(Mia's POV) "Ang importante sa akin ngayon ay hindi na matutuloy ang kasal namin ni Brendon... Okay na sa akin na mag Co-Parent tayo sa anak natin." dagdag ko pa habang pilit tinatatagan ang loob at nilalabanan ang umuusbong na lungkot sa puso ko. Wala naman akong magagawa kung iyon ang desisyon ni Brian. Pasalamat na lang ako dahil tatanggapin niya itong ipinagbubuntis ko. Pareho naman kasi naming hindi inasahan na mabubuntis ako pero nandito na itong blessing na ito kaya tatanggapin at mamahalin ko ito. Ito na nga siguro ang paraan ng Diyos para hindi ako makulong sa isang kasal na walang pagmamahal. At kaya rin marahil ayaw akong pakasalan ni Brian ay dahil hindi naman niya ako mahal. How ironic. Oo nga pala. Sobrang mahal pa kasi niya ang namayapa niyang asawa. Mahirap rin palang

