(Mia's POV) "Ate Mabeth, ilalabas ko lang saglit si Junior para mapaarawan siya sa labas. Para na rin makapaglakad-lakad ako." Paalam ko kay ate Mabeth bago ako lumabas sa condo habang tulak-tulak ang stroller na kinalululanan ni Junior. Nakasunod naman sa amin ang Nanny ni Junior na si Bel bitbit ang baby bag na naglalaman ng mga kakailanganin ni Junior kung sakali kagaya ng feeding bottle, diaper, wipes at kung anu-ano pa. Nakasilid na rin sa bag na iyon ang cellphone at wallet ko na naglalaman naman ng ID ko at card na bigay sa akin ni Brian para kung sakaling may bibilhin ako. "Alam po ba ni Sir Brian na lalabas kayo?" Maingat na tanong sa akin ni ate Mabeth. "Opo ate Mabeth, tinext ko na siya." Nakangiti kong sagot. Hindi ko nga lang alam kung nagreply na ba si Brian. Mamaya ko n

