinayang pa na bumunot sa bulsa. Kahit konting halaga.”
“Pero alam nyo ba…balitado yan si Sir Zinc----ang bagsik daw niya pagdating sa trabaho. Kwento lang naman ng Tita ko na nagtratrabaho sa kanyang kompanya. At ayon nga daw sa gossips. Kaya daw ganoon kasungit at kabagsik ang ugali ni Sir Zinc. Dahil meron daw siya isang traumatic experience. Kaya yun kapag daw sinusumpong siya at naaalala ang karanasang iyon. Ibinubunton ang galit sa pamamagitan ng pagsusuplado.” Mahabang paliwanag ng isang babae.
“Hindi kaya na in-despair at nabigo si Sir Zinc sa pag-ibig kaya siya ganoon.” Natatawang sabi naman ng isa pa.
“Posible. Hindi natin alam. Tama na nga yan. Ginagawa na natin pulutan si Sir Zinc. Binigyan na nga tayo ng tips na pagkalaki.” Nakangiti namang hirit ng isang lalaki.
“Hindi naman. Siguro na overwhelmed lang tayo na pag-usapan si Sir Zinc sa sobrang paghanga natin sa kanya. Dahil sa kanyang kabaitan.” Pagdepensa naman ng isa.
“True. Alam ninyo ang mga ganoong tao ang tunay na mabuti ang puso. Kasi nga yun pagiging masungit at mabagsik niya. Siguro paimbabaw lang pakitang tao ba. Para mapagtakpan ang sakit at pagkabigo na nararamdaman.” Pagsang-ayon naman ng isa pa.
Copper,
This is for you. I want to give this personally but I’m so awkward right now. Please forget what had happened earlier. I’m really sorry.
L,
Zinc
Sumaglit lang si Copper sa Accounting department. Para magbigay ng ilang dokumento. Pagbalik niya sa loob ng cubicle. Ito ang eksaktong mensahe na nabasa sa isang page ng notebook na nakadikit sa isang plastic. Mahigit sampung beses yata niya binasa ng paulit-ulit ang mensahe. Ganoon lang ba kadali humingi ng sorry? Yes! Madali humingi ng sorry. Pero yun mga salitang nabitiwan. Kailanman ay hindi naman na mababawi pa. Kaya nga dapat bago magsalita. Iisipin muna mabuti ang salitang bibitawan. Minsan ang hirap lang diktahan ng sarili. Dahil magkaiba ang sinasabi ng puso kesa sa kanyang isip. Naghihinanakit ang kanyang isip. Pero kinikilig naman ang kanyang puso. Naisip lang niya bigla. Siguro napakasarap magmahal ng isang Zinc De Castro.
Imagine katatapos nila magbangayan. Magpalitan ng maaanghang na salita. Kulang na lang patalsikin siya nito sa trabaho. Tapos biglang makakabasa siya ng mensahe na humihingi ito ng sorry. Isang bagay na labis na nakakapagpakilig sa kanyang puso ay ang letra “L” sa taas ng pangalan nito.
Ano ang ibig sabihin nito?
Is it stands for Love? Ibig ba sabihin nito posibleng maramdaman din ni Zinc ang nararamdaman niya.
“Hoyyyy…Copper madaming salita ang nagsisimula sa letter L. Huwag ka mag-ilusyon” piping bulong niya sa sarili. Pero aaminin niya natuwa siya sa isiping humingi ng sorry sa kanya ang CEO na si Zinc De Castro. Ibig sabihin marunong din pala siya magpakumbaba.