bc

HIDING IN HIS ARMS FOR 1 MONTH (SSPG)

book_age18+
1.4K
FOLLOW
22.0K
READ
billionaire
HE
age gap
second chance
pregnant
arrogant
heir/heiress
drama
bxg
serious
city
office/work place
small town
like
intro-logo
Blurb

WARNING!! SUPER SPG! Maraming s3x scenes so pls read at your own risk! Not for readers below 18 years old!

○○○○○

Paano nga ba magmahal ulit matapos kang masaktan at lokohin ng taong una mong minahal?Hahayaan mo bang mawala sa iyo ang taong mahal mo dahil lang takot kang mangyari ulit ang nangyari sa iyo noon matapos kang lokohin ng taong unang minahal mo?Mas gusto mo bang manatiling mag-isa, para lang masiguradong hindi na wawasakin ulit ng iba ang puso mo?

♡♡♡♡♡

Gustong ipakasal si Mia ng mga magulang niya sa bestfriend niyang si Brendon. Pero dahil ayaw niya ay tumakas siya at nagtago.Pero nahanap pa rin siya ni Brendon kaya muli siyang tumakas hanggang sa napadpad siya sa isang isla kung saan ay may mansiyon sa gitna niyon at may nakatirang isang lalaki roon.Nakiusap siya sa lalaki na makikituloy siya roon kahit isang gabi. Kalaunan ay pumayag ang lalaki at di inaasahang may nangyari sa kanila nang gabing iyon! Nagkasundo sila ng lalaking si Brian na mananatili siya roon ng isang buwan. At sa isang buwan na iyon ay tila bulkang sumabog ang pagnanasa nila sa isa't-isa. At nang naghiwalay na sila, paano kaya mababago ang kanya-kanyang sitwasyon at kanya-kanya nilang problema sa pagkakaroon ng supling sa tiyan niya?Magamot kaya ni Mia ang sugat sa puso ng binata? Sabihin kaya nito ang sekreto nito sa kanya? At paano kaya mababago ang pananaw ni Mia kung sabihin ni Brian sa kanya na, magpapakaama ito sa anak nila pero hindi sila magsasama bilang mag-asawa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Mia's Escape
(Mia's POV) "Mia!" Isang malakas na pagtawag sa pangalan ko ang nagpalingon sa akin. Kakababa ko lang sa motorboat na nirentahan ko at nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses na iyon ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Brendon, ang lalaking itinakda sa akin ng mga magulang ko para pakasalan ko! At palapit na siya sa akin ngayon! Oh my God! Paano niya ako dito nasundan?! Ngumisi pa siya sa akin at kumaway, at nang magsimula nang bumilis ang paglalakad niya para salubungin ako ay kaagad akong muling sumakay sa motorboat, pinaandar ulit ito at pinaikot! He's here to get me ang bring me home nang sa gayon ay matuloy na ang pagpaplano tungkol sa kasal namin! But I won't let that happen! Tumakas na nga ako at pumunta dito sa islang ito para magtago pero nasundan niya pa rin ako! Arghh! "Mia! Mia! Come back here!" Sigaw ni Brendon. Pero hindi ko na siya nilingon pa at lalo ko pang binilisan ang motor boat! Kailangan kong makaalis sa beach na iyon at matakasan si Brendon! Kasi, kung maisasama niya ako ngayon pauwi ay siguradong maitatakda na rin ang kasal namin sa lalong madaling panahon. At kapag nangyari iyon ay mahirap na iyong mapigilan. I don't know if Brendon really loves me or if he only wants to marry me for the sake of their company. Business partners kasi ang parents namin at napagkasunduan nila na ipakasal kami ni Brendon. At ngayong 20 years old na ako ay saka lang iyon sinabi sa akin ng Daddy ko! While Brendon knew about it a long time ago. He was my friend. He was good to me. Pero nagbago bigla ang tingin ko sa kanya nang malaman kong alam niya ang tungkol sa arranged marriage namin at sinadya niya iyong itago sa akin. I now wonder kung totoo ba talaga ang kabaitan at care na ipinakita niya sa akin noon, or it was all just a part of their plan. Nawalan na ako ng tiwala sa kanya at nagtampo rin ako sa aking pamilya. They are dictating my life! Sino ang matutuwa roon? I can make my own decisions and I'm capable to live on my own kaya bakit ako susunod sa gusto nila para lang sa kapakanan ng letcheng negosyo nila? At wala pa sa isip ko ang magkaroon ng sariling pamilya! I am still enjoying my life, exploring and travelling to different places being single. Binilisan ko pa ang pagpapaandar ng motorboat na sinasakyan ko dahil sigurado akong susundan ako ni Brendon. I won't let him catch me. I won't even let him get near me again! He broke my trust by betraying me, and I would never trust him again. Sayang. Best friend ko pa naman sana siya. Pero noon iyon at hindi na ngayon. Ilang minuto pa ang nakalipas na patuloy ko lang pinatakbo ang motorboat sa walang kasiguraduhang direksiyon dahil sa kagustuhang makatakas kay Brendon. I don't even have my phone or anything with me except that motorboat I just rented. Pero wala na akong choice kundi lumayo sa islang iyon dahil naroroon na si Brendon. At siguradong hindi siya aalis hangga't hindi ako bumabalik sa islang iyon and he will surely keep lurking the nearest islands just to find me again. Posible ring na-confiscate na niya ang mga personal kong gamit na naiwan sa beach na pinanggalingan ko. Damn him. After a while ay napansin ko na lang na papaubos na pala ang gas ng motorboat kaya napamura na lang ako sa isip ko. Wala na akong choice kundi itigil ang motorboat at bumaba ako sa isla kung saan ako dinala niyon. Kaagad ko ring pinaandar ulit ang motorboat paalis sa pangpang at hahayaan na lang iyong umandar hanggang sa maubos ang gas niyon para kung sakaling makita iyon o masundan ni Brendon ay hindi niya agad mahuhulaan kung nasaan na ako ngayon. Nilakad ko at pinasok ang medyo matarik na kakahuyan. At makalipas ang humigit-kumulang 30 minutes na paglalakad ay nakatanaw ako ng isang napakalaking bahay... Hindi, isang mansiyon sa gitna ng kagubatan! Sa kabila ng pagod at munting takot ay nakaramdam ako ng pag-asa! Mukhang hindi naman pala ako sa kakahuyan magpapalipas ng gabi. Makikiusap na lang ako sa may-ari ng bahay na iyon na makikitulog muna ako sa mansiyon niya kahit isang gabi. Nakaramdam ako ng dagdag na lakas at dali-dali akong lumapit sa mansiyon na isa sigurong rest house ng may-ari niyon. Malaki rin ang posibilidad na walang nakatira roon at may bumibisi-bisita lang para maglinis dahil sino naman ang taong titira sa isang bahay na malaki nga pero nasa gitna naman ng kagubatan? Kapag nagkataong walang tao roon ay puwede pa akong manatili roon kahit dalawang araw o lampas pa, at saka ko na lang poproblemahin kung paano ako makakaalis sa islang iyon. Hindi naman ako ang klase ng babae na ang tanging alam ay magpaganda, at kaya kong mabuhay mag-isa kahit sa gitna ng kakahuyan pa. Marunong akong gumawa ng apoy gamit lang ang tuyong kahoy. Kaya ko ring gumawa ng masisilungan ko dahil minsan ko na iyong nagawa nang minsang nagcamping ako sa isang bundok at naligaw ako pabalik sa tent ko. Napangiti ako ng malapad nang makapa kong hindi naman pala naka-lock ang gate. Kapag sinusuwerte ka nga naman, oh! Pumasok ako sa gate at luminga-linga sa paligid. May mangilan-ngilang malalaking halaman gaya ng imported na uri ng palmera at pine trees. Pero pansin ko sa mga carpet grass na medyo matataas na ito, na mukhang ilang linggo na ring hindi nati-trim. Maging ang ilang mga halaman ay mukhang ilang linggo na ring hindi naaalagaan at marami na ring nagkalat na tuyong dahon sa bakuran. Lihim akong napangiti dahil mukhang tama nga ang hinala ko na walang nakatira sa bahay na iyon. At once a month o baka mas matagal pa bumibisita roon ang care taker ng naturang bahay na iyon. Lalapit na sana ako sa main door para subukang buksan iyon nang may naramdaman akong mga yabag sa isang panig ng bakuran. Kasunod niyon ay nakarinig ako ng istrikto at seryosong boses ng isang lalaki. "Who are you and what are you doing here inside my property?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.7K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook