CHAPTER 2

1711 Words
Imaculate's POV: Ilang minuto pa lang ang nakakakaraan at bagsak na ang mayabang na magkapatid na Cepherus at Cypher. Ayan kasi, puro yabang. Mga hindi naman marunong bumalanse at ang bibigat ng katawan. Natatawa na lamang ako sa kanila. Ang lakas kong makapanglait pero isa rin naman akong malapit nang mahulog. Napakahirap talagang bumalanse, mukhang sanay na sanay sila. Hindi kaya masyadong bias sa kanila ang Siren Games na ito? Sabagay, Siren Games nga eh. Malamang ay mga tradisyong pang mga sirena ang lalaruin namin. Hay nako, Imaculate. "Ano Lady Imaculate, pagod ka na ba? Pwede ka namang sumuko kung hindi mo na kaya. Wala namang pipigil sa 'yo," tanong ni Flora at nginisian ako. "Hindi ako susuko, mahuhulog ka rin. Baka ikaw ang gustong sumuko? Wala rin namang pipigil sa 'yo," mapang-asar na sabi ko. Nagtangis naman ang bagang nitong si Flora. Ayan ha, dadalihan mo ako. Ikaw naman pala itong pikon, tsk. Inilabas ko na ang aking scythe at naglabas naman siya ng espada. Prinsesa ang isang ito kaya paniguradong magaling siyang makipaglaban. Baka mamaya ay matalo niya ako. Nakakahiya iyon, huwag naman sana. Masyado pa namang mataas ang tingin sa akin ng lahat. Hays, standards nga naman. Naging dalawa naman ang kaniyang espada. Sabagay, lugi siya kung isa lang ang gamit niya. Ang yabang ko tapos talo naman pala ako laban sa kaniya. Pero hindi pa rin ako susuko. Laban lang, wala sa bokabularyo ng koponan namin ang pagsuko. Ang ganda nang kulay ng kaniyang espada, pinaghalong kulay itim at ginto. Kulay yellow rin ang kaniyang suot kaya mukha siyang Greek Goddess. Bakit ang daya naman? Ang ganda-ganda niya. Mukha ring napakalambot ng maalon niyang buhok. Una siyang umatake kaya agad akong umatras. Napangisi naman siya at naglilikot para gumalaw ang tali. Ang bwisit na ito. "Napakadaya mo naman!" inis kong sigaw sa kaniya at pilit na bumalanse. "Hindi ako madaya, walang sinabing bawal sa patakaran. Hindi lang mahusay ang balanse mo," nakangising sabi niya. Ibinato naman ni Flora sa akin ang isa niyang espada mabuti na lang at naiwasan ko agad ito. Napamura naman ako pagtingin ko sa likod nang muli itong bumalik. Hindi ako nakailag dahil nahihirapan akong bumalanse. Konting likot ko lamang pakiramdam ko ay mahuhulog na ako. "Ahh!" sigaw ko nang mahiwa nito ang kaliwa kong balikat. Nanlaki naman ang mata niya dahil kaagad gumaling ang sugat ko. Napangisi naman ako, hindi nga pala nila kayang magheal. May advantage ako pero dapat hindi ko siya hayaang saktan na lamang ako. Gusto ko na rin matapos ang laban namin dahil pagod na ako. "Magaling ka ha," puri niya sa akin. "Syempre, wala naman akong sakit. Ikaw ba?" pambabara ko kaya umismid si Flora. Nasaan kaya si Florante? Ay joke, Laura nga pala ang kalove team no'n. Imaculate ano ba, focus! Natatawa na lamang ako sa aking inner jokes. Paniguradong kapag narinig ito ni Cypher ay mapapailing na lamang iyon. Ako naman ang umatake at iwinasiwas sa kaniya ang scythe ko. Hindi ko inilalabas ang aking pakpak dahil hindi na magiging patas ang laban. Sumusunod naman ako sa patakaran, hindi ako madaya. Bago pa siya makaatras ay nahiwa ko ng konti ang kaniyang tiyan. Napangiwi naman siya sa sakit at hapding dulot no'n. "Bwiset ka! Paalam na sa 'yo!" sigaw niya at binitawan ang hawak-hawak niyang dalawang espada. Pinagtapat niya ang kaniyang dalawang kamay at malakas na pinagtama. Naglikha naman iyon ng malakas na alon ng pwersa kaya nawalan ako sa balanse. Hindi ko inaasahan iyon! "s**t s**t!" nagpapanick na mura ko. Naipagaspas ko ang dalawang kamay ko nang mawalan na ako ng balanse. Mahuhulog na sana ako dere-deretso nang gamitin ko ang illusion of time. Aha, may daya pa rin naman pala ako. Hindi naman talaga daya dahil pwedeng gumamit ng abilidad. Ang mga pakpak lamang namin ang bawal. Bumalik ako sa dati kong pwesto at ako naman ang ngumisi sa kaniya. Kita ko naman ang pagkagulat sa kaniyang mata. Hindi niya pala alam na kaya ko iyong gawin. "Madaya ka, Lady Imaculate. Lumaban ka ng patas!" tiim-bagang na sabi niya. "Hindi ako madaya, walang sinabing bawal sa patakaran. At isa pa, abilidad ko iyon," nakangising panggagaya ko sa sinabi niya kanina. Sinugod ko siya at ibinato ang aking scythe sa kaniyang direksyon. Tumalon naman siya kaya pinabagal ko ang pagbagsak niya at inexecute ang aking plano. Tumalon ako pababa at inabot ang lubid. Tagumpay ko naman itong naabot kaya ibinuwelo ko ang aking katawan paharap. Binalik ko sa normal ang pagbagsak ni Flora at pinabagal ang pagbalik sa dati ng lubid. Deretso siyang bumagsak sa sahig kaya napangisi ako. Sa wakas ay tapos na ang laban. Ako ang nanalo! "10 points for Daredevil Academy! 40 points naman ang sa Siren Academy!" sigaw nung host. Pinalabas ko naman ang pakpak ko at lumipad papunta sa pwesto nila Cypher. Rinig ko naman ang pagsinghap ng mga sirenang namamangha sa ganda ng aking pakpak. Napangiti na lamang ako. "Grabe, ang ganda!" "Para siyang isang anime character!" "Nag-aapoy ang pakpak niya!" "Napakaganda talaga ni Lady Imaculate! Bagay sila ni King Lucifer!" Sigawan ng mga manonood kaya napailing na lamang ako. Tumigil ako sa harap ni Cypher. Ang lokong ito pumapalakpak pa habang nakangisi sa akin. Mukhang nag-enjoy sa laban namin kanina. "Oh bakit?" tanong ko. "Galing ah, kaya baby kita eh. Pakiss nga ako kahit isa lang," sabi niya at bigla akong hinila. Mabuti na lang at naitikom ko agad ang aking pakpak nang hilahin niya ako. Loko-loko talaga ang isang ito kahit kailan! Baka masunog ko siya ng buhay! Mabilis niya akong hinalikan sa labi at hinila na ako pa-upo sa kaniyang tabi. Katabi niya sa kabila si Cassian habang ako ang nasa dulo. Damoves na naman, hindi na nahiya sa mga manonood. Palibhasa hari at siya ang nasusunod. "Hoy Cepherus, yabang niyo kanina ah. Mga mahuhulog naman pala agad," asar ko kay Cepherus na nasa likod ko. "Yabang mo porket naihulog mo kalaban mo ha. Mukha ka namang color blue na sisiw kaninang nag-aapoy. Iyong tig-kikinse pesos na manok na nakukuha sa raffle tuwing undas," pambabara niya kaya nainis naman ako. "Tse, ang panget mo!" singhal ko sa kaniya at ibinaling na ulit ang tingin ko sa unahan. Hinawakan naman ni Cypher ang kamay kong nasa aking hita. Lumingon naman ako sa kaniya pero nanonood lang siya sa mga kasama namin. Kinikilig na naman ako. Ang mga simpleng galawan talaga ni Cypher at pagiging clingy ang nagpapatunaw sa puso ko. Ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa unahan, baka matunaw si Cypher sa mga titig ko. Panalo si Megan sa kalaban niyang lalaki na nakatulog pa. Galing talaga, kaibigan ko iyan! Umupo naman si Megan sa tabi ni Xavier na sumunod kay Cypher at Cepherus na nahulog kanina. Kaya kasing palambutin ng kalaban niya ang mga solid na bagay, madaya. Sabagay, abilidad naman iyon. Patas pa rin ang laban. Pinanood naman namin si Hillary na siyang huling natitira at ang kalaban niya. Tinanong ko naman si Cypher tungkol sa kalaban niya. "Ang kalaban ni Hillary ay ang pangalawang kapatid ni Trident na si Trina. Ang kapangyarihan niya ay nalalapit sa Greek Goddess na si Aphrodite. Kaya niyang utusan at akitin ang isang tao o hayop," paliwanag ni Cypher. "Eh bakit parang hindi naman naapektuhan si Hillary?" tanong ko. "Dahil isang demonyo si Hillary. Walang kaluluwa ang mga demonyo kaya dahil doon kaya niyang kontrahin ang kapangyarihan ni Trina. Kalahati lang ng katawan ni Hillary ang kaya niyang kontrolin pero dahil magaling si Hillary, nafigure out niyang sa mata ni Trina nanggagaling ang kapangyarihan nito. Kaya iyan, siya ang mukhang lamang sa laban," sagot ni Cypher. Ang astig, ibig sabihin wala akong kaluluwa? O mayroon dahil isa akong kalahating anghel? Ay ewan, marami na akong pinoproblema dadagdag pa iyan. Nanood na ulit ako kay Hillary at Trina. Nagawa siyang masuntok ni Trina kaya napikon na si Hillary. Naku, masamang ginagalit ang isang iyan. "Tapos ka na ngayon," sabi ni Hillary na narinig namin sa speaker. Biglang nagteleport si Hillary at itinulak si Trina sa likod. Nahulog si Trina pero nagawa naman niyang kumapit sa lubid. Flexible pala ang katawan niya. "Argh, bwiset ka!" inis na sigaw ni Trina. "Mas bwiset kang isda ka!" sigaw naman ni Hillary. Nagteleport ulit si Hillary sa paanan ni Trina at hinila ito. Bago pa mahulog si Trina ay bumalik si Hillary sa lubid habang prenteng nakabalanse. "Another 10 points para sa Daredevil Academy! Tapos na ang laro at ang nangungunang teams ay ang HB High, Daredevil Academy, at ang Sirens!" sigaw nung host. Lumabas naman ang scoreboard kaya napatingin kami ro'ng lahat. Ang nangunguna ay ang HB High na mayroong 110 points, sumunod kami na mayroong 80 points at ang Siren na pumapangatlo na may 50 points. Konti lang din ang lamang ng iba kaya pwede pa silang makahabol. Kailangan naming galingan at manguna. Kailangan pa naming manalo sa mga susunod na pagsubok, kaya naman ito. Konting push na lang din at makakaalis na kami rito. Tumayo naman kaming lahat at naggroup hug. Masaya kami dahil mataas na rin ang nakuha namin, hindi na masama. Magkahawak kamay ulit kami ni Cypher na naglakad. Bumalik na kaming lahat sa lungga namin at nagkaniya-kaniyang pwesto. Nakakapagod talaga ang araw na ito. "Grabe, nakakapagod naman!" sigaw ni Three. "Pagod ka? Eh pabigat ka nga lang!" sigaw naman ni Cepherus. "Ay wow, nagsalita ang unang nahulog!" banat ulit ni Three. Hinayaan na namin ang dalawang magbangayan at pumunta kami sa private room dito. Nagpalit muna ako ng damit habang si Cypher ay naiwan sa labas. Nagsuot lang ako ng tank top na pambahay at shorts. Nakapagbihis na rin si Cypher at nakahiga na siya sa kama. Pinagpag naman ni Cypher ang tabi niya, inaanyayahang humiga ako. Ngumiti naman ako at pumwesto sa tabi niya. "Ay palaka!" Bigla akong hinila ni Cypher sa ibabaw niya kaya sa kaniya ako napaupo. Napangisi naman si loko at agad akong hinalikan sa labi. "Hmm..." Nagulat naman ako sa sarili ko nang bigla akong umungol. Ano ba iyan Imaculate! Lumalim pa ang halikan naming dalawa. Hindi naman ako umayaw dahil pakiramdam ko, gusto rin ito ng aking katawan. Halik lang naman 'di ba? Halik lang ha, Imaculate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD