(Mia's POV) Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong tumalikod na si Brendon kasama ang mga tauhan niya hanggang sa hindi ko na sila natanaw dahil tuluyan na silang sumiksik sa kakahuyan. Bumalik naman agad si Brian at nang nasa may pinto na siya ay kaagad ko na siyang pinagbuksan. "B-Brian—" Gusto kong magpaliwanag sa kanya pero pinatigil niya ako sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagtaas ng isang kamay niya. "They're looking for you. One of them showed me a picture of you and according to him... You are his fiancée." Aniya habang blanko ang ekspresyong nakatitig sa akin. Heto na naman siya sa pagiging taong-yelo niya. Nagkakaroon lang yata ng emosyon ang mukha niya kapag nagsi-s*x kami. Bahagya akong napayuko at napakagat-labi. Hindi ko naisip na posibleng mapadpad rin dito si Br

