(Brian's POV) Pagdating namin sa bar ni Clinton, gaya ng inaasahan ko ay pinabuksan nga niya iyon. Mukhang habang on the way pa lang kami doon ay tinawagan na niya ang Manager para buksan iyon para lang sa amin. Siguradong alam na rin ni Clinton na naririto kami ni Luke sa bar niya, at baka nga alam na rin ng buong barkada. Mukhang mahihirapan pa yata ako sa pagtatanggol sa sarili ko. Pero maipagtatanggol ko ba ang sarili ko? May karapatan ba ako? Ako itong may nagawang mali kaya ako ang may kasalanan. At deserve ko lahat ng masasakit na salitang ibabato ni Luke sa akin. Wala sa amin ni Luke ang nagsalita hanggang sa makapasok na kami sa isang VIP room ng bar ni Clinton at magkatapat kaming naupo sa isang pabilog na mesa. Inasikaso naman kaagad kami ng isang tauhan doon. Nagsalin si

