TAMPO + ABSENT = TAMPSENT

2364 Words
Pasado alas-syete na ng gabi. “Ate wala ka bang pasok?” naabutan ni Vina ang ate niya na nanonood ng t.v sa sala. Habang panay ang nguya nito ng paborito nilang Lays at Doritos. “Hindi ako pumasok. Medyo masama ang pakiramdam ko.” Pagdadahilan niya sa kapatid. Biglaan ang naging desisyon niya. Hindi rin niya alintana kung magalit man ang boss. Nagpaalam lang kasi siya dito through text message. At wala din siya natanggap na response mula sa boss. “Ate it’s a miracle. Nabigla lang ako. Alam ko kasi na hindi ka sanay lumiban sa trabaho. Nilalagnat ka ba ate? Gusto mo ipagluto kita ng soup o noodles.” Nag-aalala na sabi ni Vina. “Vina okey lang ako ha! No worries. Magbihis ka na. Kumain ka na. Para makapahinga ka din.”pagtataboy niya sa kapatid “Hmmmm…ate kung hindi ka nilalagnat. Huhulaan ko. Baka nila-love-nat ka lang.” nagbibiro na wika ni Vina. Sabay humagalpak ng tawa at pinagkikiliti ang ate sa tagiliran. “Vina grabe ka nohh…tigilan mo ako ha…”tumawa lang si Copper. Alam kasi niya na si Zinc De Castro ang tinutukoy ng kapatid. Pumakla ang kanyang ngiti ng maalala ang binatang amo. Hindi niya maiwasan na isipin ang nangyari sa personal lounge nito. Ang mainit na eksena na namagitan sa kanila ng boss. “Ate…please share. Kilala kita hmmm…alam ko meron nangyari sa opisina. Hahaha” nang-aasar na wika ni Vina. Hindi niya matiis na hindi magkwento kay Vina. Ganito sila ka-close sa isa’t-isa. “Sissy…ang totoo kasi. Masama ang aking loob. Nagtatampo ako kay Sir Zinc.” Bumalatay ang lungkot sa mukha ni Copper. “Hayy! Ang ate ko talaga. Halika nga dito.” Niyakap siya ni Vina ng buong higpit “Sige ate…okey lang yan. We respect your feelings. Hindi ko na rin tatanungin at uungkatin. Kung bakit ka nagtampo sa kanya. Basta chill and relax lang ha! Tandaan mo life is so happy. Lahat naman ng bagay. Meron kaukulang dahilan. Kung bakit ito nangyayari.” Napangiti siya sa sinabi ni Vina. Kahit kailan napakagaling talaga nito magpayo sa kanya. “Ikaw na talaga ang guidance counselor ko na kapatid. Tumatawang sagot ni Copper. Ginantihan niya ng kiliti ang kapatid. Pinaghahapulas niya ang buhok nito. Sinabayan na rin niya na kumain si Vina. At pagkatapos ay nagkuwentuhan ulit sila sa sala. Mahigit isang oras din ang itinagal ng kwentuhan nilang magkapatid. Papasok na lang sila sa kanya-kanyang kwarto. “Tao po…! Tao po…! Tao po…!” sunod-sunod iyon na narinig nila. Nagkatinginan sila magkapatid. Waring nag-uusap ang kanilang mga mata. “Ako na sissy…!” agaw ni Copper sa kapatid ng akmang pupunta sa gawi ng pinto. “Okey ate! Salamat.” Ngumiti pa sa kanya si Vina. Bago tuluyang pumasok sa kwarto nito. Tinungo ni Copper ang pinto. Hindi na siya nagpalit ng damit. Isang short na pambahay at maluwang na t-shirt lang ang suot niya. Naka-tsinelas ng havaianas na kulay mustard. Ilang hakbang na lamang ang layo niya mula sa gate ng mapahinto sa paglalakad. Bigla lang kasi siya kinabahan ng makita ang isang kotse na nakaparada sa harap ng gate nila. Familiar sa kanya ang kotse na iyon. Kung hindi siya nagkakamali. That was Zinc’s car. Nag-aalangan siya na ihakbang ang mga paa. “Copper…! Copper…! It’s me Zinc.” Narinig niyang wika mula sa likuran ng akmang tatalikod na siya. Natigilan siya pagkakita sa boss na nakahawak sa rehas ng gate nila. Huwag na lang kaya niya ito kausapin. Paalisin na lang niya. Ipagtabuyan na lang niya ng makaganti siya kahit papaano sa mga ginawa nito. Pero hindi ba’t kabastusan naman na maituturing. Kung gagawin niya ang mga naiisip. Kaya binawi niya ang aksyon na gagawin. Umikot siya pabalik at tinungo ang gate. Pero hindi muna niya iyon binuksan. “Sir Zinc napadalaw ka po yata. Gabi na po ahh.” Tipid niyang wika. Isang metro ang layo niya mula kay Zinc. Pero amoy niya na tila nakainom yata ang boss. “Copper please can we talk.” Namumungay ang mga mata ni Zinc. Marahil dahil sa na to na alak. Bakit parang nagsusumamo ang boses nito? “Sir Zinc pwede po ba bukas na lang tayo mag-usap sa opisina. Maaga po ako papasok.” Magalang at nakiusap niyang wika. “Copper please listen to me. I don’t want tomorrow. I want now. Please can we talk.” Pakiramdam niya ay malulusaw siya sa paraan ng pagtitig ni Zinc sa kanya. Parang hindi niya ito kaya tanggihan. Nanaig ang dikta ng kanyang puso. Marahan niyang binuksan ang gate. Nag-aalala siya na baka magising ang ina at kapatid. Ang ginawa ay tinungo saglit ang pinto. Ini-locked niya at pagkatapos ay ibinulsa ang susi. Bumalik na siya sa kinaroroonan ni Zinc. “Copper gusto ko sana pumasok sa loob ng bahay ninyo. Para makilala man lang si Mama at kapatid.” Nanlaki ang mata ni Copper sa naging pahayag ng boss. Di yata at tinawag nitong “Mama at kapatid” “Ahhh…ang ibig ko sabihin si Mama at kapatid mo.” Napapakamot sa ulo na bawi nito. Nahalata yata nito ang pagkagulat niya. “Pero I’m sure tulog na sila. Kaya sa ibang araw na lang. Kapag hindi alanganing oras ang punta ko. Pasensya ka na ha! Napasugod ako ng wala sa oras. Hindi kasi ako mapakali. Hangga’t hindi ka nakakausap.” “Sir Zinc pwede naman po tayo mag-usap sa opisina. Nag-abala pa po ikaw na pumunta dito.” Pigil niya ang emosyon. Kahit naman naghihinanakit siya sa boss. Kaya pa din niya kontrolin ang damdamin. “Copper hindi ko alam kung galit ka sa akin. Pero alam ko meron ka talaga galit, tampo at hinanakit sa akin. Dahil sa mga nangyari. Tulad ng sabi ko sayo. Hindi rin ako matatahimik. Hangga’t hindi kita nakakausap. Ewan ko ba pero nasasaktan ako sa tuwing maiisip ko na totoo ang galit mo sa akin.” Isang malalim na buntong-hininga lang ang isinagot ni Copper. Lumabas na siya ng tuluyan sa gate. Kinabig lang niya ang kabilang rehas. Umupo siya sa gilid ng cement flower box. “Sir Zinc I will be lied. Kung sasabihin ko po na wala ako galit at hinanakit sayo. Kasi ang totoo Sir Zinc…ang dami na. Hindi ko na nga po mabilang. Kung ilang beses na kita minura sa isip ko.” Tahasang wika niya na sinalubong ang mapanuring tingin ni Zinc. “Sa isip mo lang ako minura, Copper. Pero hindi sa puso mo.” Gusto sana isagot ni Zinc. Pero minabuti niya na kimkimin ang nasasaloob. “Sir Zinc lumalalim na po ang gabi. Magmamaneho pa po ikaw pauwi. Nakainom ka pa po.” Sabi niya na tila nagpapa-alala ang boses. “It’s okey! Wala ka dapat ipag-alala. Meron ako dalang foodies nasa loob ng kotse. Pwede mo ba ako samahan na kumain sa loob ng kotse. Para kasing ang sarap kumain kapag kasama ang magandang dilag na sekretarya ko. Pwede din ba kita…after our food.” Hindi agad nakuha ni Copper ang ibig sabihin ng huling ini-cut words ng boss. Pero ng ngumiti at kindatan siya nito na tila namumungay ang mga mata. Doon niya napagtanto ang sinabi nito. Pakiramdam niya namula at nag-init ang kanyang pisngi. “No…! I’m just kidding. I just want to see your smile.” Sabi ni Zinc na pinagbuksan pa siya para makapasok sa kotse. Sa totoo lang nag-aalangan siya na sumakay. Pero dahil na rin sa bugso ng kanyang pakiramdam na samahan ito at kakain lang naman sila. Pinatay niya ang alinlangan at kaba. Nakaupo na siya ng maayos. Kinuha ni Zinc ang isang plaatic bag mula sa back seat. Tulad ng dati sa front seat siya pinaupo ni Zinc. “Magandang dilag, puso ko’y iyong nabihag…” narinig niyang kumanta si Zinc. Sabay tinapunan siya nito ng tingin na makahulugan. Gusto sana niya magtanong kung bakit ini-locked pa nito ang kotse. Pero naisip din niya baka nag-iingat lang ito. Syempre! nga naman nasa tabing kalsada sila. Baka mamaya bigla na lang meron lumapit sa kanila. Kampante siya na inabot ang Texas chicken burger. Hindi na rin siya nahiya. Kumagat siya ng bongga. Pagkatapos ay sumipsip sa ice tea plastic glass. “Sir Zinc bakit po?” iyon ang tanong na namutawi sa labi ni Copper. Bigla na lang kasi pinaandar ni Zinc ang kotse. Nahulog pa sa lapag ang kinakain niya na burger at natapon ang ice tea sa lapag. Napakapit siya ng mahigpit sa upuan. Pinaharurot ba naman ni Zinc ang kotse nito. Nang lingunin niya ang speed nito. Napaantanda na lang siya na sana huwag naman sila maaksidente. “Sir Zinc sa…an po ba tayo pupunta? Akala ko po kakain lang tayo sa loob ng kotse mo. Wala naman po sa usapan na basta na lang ganito. Nagtiwala po ako sa inyo. Pakibalik po ako sa bahay namin. Please Sir Zinc.” Madiin niyang wika na kalmado ang boses. Itinuon niya ang tingin sa daan. “No…! You’ll go with me Copper. We will talk.” Parang balewala sa mukha ni Zinc ang ipinapakita niya na kasungitan. Ngumiti pa sa kanya ito at kumindat. “Sir Zinc please stop the car po. I will go down.” Medyo tinaasan na niya ang boses. “No…! You will not go down until I give you a command. I said you’ll go with me, Copper.” Baritonong wika nito. Wala din siya magagawa. Kahit magsumigaw siya kay Zinc ng paulit-ulit. Hindi rin naman nito papakinggan ang kanyang sasabihin. So! She had no choice. Kung papatulan niya ito. Mapapagod lang siya. Mamamalat pa ang boses. Better to embrace silence. Makiramdam sa susunod na gagawin ng boss niya. “Bakit ba takot na takot ka sa akin? Remember, I’m your boss. I’m not a monster. Hindi ako kumakain ng tao. Pero kumakain ako ng tahong na meron kamatis. That’s one of my favorite dishes. Alam mo ba yun lutuin? Pwede mo ba ako ipagluto minsan?” nakangiti sa kanya si Zinc na tila nakakaloko. “Sir Zinc sorry naman po. Pero parang ang bastos naman po yata ng sinabi mo. Hindi po magandang pakinggan.” Komento niya na pinaasim ang mukha. Para iparating na naiinis siya sa sinabi nito. Tumawa pa ng pagak si Zinc. Bago iyon nagsalita. “Hahahahahaha…! Anong bastos sa sinabi ko? Baka Ikaw ang tinatamaan sa sinasabi mo. Alam mo kung bakit? Kasi sobrang berde ng utak mo. Hahahahaha…! Akalain mo maisip mo talaga ang bagay na iyon. Hahahahaha…!” sa halakhak na ibinigay ni Zinc mistula siya pa ang napahiya sa sinabi. Napayuko na lang siya. Para itago ang pagkailang at pagkahiya. Baka nga masyado siya naging eksaherada. Naging berde ang takbo ng kanyang utak. “Sir Zinc hindi po ako bastos. Kayo po ba sigurado sa sinabi mo? Baka naman po naghuhugas kamay lang kayo. Pero ang totoo po. Madumi din ang iniisip mo Sir Zinc. Ayaw mo lang po aminin.” Panghuhuli at depensa niya sa sarili. Hindi niya tinapunan ng tingin ang boss. Karapatan din naman siguro niya na tapunan ng maaanghang na salita ang lalaking ito. “Copper…iisipin mo muna mabuti ang bawat salitang bibitawan mo. Dahil minsan sa pamamagitan ng salita nahuhuli ang isang tao. Ano ba masama sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman na kumakain ako ng tahong. Kung sinabi ko na kakainin ko ang iyong pems. I will admit bastos ako. Then slap me. But I didn’t right?” paliwanag ni Zinc na hindi rin lumingon kay Copper. Sa halip nakatutok lang iyon sa pagda-drive. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising lang siya ng meron yumugyog sa kanyang balikat. “Sir Zinc nasaan po tayo?” alimpungatan na tanong. Habang hinahapulas ang mukha sa pamamagitan ng sariling palad. Hindi siya sinagot ni Zinc. Basta nakatingin lang ito. Habang pinagmamasdan siya sa kanyang kilos. Inabot pa nito ang kanyang kamay ng bumaba na siya mula sa kotse. Hinintay lang yata ni Zinc na tuluyang makababa si Copper mula sa kotse. At walang sabi-sabing itong binuhat. “Sir Zi-----nccc kaya ko po maglakad. Please pakibaba po ako.” Natataranta niyang wika. Sa tingin niya ay tila walang kahirap-hirap si Zinc sa pagbuhat sa kanya. Para lang siya isang sakong bulak na binuhat nito. “No…let me check your weight my dear secretary. Don’t worry I will not get tired to carry you until my last breathe. I will not get tired to carry you everyday. Nakangiting sambit nito na napakalawak ng ngiti. She will admit that it brings billion kiligs for her. Hindi siya ibinaba ni Zinc hangga’t hindi sila nakakapasok sa loob ng condo unit. Meron na siya kutob kanina na dito siya dadalhin ni Zinc. Ilang babae na din kaya ang naiakyat ni Zinc De Castro sa condo unit na ito? Ilang associates na kaya ang iniakyat ni Zinc De Castro sa condo unit na ito? Ilang associates na kaya ang nagpa-associate kay Zinc sa condo unit ma ito? Ilang associate na kaya ang ina-ssociate sa condo unit na ito. “Copper please don’t get mad at me. I’ll brought you here in my unit. Dahil gusto ko makabawi sayo in a little way na alam ko. Kakain lang tayo together. But in one condition. Gusto ko ikaw ang magluluto. Let me see kung papasa ang luto mo sa standard ko.” Isang makahulugang ngiti ang ipunukol sa kanya ni Zinc. Seriously…! Isinama lang siya nito. Para paglutuin sa dis-oras ng gabi. Tiningnan lang niya ito ng mapakla. Ano naman ang connection ng pagluluto sa pagiging sekretarya niya? “Just go the kitchen. Bahala ka gumalaw doon. Check the fridge. It’s up to you kung ano ang gusto mo lutuin. Just make sure na magugustuhan ko ang iluluto mo. Otherwise…pwede ba ako magbiro. Kahit ngayon lang. Ikaw ang kakainin ko…kaya sarapan mo ang iyong luto. Hahaha…!” himig pagbibiro ng binata na itinuro sa kanya ang gawi ng kitchen. First time niya nakarating sa condo unit ng boss. Pero sa pagtataka niya sa kanyang sarili. Para bang F.A.H agad siya. Dapat nga naiinis siya. Pero bakit parang nag-eenjoy pa siya na ipagluto ito ng ginisang tahong with bulk tomato and ginger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD