Chapter 29 Mapagpanggap Pagdating nila Ivan sa Hacienda, hindi siya makapaniwala na dumating din ang pinsan ng kanyang yumaong ama. Si Gloria o Glory kung tawagin ng karamihan. Nasa edad singkwenta na ang Donya. Tipikal na itsura ng mga Montero na mukhang Espanyol. Prominente, edukado, at mukhang kagalang-galang. Pumanaw na si Don Lando noong nakaraang taon na dahil na rin sa samu't saring komplikasyon gawa ng katandaan. Kaya isang taon din ang lumipas at naka hanap ng Amerikanong balo na kasing tanda rin ni Donya Bettina na makaka tuwang niya sa buhay at nagpakasal sila. Kaya ngayon ay doon na ito nanirahan at wala na’ng pakialam sa Hacienda. Naiwan kay Analiza ang buong karapatan sa pamamahala ng Hacienda at lahat ng ari-arian ng mga Montero. At dahil magaling, matalino, at masipa

