CHAPTER 3

2065 Words
Imaculate's POV: Lalong lumalim ang halikan naming dalawa. Masyado akong nadadala sa mga halik ni Cypher, mabagal ito na unti-unting nagiging mapusok. Nadadala ako sa sarap na hatid nito. Tama ba ang ginagawa namin? Tama ba ang ginagawa ko at responde ng aking katawan? Napasinghap naman ako nang dumapo ang kamay ni Cypher sa aking pang-upo kaya kaagad akong bumalik sa reyalidad. Kaagad ko namang kinagat ang pang-ibabang labi niya kaya impit siyang napasigaw. "Hmp!" sigaw niya at napabalikwas ng upo. Nasa kandungan niya pa rin ako kaya sinamaan niya ako ng tingin. Dumugo pala ang labi niya pero kaagad din iyong naghilom. Magtataka pa ba ako? Hindi nga pala kami mga mortal, mga ekstra-ordinaryong imortal pa nga. "Bakit mo ako kinagat? Bampira ka pa rin ba? O masyado kang wild? Baby Imaculate ko naman, ikaw ha," pang-aakit sa akin ni Cypher at kinurot ang ilong ko. "Loko-loko ka. Ikaw kasi hinawakan mo ang pang-upo ko! Kiss lang, walang hawakan! Saka na iyon kapag pinakasalan mo na ako!" mataray na sabi ko. "I'm sorry, sabihin mo na lang kung kailan pwede. Hindi ko gustong madaliin at biglain ka," sabi ni Cypher at sumeryoso siya. Malambot pa rin ang kaniyang ekspresyon pero makikita mo ro'n ang kaniyang sinseridad. Niyakap naman niya ako at hinalikan sa labi. Siguro ay nadala lang din siya sa mga pangyayari. Kilala ko naman si Cypher, sobra niya akong inirerespeto. "Ayos lang, kasal muna bago hawak," bulong ko. "Sige boss, pakasal na tayo bukas. Tapos anak agad tayo ng sampu," biro niya kaya tinampal ko ang kaniyang braso. "Sampu talaga?" natatawa kong tanong. "Dose na pala para isang basketball team," biro niya ulit kaya nagtawanan kaming dalawa. Balik na ulit sa dati ang lalaking ito. Hindi niya na talaga maiaalis sa katawan niya ang pagbibiro at pang-iinis sa akin. Pasalamat siya, mahal ko siya. Bakit ba kasi ang rupok ko pagdating kay Cypher? Sabagay, marupok naman din siya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay abot hanggang Higher World ang buhok ko sa haba. "Ano, game na ulit?" pilyong tanong niya. "He, magtigil ka r'yan. Matulog na tayo at may laban pa tayo bukas!" sabi ko at umalis sa kandungan niya. Humiga na ako sa kama patalikod kay Cypher. Ramdam ko namang itinaas niya ang kumot hanggang ibaba ng dibdib ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako mula sa likod. Ramdam ko naman ang malambot niyang labi na hinahalikan ang likod ko. Napangiti naman ako. Damang-dama ko ng pag-aalaga at pagmamahal sa akin ni Cypher. Parang ayaw niya akong malayo sa kaniya at masaktan. "Goodnight, Imaculate. Tulog na tayo," bulong niya. "Goodnight din, Cypher. Opo, tulog na," sagot ko at pumikit na. – "Hoy hoy, gumising na kayo! s**t, late na tayo mga kulugo! Ten minutes na lang mag-uumpisa na ang games!" "Tangina mo Cypher, tama na ang harot! Gising na! Baka madefault tayo!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na pagkatok ni Cepherus. Anong sabi niya? Ten minutes na lang? Owshit, ten minutes na lang! "Cypher, gumising ka na! Patay tayo hala gising!" sigaw ko at niyugyog si Cypher na katabi ko. "Hmm..." ungol niya at nagtalukbong ng comforter. "Gumising ka na, ten minutes na lang daw mag-uumpisa na ng laro!" sigaw ko sa kaniya. Siya naman ang napabalikwas ng bangon at deretso pang napatayo sa sahig. Natawa na lang ako kaya tumayo na rin ako at naglakad papunta sa banyo. Akala mo ay robot na nasusian. Nakurot ko tuloy siya sa tagiliran dahil sa pang-gigigil. Mabilis kaming naghilamos at nagtoohbrush. Katulad ulit nung kahapon ang ipinasuot sa amin kaya mabilis kaming nakapagbihis. Kami ang pinakahuling lumabas at hindi na kami nakapag umagahan pa. s**t, imposible namang walang gumising sa aming bantay hindi ba? Paano naman mangyayari iyon? Nakakapagtaka talaga. Hapo pa kaming lahat na nakalabas. Bago pa kasi umepekto ang ininom naming gamot upang makahinga kami rito ay nakalabas na kami. "Sa tingin ko, may sumabotahe sa atin. Kilala niyo ang nakalaban ko, hindi ba? Iyong Trina na maitim ang singit. Paniguradong ginamitan niya ng kulam ang mga bantay. Naku, babalatan ko na iyon gamit ang nail cutter at pambukas ng lata!" sabi ni Hillary. "Paano mo naman nalaman na maitim?" tanong ni Megan. "Basta, maitim din ang budhi eh. Tangina niya, sarap niyang igata. Ginataang goldfish na kinaliskisan. Grr, nang gigigil talaga ako!" inis na sigaw ni Hillary at tumingin sa grupo nila Trina. Pagtingin namin kay Trina ay ngumisi siya at biglang naging gold ang kaniyang mata. Mukha namang walang alam ang mga kagrupo niya sa ginawa niyang kalokohan. Mukha ngang totoo ang hinala namin. "Ang batang iyan ay walang alam. Hindi dapat siya nandaraya. Ang katulad ng ganitong kaso ay hindi dapat pinapalampas. Bata pa ang sirenang iyan at walang alam, kailangan niyang maturuan ng leksyon," matalim na sabi ni Cypher. "Cypher, huwag na. Hayaan na lang natin siya," pigil ko kay Cypher. "Hindi pwede, Imaculate. Sa batas ng mga anghel at demonyo sa buong World Realm, walang pinipiling kahit sino ay pwedeng maparusahan," sabi ni Cypher. "Kailangan mo pa ba kami ni Cassian?" tanong ni Cepherus. "Hindi na, kasalanan ang nagawa niya at hindi kabutihan," sagot naman ni Cypher. "Magsisimula na ang Third Wave–" Natigil ang host sa pagsasalita nang mag-iba ng anyo si Cypher. Naging kulay orange ang kaniyang pakpak at nagkaroon siya ng mga tattoo sa katawan. Sa maliwanag pala ay parang orange na nagnining-ning ang kaniyang balat. Para siyang maangas na ponkan. Pft, seryoso pero napatawa ako sa aking biro. "Anong nangyayari?" "s**t, galit si King Lucifer!" "Nakakatakot! Baka may mali tayong mga sirena na nagawa!" Sigawan ng mga tao at may narinig pa akong ilang paghikbi. Grabe, ganito pala sila katakot oras na magseryoso kahit isa sa Seven Deadly Sins. Ibig sabihin, ganito ang respeto at paggalang nila kay Cypher. Kilala si Cypher bilang King Lucifer ng ibang lahi at kinatatakutan din ang Seven Deadly Sins. Panigurado palang kapag nahuli ka nila sa aktong may ginawa kang masama, magbabayad ka. Mabilis namang lumangoy pababa si King River at Queen Oceana at humarang sa unahan ni Cypher. Tumungo pa sila, ganito sila igalang at irespeto ng mga nilalang. Bakit parang paulit-ulit yata ako? "King Lucifer, maaari ho ba naming malaman kung anong nangyayari?" magalang na tanong ni King River. "Kulang pa ang seguridad niyo sa larong ito. Isa pa, hindi niyo ba naturuan kung paano gumalang ang inyong bunsong anak? Ang mga ganitong bagay ay hindi ko maaaring palampasin. Kailangan niyang matuto ng tamang pag-aasal. Kailangan niyang madisiplina," sabi ni Cypher. Parang tatlong naghalo-halo ang boses ni Cypher at nakakatakot talaga ito. Kahit ako ay kinilabutan sa kaniya. "A-Ano hong ibig niyong sabihin, Kamahalan?" tanong ni Queen Oceana. "Prinsesa Trina Licanus, anak ng reyna at hari ng mga sirena ay pinaparusahan ko ng unang sintensya sa pagkakasalang, pandaraya," malalim na sabi ni Cypher at inilabas ang weapon niya. Napawow naman ako dahil bakit parang iba na ang weapon niya? Isa itong napakalaking palakol na halos kasing laki na ng scythe ko. Mas malaki pa nga yata. Kaya niya iyon? "Hindi ako nandaraya! Mga dayo kayo, kayo ang madadaya!" sigaw ni Trina at sinugod si Cypher. Napatayo naman ako at sumigaw. Natigil naman si Trina at napangisi sa akin. "Bakit ha, Imaculate? Kaya mo ba akong pigilan? Hindi naman hamak na mahina ka! Kailangan pa nilang lumaban para sa iyo eh wala ka namang ibabatbat!" sigaw niya sa akin kaya nagpantig ang tenga ko. Pinilit kong pakalmahin ang sistema ko habang lumalapit sa kaniya. Ramdam ko naman ang paglabas ng aking pakpak at sobrang pag-init ng aking katawan. Parang may kung anong gusto na lumabas sa katawan ko. "Bawiin mo ang sinabi mo," malalim kong sabi. Rinig ko na rin ang pag-iiba ng boses ko. Para na rin itong katulad ng kay Cypher ngunit mas matiniis at boses babae. "Hindi ko gagawin iyon dahil totoong mahina ka!" sigaw ni Trina at nag-iba ng anyo. "Trina, bawiin mo ang sinabi mo! Magpakita ka ng galang! Walang hiyang bata!" sigaw ni King River. "Ayan ba ang kinatatakutan niyo? Eh pipitsugin lang naman iyan eh!" sigaw ni Trina sa akin. May pangil siya at nasa anyong sirena na siya. Halatang handa na siyang sugurin ako kaya napangisi na lamang ako. Ramdam ko ang malakas na pwersang handang kumawala sa akin kaya hinayaan ko ito. Kahit may hapdi akong nararamdaman ay patuloy pa rin akong naglalakad papalapit sa kaniya. "Walang pwedeng sumagot sa isang Cardinal Sin, iha. Ang iyong ginawa ay walang kapatawaran sa mata nang batas ng mga anghel at demonyo!" dumadagundong na sigaw ko. Nang lumabas ang kapangyarihang gustong kumawala sa katawan ko ay biglang naging thermal ang aking paningin. Kaya ko nang makita ang mahihinang parte ng katawan ni Trina at nang lahat ng nilalang na narito. Kusa namang lumabas ang scythe ko sa aking kamay nang itaas ko ito. Rinig ko rin ang pagkalansing ng kung ano sa laylayan ng aking suot. "Lumuhod ka at humingi ng kapatawaran. Binibigyan kita ng huling pagkakataon," seryosong sabi ko habang nakatitig sa mata ni Trina. Cypher's POV: "Lumuhod ka at humingi ng kapatawaran. Binibigyan kita ng huling pagkakataon," sabi ni Imaculate na dumagundong dito sa buong arena. Bumalik na ako sa dati kong anyo at nakangising nakatitig sa kaniya. Masama talagang ginagalit siya. Ngayon, sa kaniya talaga magbabayad si Trina. Sa dugo pa lamang ni Imaculate ay halatang na nanalaytay na ang kaniyang pagiging isang Cardinal Sin. Hindi pa siya nahihirang ngunit kay na niyang magparusa. Unti-unting nagbago ang anyo ni Imaculate. Ang blonde niyang buhok ay naging jet black at ang kaniyang mata ay nakakatakot tingnan. Napuno rin ng tattoo ang kaniyang katawan. Nang mabasa ko ang mga simbolo ay mga salita itong Latin noong sinaunang panahon. Isa sa mga nabasa ko ay 'death' at 'no mercy'. Nakasuot si Imaculate ng bra at underwear na may nakakonektang mga kadena. Mayroon ding kadena sa kaniyang dalawang braso ngunit wala siyang sapin sa paa. Lalo ring dumilim ang pagkakulay asul ng kaniyang pakpak at apoy. Napakaganda ni Imaculate, kahanga-hanga ang demon form niya. Talagang masamang ginagalit ang mababait, masakit ang balik ng hagupit. "Hinding-hindi ko gagawin iyon! Kahit nakakatakot ka na sa palagay mo, lalabanan kita! Ipakita mo sa akin ngayon ang kaya mo!" sigaw ni Trina at sumugod kay Imaculate. Tumatakbo pa lang si Trina ngunit lumubog ang paa niya sa buhangin. Bigla namang tumunog ang likod ni Trina at nabali ito. Lumutang si Trina sa hangin. Ang kaninang mayabang niyang pagmumukha ay ngayo'y basang-basa na ng pawis. Kumislap ang mata ni Imaculate at bigla namang umubo ng dugo si Trina. Napangisi na lang ako at namulsa, iba talaga siya. Iba ang dugo at lakas ni Imaculate. "Huwag mo akong minamaliit dahil ultimo ang oras ng paghinga at pagdaloy ng iyong dugo ay kaya kong patigilin. Kaya kitang silaban ng buhay at kaya kong pugutan ng ulo ang lahat ng nilalang na nandito. Dahil sa paglabag na ginawa mo, tatanggalan ka sa Lower World ng abilidad," sabi ni Imaculate kaya naestatwa ang mag-asawang Licanus. "Lady Imaculate, baka naman–" "Walang pwedeng kumuwestyon sa aking desisyon!" malakas na sigaw ni Imaculate kaya napaluhod ang mag-asawang Licanus. Kita ko naman ang paglapit ni Hillary sa amin. Naging purong itim ang mata niya at nagteleport sa likod ni Trina. Hinawakan niya si Trina at naging abo ito. Mabilis naman akong tumakbo sa direksyon ni Imaculate nang mawalan siya ng malay. Bumalik na siya sa dating anyo ngunit napakaputla niya na. "Mukhang kailangan magpahinga ng pasaway kong reyna ah," nakangising asar ko sa walang malay na si Imaculate. Binuhat ko na siya at naglakad na ako pabalik sa aming tinutuluyan. Nagkatinginan naman kami ni Cepherus, alam niya na ang ibig kong sabihin. "Suspendido ang laro. Maghintay kayo sa susunod na anunsyo," anunsyo ni Cepherus bago kami makapasok sa loob ng aming headquarters. Dumeretso agad ako sa kwarto namin ni Imaculate at kaagad siyang inihiga. Hinawakan ko naman ang kamay niya upang mapasahan ko siya ng enerhiya. Sana ay mabilis na umayos ang kaniyang pakiramdam. "Magpahinga ka muna," bulong ko at hinalikan siya sa pisngi. Lumabas na ako ng kwarto ngunit sumilip muna ako rito sa pinto. Napangiti na lang ako at napailing. "Hay nako, ang pasaway kong Imaculate," nakangisi kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD