SATURDATE

2566 Words
Ilang araw na si Zinc na hindi halos sinusumpong ng kasupladuhan. Ibig sabihin ilang araw na din masaya ang kanyang sekretarya na si Copper. Medyo panatag ang kanyang sarili. Kapag alam niya na naglalagi sa personal lounge ang kanyang boss. Simula pa noong Lunes. Ganito na ang boss. Hindi na siya pinagsusungitan. Hindi na siya binubulyawan. Binabati na rin siya nito. Kapag binati niya ito. In fairness, Hindi lang basta bati. Meron pa kasamang ngiti. Sobrang naninibago siya sa ugali ng boss. Sinaniban na ba ito ng magandang pag-uugali? Pinipilit nga niya i-flash back sa kanyang isip. Kung ano ang mga naganap sa buhay ng boss. “Copper baka naman dumating jowa galing ibang bansa.” “Baka naman naka-score ng ilang araw.” “Pwede din inlove ang boss mo Copper.” Napahagikhik si Copper sa mga naiisip. “Pre…mukhang nabihag mo ang alindog ng babae sa clubhouse. Panau ang tanong sayo. Kung kailan ka daw ulit makikita.”tawa-tawang si Migo habang magkausap sila sa telepono. Tinawagan siya ng kaibigan para lang talaga ibida ang naganap sa clubhouse na kanilang narating noong isang linggo. “Pre…Migo sira-ulo ka. Huwag na huwag mo ibibigay ang number ko ha. Hindi ko pa maharap na mambabae ngayon. Masyadong busy sa opisina.” Nakatawang sagot ni Zinc kay Migo. “Owwwssss…! Busy ka ba talaga sa office work o busy ka kay Miss beautiful secretary.” Hindi maitago ang pang-aalaska sa tinig ni Migo. Ang sarap kasi asarin ni Zinc. Hindi naman siya bagito na alam ang karakas ng kaibigan. Pagdating sa mga sekretarya nito. Pero meron lang siya napansin na kakaiba kay Zinc na never nito ginawa sa mga previous secretaries. Wala siya matandaan sa mga previous secretaries nito, na idinala sa condo unit nito, at pinagluto ng ginisang tahong. Ayon na rin sa kwento nito ng minsang lumabas sila. At ngayon nga ay hinihintay niya na idipensa nito ang sarili. Batay sa kanyang sinabi. Pero isang halakhak lamang ang isinagot ni Zinc sa kanya. “Pre…iba ka talaga…! Mukhang meron something talaga…Aba…! Pre…! Kapag totohanan na yan. Ako ang unang-una na matutuwa. Let’s celebrate. Ibig sabihin nagbago ka na talaga.” Minabuti ni Zinc na itikom ang bibig. Gusto kasi niya na pagnilayan ang mga bagay-bagay na nangyayari. Ayaw niya magpadalos-dalos ng desisyon. Lalo’t higit ayaw niya na makasakit ng damdamin ng isang babae. Kahit naman ganito siya kababaero. Meron pa din naman siya konting delicadeza sa sarili. Siya man ay nalilito sa mga obserbasyon sa sarili. Yun dating galit na galit siya sa bonsai plant. Biglang nagbago ang ihip ng hangin. At biglang mahal na niya ito. Sa katunayan inilipat na iyon sa mismong desk niya. Diniligan pa nga niya iyon ng mineral water kanina pagdating sa opisina. “Copper if you won’t mind. Could you please come here in the personal lounge? I want your coffee now. I mean namimiss ko yun templa mo.” Iyon lang naman ang mensahe sa kanya ng boss sa w******p. Hindi niya maiwasang hindi balikan ang tagpong naganap sa personal lounge nito. Kapag pumasok siya doon. Para na rin niya hinayaan ang sarili na masadlak sa tuksong muli. Ngunit batid niya na kapag hindi rin siya sumunod sa utos nito. Posible din mawalan siya ng trabaho. “Copper…ipagtetempla mo lang ng kape. Ano ba masama doon? Kasama iyon sa trabaho mo.” Payo niya sa sarili. She was convinced her self. Kaya naman tumayo na siya. Naabutan niya na nakaupo lang si Zinc. Nakamasid iyon sa overlooking view mula sa glass window. “Hi…Sir Zinc let me prepare your coffee po.” Pinasigla niya ang boses pero natural voice naman. Nilagyan na niya ng tubig ang electric kettle. Habang pinapakulo iyon. Kinuha na niya ang white cup. She put pure black coffee. Sakto naman kumulo na rin ang tubig. She poured hot water into the cup. Inilagay lang niya iyon sa serving plate. Napatingin sa kanya si Zinc ng ipinatong niya ang umuusok na kape sa center table. “Thank you so much” pagkuwa’y sabi nito sa kanya. “Welcome Sir Zinc”nakangiting sagot niya. Akmang tatalikod na siya ng tawagin siya ni Zinc. “Copper” “Yes! Sir…!” Nang lumingon siya. Nakatingin lang sa kanya si Zinc. Nakangiti. Pero hindi naman nagsasalita. Pinag-aaralan niya ang kilos at galaw ni Zinc. Naghihintay din siya kung meron ito gusto sabihin sa kanya. “Sir Zinc…?” sabi niya ulit na tila may bikig sa lalamunan. Ilang segundo din siya nabitin sa paghihintay. Nang sa tingin niya ay hindi naman magsasalita ang boss. Minabuti na lang niya na tuluyang tumalikod. Kesa naman ma-stock pa siya sa mga titig nito. Nakabalik siya ng matiwasay sa kanyang cubicle. Ngunit mahigit dalawampung minuto pa lamang ang nakakalipas. “Sir Zinc anything you need po?” alanganin niyang tanong sa boss na nakatayo lang sa harap niya. “Ahhh…wala naman” alanganin nitong sagot na akmang tatalikod na. Pero ng makarating na iyon sa may pinto. Biglang umikot pabalik kay Copper. Nagtaka na si Copper sa ikinikilos ng boss. Napatungo siya at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Nang mag-angat siya ng tingin. Huling-huli niya ng kindatan siya ni Zinc. Sabay kamot nito sa ulo at napayuko na nangingiti. Umasta na tila nahihiya na parang isang binatilyo pa. “Copper are you free in Saturday?” naglakas loob na si Zinc na magtanong. Hindi nakahuma agad si Copper sa tanong ni Zinc. Bakit siya tinatanong kung free sa Saturday? Ano ang ibig sabihin nito? Ano ang motibo nito? Kasabay ng sunod-sunod na tanong sa kanyang isip. Nanlalamig ang kanyang mga palad na hindi niya mawari. Nag-iisip siya ng tamang salita na pwede niya isagot. “Sir Zinc bakit po?” tanong na namutawi sa kanyang labi. “I just want to invite you to go out. I am planning to go in the…somewhere”tila sinadya na putulin ang linya. Napapangiti nitong sagot sa kanya. “Sir Zinc if you won’t mind. Is this related po ba sa company activities or work matters po?” alanganin niyang tanong. Siguro naman karapatan niya alamin ang buong detalye hinggil sa pag-aaya ng boss na lumabas. “Miss Valencia my question needs an answer just only yes or no. Are you free or not? That’s it. Direct to the point. No pasakalye.” Iritadong sabi ni Zinc. Aba…pambihira din talaga ang boss niya na si Zinc De Castro. Ito na ang humihingi ng favor. Ito pa ang may gana talaga na magsuplado sa kanya. Kung hindi lang niya talaga ito boss. Baka kanina pa niya ito inumbag sa sikmura. “Sir Zinc excuse me po ha. Sa pagkakaalam ko po. Ikaw ang nag-aaya sa akin na lumabas. Siguro naman po meron ako karapatan na magtanong. Kung meron po kaugnayan sa trabaho natin. Wala naman po siguro masama diba…! I’m sorry po. Pero sa tono po ng pananalita mo. Parang ako pa yun masama.” Himig hinampo niya. Nakuha naman kaagad ng binata ang punto niya. Napahawak iyon sa sintido. Tila nagsisi sa ginawang pagsusuplado. “I’m really sorry my dear, Copper. Pasensya ka na. Nabigla lang ako. Okey just to give you a peace of mind. It’s not related to our work. Sabihin na natin na it’s a personal things. I will repeat my question. Are you free on Saturday?” malumanay nitong wika. Napisil ni Copper ang kanyang pisngi. Dahil hindi niya inaasahan ang naging sagot ni Zinc. Gusto niyang isipin na baka panaginip lang ang lahat ng ito. Isang CEO inaaya ang kanyang secretary for a Saturdate . Hindi na naman niya maiwasan magtanong sa isip. Kung pang-ilan na ba siya na naging secretary nito na inaya mag-date? Subalit ang tanong na iyon ay tanging sa isip na lamang. Ilang minuto din siya natigilan. Para pag-isipan ang isasagot. Tatanggi ba siya at magdadahilan na lamang? Iyon ang sabi ng kanyang isip. O’ sadyang susunod sa utos ng kanyang puso. Pagbibigyan ba niya ang ibinubulong ng kanyang puso? “Yes…Sir Zinc I’m free on Saturday.” Sa wakas ay nasambit na niya ang pinakahihintay na sagot ng boss. “Alright…! See you on Saturday. I’ll pick you up around 7:00 in the morning.” Iyon lang ang narinig niya na salita. Dahil nawala na rin sa kanyang paningin si Zinc. Today is Thursday. So! Ibig sabihin meron siya two days preparation starting today. Kung ano ba ang mga dadalhin niya. Kung ano ba ang outfit na isusuot niya. Hindi naman siya gaano excited ng lagay na ito. Pero ngayon pa lang ay hindi na mapakali. Sari-sari na ang kanyang naiisip. Gusto niya maging maganda sa paningin ni Zinc. Para naman maipagmalaki siya nito kahit papaano. Mabilis ang araw na lumipas. Sumapit ang araw na pinakahihintay niya. Ito ang araw ng Sabado. Katakut-takot pa na pang-aalaska ang inabot niya sa kapatid. Habang hinihintay ang boss. “Wow…talaga naman ang ate ko. Ang haba ng hair mo ate…hanggang sa kanto…ayieehh…!” kinikilig na sabi ni Vina na iginiling-giling pa bewang. “psssttt….huwag ka maingay, baka mamaya marinig ka pa ni Inay.” Natatawang sagot na halatang kinikilig din. “Ate…hanep ang OOTD natin ahh…worth it ang jukay natin ano…” ang tinutukoy ni Vina ay ang mga suot na binili lamang nila sa ukay-ukay. From her top tanks gray turtle neck sweat shirt, denim short at red converse shoes. Para lang kasi siya sixteen years old sa kanyang hitsura. Sinadya niya na above the knee denim short ang isuot. Feeling kasi niya mas kumportable siya kung naka-insert. At ganoon nga ang kanyang ginawa. Napakaganda sa kanya tingnan ng suot na short. Naka-emphasized kasi ang kanyang big buttocks, wide balakang at maliit na bewang. Dagdag pa ang makinis at long-legged niya na binti. Limang-minuto bago mag-ikapito ng umaga. Dumating na si Zinc. “Good morning po.” Nakangiti na lumapit sa ina at kapatid ni Copper. “Hihiramin ko po muna si Copper ha…! Joke lang po…Hindi naman po bagay ang anak mo po. Para lang po siya precious jewel.” Nakangiting wika ni Zinc. Si Vina naman ay hindi napigilan na magkomento sa kilig na naramdaman ng sabihan ang kanyang ate na “precious jewel”. “Sir Zinc bagay ka ba?” dumali pa ng pick up line si Vina “Bakit?” sakay na sakay naman sa pick up line na sagot ni Zinc na halatang giliw na giliw sa kapatid ni Copper. “Bagay na bagay po kasi kayo ng ate ko.” Humahagalpak na sagot ni Vina. Panay naman ang irap ni Copper sa kapatid. Pinapahinto ang kapatid sa pagbibiro kay Zinc. Pero tila walang narinig ang kapatid niya. Napayuko na lang siya sa hiya na nararamdaman. “Sige po tuloy na muna kami.” Paalam na ni Zinc. “Ingat kayo mga anak…” sagot naman ng ina ni Copper na naka-abrisyete pa sa braso ni Vina na panay ang kaway. “Ingat Ate at Kuya” pahabol pa ni Vina na hindi tumigil sa pagkaway. Hangga’t hindi nawawala sa paningin ang sasakyan. “Are you alright, Copper? You want to pee? Gusto mo kumain. Dami junk foods sa back seat. Kuha ka lang. Nahihilo ka ba? Masakit ba sintido mo?” tanong sa kanya ni Zinc na meron pag-aalala ng huminto sila sa gasoline station. Para magkarga ng gasolina. “No…Sir Zinc okey lang po ako.” Nakangiting sagot niya na kunwari ay meron sinilip sa sling bag. “Full tank boss” narinig niyang sabi ni Zinc sa gasoline boy na lumapit. Mukhang malayo ang kanilang lalakbayin. Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi naman siya nakakaramdam ng kaba. Sa katunayan. Very comfortable at safe ang kanyang pakiramdam kay Zinc. Iyon ang binubulong ng kanyang puso. “Boss three thousand five hundred pesos lang po.” Sabi ng gasoline boy. “Alright…!”nakangiting sagot ni Zinc. “Boss sobra po ng three thousand pesos ang ibinigay ninyo.” Nagtataka na wika ng gasoline boy. Hindi naman nagtaka ang mukha ni Zinc. Pagkatapos marinig ang sinabi ng gasoline boy. “It’s okey boss…keep it with you. Tip ko para sayo yan.” Hindi nakaligtas sa pandinig ni Copper ang eksenang iyon. “Sir…boss…seryoso po kayo. Napakalaki po ng tip na ito. Diyos ko po Sir…Hindi mo po alam kung gaano mo po ako natulungan. Isa ka pong biyayang tunay.”iyon ang eksenang hindi matatawaran ng kahit na anong salapi sa mundo. Napaiyak ang gasoline boy. Marahil sa sobrang tuwa nito. Hindi alam ni Copper. Pero dalang-dala siya sa eksena ng dalawa. Tuluyang tumulo ang kanyang luha ng tapikin ni Zinc ang balikat ng gasoline boy. “cheer up man…God bless you with your family.” Pinaandar na ni Zinc ang sasakyan. “God bless you more Sir…boss” narinig pa niyang pahabol. “What happened Copper?” nilingon siya ni Zinc. Tila nahiya naman siya na makita nito ang kanyang luha. “Wala po Sir…napuwing lang po ako” pagdadahilan niya sabay hapulas sa mata. “Ganun ba…ohh…wait” nagulat na lang siya ng bigla nito hipan ang mata niya. Ang init ng buga ng labi nito. “Sir Zinc okey lang po ako” aniya na biglang umiwas na napangiti sa boss. “Are you sure?” paninigurado na tanong ni Zinc na nag-aalala ang boses. “Yes! Sir Zinc I’m fine po.”nahihiya pero nangingiti na sagot niya. Sa puntong iyon ay parang mas lalo napahanga kay Zinc. Naalala niya ang sinabi ni Miss Belle na mabait daw ang boss niya. Ito na marahil iyon. Ngayon nga niya napatunayan na napaka-generous ni Zinc. Hindi ito maisip na magbigay ng tulong sa ibang tao. Parang mas lalo pa siya napamahal sa boss. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising lang siya ng kusang maramdaman na nakahinto na ang kanilang sasakyan sa loob ng maberdeng kapaligiran. “Sir Zinc nasaan na po tayo?” alimpungatan na tanong niya na nagpalinga-linga sa paligid. “We’re here at Z-mango plantation resort in Diguisit. Please feel at home. I hope that you will enjoy your stay here.” Masayang wika ni Zinc na itinuro pa sa kanya ang isang buyong ng carabao mango. Hitik na hitik ang puno ng mangga. Mababa lang ang mga puno nito. Pero namumukadkad ang mga bunga nito. Sa gitna ng malilim na plantasyon ng mangga. Makikita ang isang malaki at kongkretong kubo na yari sa sawali at semento. Sa gilid nito ay meron din fish pond. Nakakawili pagmasdan ang mga lumalangoy na isdang tilapia doon. Sa likod naman ng kubo ay meron malawak na gulayan. Pwede ka mamitas ng sariwang gulay. Tulad ng sweet potato leaves, sitaw, kalabasa, talong, okra, sili, papaya, ampalaya, sayote, lemon grass, labanos at marami pang iba. “Iha…Copper eto ang gamitin n’yo ni Zinc.” Iniabot sa kanya ni Aling Nena ang isang maliit na timba. “Salamat po Aling Nena. Nakakatuwa naman po dito. Tunay na nakakarelax Ang paligid po.” Masayang wika ni Copper. “Oo…Iha…Copper kami ay wiling-wili dito mamuhay. Bukod sa sariwang hangin at sariwang gulay. Pagkabait pa sa amin ng batang si Zinc. Wala ako masabi na negatibo sa batang yan.” Nakatanaw si Aling Nena sa binata na abala sa paghaharvest ng tilapia sa fish pond. Napangiti si Copper ng ubod ng tamis kay Aling Nena. Masaya siya lumapit kay Zinc. Dala niya ang timbang maliit na paglalagyan ng live tilapia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD