(Mia's POV) Brian suddenly crushed his lips to mine and kissed me passionately. Puno ng pagsuyo ang mga halik niya sa akin ngayon. May nararamdaman din akong iba pang emosyon sa klase ng paghalik niya bukod sa tila uhaw na uhaw siya sa akin. Hinawakan pa niya ang ulo ko at lalong idiniin ang mga labi niya sa mga labi ko. Napayakap na lang din ako sa batok niya at buong-puso kong tinugon ang maiinit niyang mga halik. "Are you already hungry? Gusto mo na bang kumain?" Maya-maya ay hinihingal niyang tanong nang pakawalan na niya ang mga labi ko. Nanatili pa ring nakahawak sa ulo hanggang pisngi ko ang mga kamay niya habang nakadikit na ang noo niya sa noo ko. Bahagya rin niyang ikinikiskis ang tungki ng ilong niya sa ilong ko habang parehas kaming habol ang sarili naming hininga. "No..

