Chapter 1
Mainit ang araw sa San Aurelio Airstrip, pero parang wala lang kay Skyra Monteverde. Nakatayo siya sa tabi ng private jet niya — sleek, matte black, parang panther na handang umatake. Suot niya ang signature all-black power suit, oversized shades, at pointed heels na para bang sinadya para takutin ang lupa sa bawat hakbang niya.
Yung buhok niya, medyo magulo sa hangin, pero imbes na pumangit tingnan, mas lalo lang siyang nagmukhang reyna ng digmaan.
Tinitingnan niya ang tablet sa kamay — naka-zoom in ang satellite map sa isang maliit na isla. Isang lugar na wala sa grid, walang pangalan, walang development. Isang uri ng katahimikan na hindi alam ng mundo.
"Ma'am Skyra," lumapit ang piloto, may hawak na clipboard. "Ready na po tayo for takeoff. Maganda ang weather. Tailwind looks favorable."
Hindi siya tumingin. Nakatutok pa rin sa tablet.
"Mag-low pass tayo sa isla na 'to. Paikutin sa southern side. I want visuals, pero no drones. Confidential 'to," malamig niyang utos.
"Noted po. I-inform ko ba ang office?"
Bahagyang tinaas ni Skyra ang shades niya, sapat para makita ng piloto ang malamig niyang tingin.
"Hindi. Walang makakaalam na andito ako. Not even my assistant."
Tumango na lang ang piloto. Sanay na siya sa ganitong Skyra — biglaan, mysterious, always in control.
Pagpasok niya sa jet, sinalubong siya ng malamig na hangin ng aircon at mahinang jazz na tumutugtog sa cabin. May champagne sa table — Dom Pérignon, of course. Pero hindi siya impressed.
"Seriously?" bulong niya. "Hindi ito celebration."
Umupo siya sa leather seat. Tinanggal ang heels, inilagay ang tablet sa tabi, at isinandal ang likod.
Wala pa siyang tulog. Galing siya sa sunod-sunod na board meetings sa Manila. Yung iba, nagsasaya na kasi kumita ng shares. Siya? Galit. Galit dahil may mga gumagalaw sa likod niya. May mga investors na mukhang kaibigan pero traydor pala.
At sa gitna ng kaguluhan, ito lang ang gusto niya — ang islang 'yon.
Isang lugar na siya lang ang may kontrol.
Isang lugar na hindi maaabot ng boardroom wars, media scandals, at corporate betrayals.
"Captain, malapit na ba tayo?" tanong niya makalipas ang isang oras.
“Yes, Ma’am. Approaching na tayo sa target island. Descending altitude now.”
Tumayo siya at sumilip sa bintana.
Doon niya nakita ang isla — para itong hugis buwan, napapalibutan ng malinis at malinaw na dagat, at punong-puno ng luntiang gubat sa gitna. Walang tao. Walang pier. Walang signal tower.
"Perfect," bulong niya.
“Ma’am, may clearing po sa southern tip. Parang landing zone.”
Tumango si Skyra. “Log the coordinates. Pero wag niyo munang i-report kahit saan.”
“Copy.”
Pero bago pa man nila maikot ng buo ang isla—
BOOM.
Biglang kumulog. Makapal na ulap ang bumalot sa eroplano.
"Where the hell did that come from?" napamura ang piloto. “Ma’am, nagkaroon ng sudden storm cell.”
“Akala ko ba malinaw ang weather?” sigaw ni Skyra.
“Biglaan po! Radar’s acting weird — para pong may interference!”
Kumapit si Skyra sa armrest. Hindi siya kinakabahan sa normal na turbulence. Pero ito? Iba ang pakiramdam. Parang hindi lang ulan o hangin ang kalaban nila. Parang may nagmamanipula sa paligid.
BOOM! Isa pang kulog — mas malapit. Parang lumindol sa ere.
Biglang umilaw ang warning lights. Tumunog ang emergency alarm. Bumagsak ang oxygen masks.
Nagtilian ang crew.
Skyra remained calm — on the outside.
Pero sa loob? Tumitibok nang mabilis ang puso niya.
“Emergency descent initiated!” sigaw ng piloto. “Engine two is down!”
“WHAT?!” sigaw ni Skyra.
Nag-flash ang kabin lights. Lahat ng tao, pinauupo.
“Ma’am, seatbelt now! Brace position!” sigaw ng flight attendant.
Umupo si Skyra, nanginginig ang kamay habang kinakapkap ang seatbelt. Habang sinisiksik ang sarili sa upuan, napatingin siya sa tablet.
Naka-freeze ito. Walang signal. Walang contact.
Shet. Walang makakaalam kung nasaan siya.
“This can’t be happening,” bulong niya. “Not like this. Not now.”
“Attempting crash landing—targeting the beach of the island!”
“What?!” gulat niyang sigaw. “Doon? Sa island na ‘yon?!”
“Yes, Ma’am! It’s our only hope!”
Skyra clenched her jaw. Ang planong maging reyna ng isla… ngayon, magiging survivor siya.
“Brace! BRACE!”
Huminga siya nang malalim, pinikit ang mga mata.
Kung mamamatay man ako ngayon, siguraduhin mong hindi ito ang ending ko, universe. Hindi pa tapos ang laban ko.
BOOM.
CRASH.
SCREECH.
THUD.
Sumalpok ang eroplano sa buhangin. Gumulong ito nang ilang beses bago tuluyang tumigil. May amoy ng sunog. May mga sigawan. May mga tilamsik ng dugo.
Then… darkness.
Maliwanag.
Masakit sa mata ang liwanag na ‘yon.
Unti-unti siyang nagmulat, pilit iniintindi kung nasaan siya. Hindi ito ospital. Hindi rin eroplano. Pero ang ceiling? Puting marble, may ornate na disenyo, parang high-end villa. Tumingin siya sa gilid — may malalaking bintanang floor-to-ceiling, at sa labas, tanaw ang dagat.
Anong klaseng impyerno ‘to?
Napabuntong-hininga si Skyra. Ramdam niyang may benda sa ulo niya. Mabigat ang katawan. At mas lalong nakakairita — naka-silk robe siya. Hindi niya suot ang sarili niyang damit.
She sat up slowly, pero nahilo agad. Kumapit siya sa edge ng kama.
Shet. Anong nangyari?
Biglang bumalik ang lahat — ang kulog, ang sigawan, ang pagbulusok ng eroplano… ang pagbagsak sa isla.
Napakapit siya sa dibdib. Buhay pa siya.
Pero bakit siya buhay?
Pumasok ang paranoia.
Nasaan ang tablet niya?
Nasaan ang phone niya?
Sino ang nagbihis sa kanya?
Sino ang nakakaalam na andito siya?
She stood up slowly. Nanlalambot pa ang tuhod niya pero pilit niyang itinayo ang sarili. May sugat sa balikat niya. Tinikom niya ang robe at lumapit sa pinto.
Bago pa niya ito mabuksan, bumukas ito — kusa.
At sa likod ng pintuan…
Isang lalaki. Matangkad. Mapanganib ang presensya. Naka-itim na tactical shirt at pantalon. Malalim ang titig. Matangos ang ilong. May peklat sa pisngi. At ‘yung aura niya? Para bang kayang magpahinto ng puso — sa takot o sa libog, hindi pa niya alam.
“Finally awake,” malalim ang boses nito, malamig. “That crash almost ripped your body in half.”
Napaatras si Skyra, pero hindi siya nagpahalata.
“Who the hell are you?” matigas ang tanong niya. “Where am I?”
Lumapit ang lalaki. Hindi nagmamadali, pero bawat hakbang niya, parang may bigat. Umupo siya sa armchair na kaharap ng kama.
“My island. My villa. And I’m Damon Velasquez.”
Nag-blink si Skyra. Damon Velasquez. Hindi lang basta pangalan ‘yan — pangalan ng lalaking rumored na ex-military turned ghost security mogul. The kind of man na kayang bumili ng silence ng buong government agency.
“You own Velasquez Global,” sabi niya, naninigurado. “You manipulate governments. You erase people.”
Damon smirked. “And yet you crash-landed here, uninvited.”
Sumikip ang dibdib ni Skyra. s**t. Bakit siya? Of all the people na pwedeng sumagip sa kanya, siya pa?
“I’m not your prisoner,” she hissed.
“No. You’re my guest. For now.”
Nilakasan niya ang loob niya. Tumayo siya — kahit nanghihina pa — at marahas na tinanggal ang IV sa braso.
“I want my phone. I want to contact my people. Now.”
Damon stood, mabilis, pero hindi marahas. Tumayo siya sa harap ni Skyra, halos magdikit ang mga katawan nila.
“You just survived a crash. You have a concussion. And someone out there tried to kill you,” aniya, malamig. “Until I know who, you stay here.”
“Under your control?” hinamon niya, taas-noo.
“Yes.”
Naglalaban ang mga mata nila. Tension. Power. Pride.
Pero sa ilalim ng lahat ng ‘yon… may kakaiba.
Skyra could smell his cologne — leathery, woody, masculine. At kahit galit siya, hindi niya maikakaila — may kiliti sa pagitan ng hita niya.
Hindi niya ito pwedeng hayaan.
Tumalikod siya.
“Give me a room with a lock. I don’t need your presence.”
“Unfortunately,” bulong ni Damon, “you’re safer when I’m close.”
Tumama sa tenga ni Skyra ang bawat salita — malalim, may bantang hindi mabasa. Ilang segundo silang nagkatitigan. Walang nagsalita. Walang gumalaw.
At pagkatapos ng tensyon na ‘yon, umalis si Damon palabas ng silid. Tahimik. Matatag. Walang paliwanag.
Pagkasara ng pinto, nakatayo lang si Skyra. Ang dibdib niya, bumibilis ang pintig. Hindi dahil sa galit.
Dahil sa takot.
At sa libog na ayaw niyang aminin.
DAMON’S POV
Location: Command Room – Hidden Basement of the Villa
Bumukas ang biometric door, at pumasok si Damon sa isang high-tech chamber — ang command room na mas mukha pang military control center kaysa tropical villa. Dim ang ilaw, bughaw at pula lang ang glow mula sa mga LED screens at holographic maps.
Nasa gitna ang round command table na punô ng data: flight telemetry, weather patterns, crash analytics.
“Status,” malamig niyang utos habang tinatanggal ang itim na gloves.
His tech lieutenant, si Kellan, agad na lumapit, hawak ang tablet.
“Crash site has been secured. Her jet landed five hundred meters southwest of Cove Point,” Kellan reported.
“And?”
“There’s more, sir. The turbulence wasn’t natural. Radar data shows jamming signals — frequency-altered interference na parang pinlano.”
“Pinlano?” ulit ni Damon, unblinking.
“Yes, sir. Someone digitally lured her aircraft into the storm path. That wasn’t just weather. That was manipulation.”
Napadiin ang hawak ni Damon sa mesa. The metal groaned under his palm.
“Who the f**k rerouted her jet?” he hissed.
“We’re tracing the origin. But there’s something else—” sabay pindot ni Kellan sa tablet.
Lumabas ang drone footage. Grainy but real.
“A third-party drone was spotted 2,000 feet above her crash vector. Military-grade. Cloaked. That’s not civilian tech.”
“Satellite trace?”
“We’re trying, but whoever sent it has ghosted the signal.”
Tahimik si Damon. Pero ang tensyon sa buong silid, nagsisikip.
Muli siyang tumingin sa monitor kung saan live feed ng hallway sa guest wing ang makikita — doon, kitang-kita si Skyra Monteverde, naglalakad papunta sa bintana ng guest room niya, hawak ang laylayan ng silk robe, waring binabalak na tumakas kahit sugatan pa.
Goddammit.
This woman doesn’t even know she’s bait.
Or maybe… she’s the fcking trap.*
“Double lockdown sa buong perimeter,” utos niya. “Activate Level 2 surveillance sa guest wing. Isolate the uplinks. No one in, no one out — even digitally.”
“Yes, sir. But… what if she finds out?”
Damon’s jaw clenched. He stared at Skyra’s image on the monitor.
Beautiful. Dangerous. And completely in the dark.
“She already suspects,” bulong niya. “But she doesn’t know who really wants her dead.”
Tumingin siya sa tactical map ng buong isla. May isang red dot na kumikislap — location kung saan bumagsak ang jet.
Sa ilalim nito, blinking words:
UNAUTHORIZED ENTRY – MONTEVERDE ASSET.
“She didn’t crash here by accident,” Damon muttered. “And I’m not convinced she came alone.”
SKYRA'S POV
Right after Damon walks out
Nakasara ang pinto. Tahimik. Pero hindi payapa.
Tumindig siya. Dahan-dahan. Pinilit igalaw ang balikat na may benda—mahapdi pero kaya. Tinanggal niya ang IV sa braso, marahan pero walang paki kung masaktan. Wala siyang intensyong manatili sa kama ng lalaking ‘yon nang walang sariling desisyon.
Lumapit siya sa floor-to-ceiling window. Sa labas, ang dagat ay kumikislap sa ilalim ng araw. Maputi ang buhangin. Malinis ang paligid. Walang bakas ng syudad.
Alam niya kung nasaan siya. The very island she wanted to buy. The irony wasn’t lost on her.
Pero kung noon ay gusto niya itong angkinin… ngayon, siya ang pag-aari.
Tangina.
Wala siyang signal. Wala ang phone. Wala ang tablet. Wala ang kahit anong device na konektado sa mundo.
Wala rin ang kontrol na lagi niyang hawak sa mga sitwasyon.
Ito ang hindi niya kinaya.
I didn’t fly all the way here to be trapped in my own ambition.
Umandar ang utak niya. Mabilis. Taktikal.
Hindi siya basta-bastang babae. Hindi siya niluluhod ng mga board member, mga billionaire, o mga CEO ng bansang tinatapakan niya. Pero ngayon… isang lalaki lang ang bumihag sa kanya — at hindi gamit ang dahas.
Ginamit nito ang katahimikan.
At ang kapangyarihan.
Damon Velasquez.
Hindi siya simpleng rescuer. Hindi rin siya simpleng hostage-taker.
Siya ang klase ng lalaki na hindi sumusunod sa batas—gumagawa ng sarili niyang mundo.
At si Skyra?
Naipit sa mundong iyon.
The worst part? Hindi niya alam kung paano siya makakatakas.
O kung gusto pa ba niyang makaalis.
Putangina, Skyra. Ano ba ‘to?
Humigpit ang hawak niya sa balustrade ng bintana. Pinikit niya ang mga mata, pilit nilulunok ang pride. Ngunit kahit anong gawin niyang pagbalik sa dating composure, nandun pa rin ang init sa tiyan—hindi lang takot.
Hindi lang galit.
May kung anong sensasyon.
Parang…
Parang siya ang binabasang libro ngayon. Hindi kabaligtaran.
Naalala niya ang titig ni Damon — matalim, malamig, pero masyadong personal.
Parang sa isang iglap, nabasa nito ang lahat ng lihim niya: ang takot, ang galit, ang pride, pati na rin ang init na matagal niyang kinulong sa likod ng power suits at stilettos.
And that terrified her more than the crash.
Na hindi niya alam kung siya ba’y na-trap…
…o nabuksan.
He’s watching me. Studying me. Playing a longer game.
But so will I.
Hindi niya mapapatagal ito.
Kailangan niya ng plano.
Kailangan niyang makalabas.
Pero una sa lahat…
Kailangan niyang makilala nang lubos ang lalaking ito.
Dahil sa ganitong larangan, hindi puwedeng mauna ang emosyon. Hindi puwedeng pangunahan ng libido ang utak.
Kahit na…
Kahit na naaalala pa rin ng balat niya ang haplos ng kanyang palad kanina.
Kahit na sa bawat galaw ng katawan niya, nararamdaman niya ang init ng pagkalapit nila.
Kahit na sa mismong robe na suot niya, amoy niya pa rin ang mamahaling scent ni Damon—dark spice, musk, at kaunting sandalwood.
Shit.
Huminga siya nang malalim. Humarap sa sarili sa salamin sa kabilang dingding.
Disheveled. Pale. Wounded.
Pero andun pa rin ang titig na matagal nang kinatatakutan ng boardroom — ang titig na nagsasabing: You will regret ever underestimating me.
Muli siyang tumitig sa pinto.
“You don’t cage a lion and expect her to purr.”
Watch me, Damon Velasquez.
You may have the island.
But I will own the man who thinks he owns me.
Habang nakatitig siya sa dagat mula sa bintana ng villa, biglang sumagi sa isip niya ang mga taong kasama niya sa eroplano.
Captain Reyes.
Matanda na pero matibay. Ilang ulit na niya itong nakasama sa mga international flights niya — mula Paris hanggang Tokyo. Hindi ito basta-basta natitinag. Veteranong piloto, sanay sa turbulence, sa delikadong ruta, sa pressure ng isang Monteverde na pasahero.
At si Lea.
Ang flight attendant na parang laging handang mag-alay ng buhay para lang hindi siya mabasag ang wine glass. Tahimik lang ‘yun pero efficient. Palaging nakaayos ang buhok. Laging may dalang essential oil ‘pag stressed si Skyra.
Tangina. Nasaan na kaya sila?
Napakagat-labi siya, pilit pinigilan ang biglang bugso ng damdamin.
Wala siyang alam. Wala siyang narinig. Walang nagsabing ligtas ang mga kasama niya.
At si Damon? Wala siyang binanggit. Hindi niya tinanong — hindi siya nagpakita ng kahinaan — pero sa totoo lang, bumabakat na sa dibdib niya ang kaba.
What if they didn’t make it?
What if I’m the only one alive because I’m the only one he wanted to save?
Pumikit siya. Masakit sa loob. Hindi siya palaging emosyonal — sanay siyang maging bato, maging malamig, maging composed kahit nilalamon na ng chaos ang paligid. Pero ngayon…
Ngayon, pakiramdam niya may kulang.
May utang.
Hindi lang sa sarili niya. Kundi sa mga taong posibleng hindi na niya muling makita.
Kailangan niyang malaman ang totoo.
At ang lalaking may sagot…
Ay ang lalaking kasalukuyang may hawak ng buong isla.
Damon Velasquez. What else are you not telling me?
Ngayon, mas malinaw ang layunin niya. Hindi lang ito tungkol sa escape.
Ito’y paghahanap ng katotohanan.
Kung kailangan niyang maglaro, lalaban siya.
Kung kailangan niyang magpanggap na mahina, gagawin niya.
Pero sa huli?
Ibabalik niya ang kontrol.
Hahanapin niya ang kapalaran ng mga taong nagtiwala sa kanya.
At sisiguraduhin niyang mananagot ang dapat managot.
Dali daling lumabas ng kwarto si Skyra at hinanap si Damon.
and there nakita nya itong naglalakad-lakad sa sala, malamig ang kilos, parang wala lang. Pero si Skyra? Hindi niya na kaya ang tanong na kanina pa niya gustong isigaw.
She looked at him — sharp, unblinking.
"Where exactly did you find me?" tanong ni Skyra, pilit pinapakalma ang sarili kahit nanginginig pa ang boses. "I wasn't alone in that jet. I had people with me... my pilot, Captain Reyes, and the stewardess, Lea."
Napatingin si Damon sa kanya, saglit na tumigil bago sumagot.
"You were found near the south shoreline. Barely breathing. The wreckage was scattered, burning. There was no one else in that sector."
Kumunot ang noo ni Skyra. "So you’re telling me they didn’t make it?"
“I’m telling you I didn’t find anyone else alive,” sagot ni Damon, malamig pero may bigat ang tinig.
Parang tinusok ng yelo ang dibdib ni Skyra.
Hindi niya close si Captain Reyes. Ni hindi niya masyadong kinakausap si Lea. Pero buong biyahe, nasa paligid ang dalawang iyon — tahimik, tapat sa trabaho. Wala silang alam sa gulo ng mundo niya. Hindi nila deserve ang ganito.
Shit.
Bumalik sa isip niya ang huling sandali — ang mukha ni Lea habang nag-aayos ng seatbelt, ang boses ni Captain Reyes habang sinusubukan kontrolin ang jet sa gitna ng unos.
"What about the black box? The flight logs?" mabilis niyang tanong. "Did you check the site?"
Damon didn’t flinch. “My team is still retrieving whatever can be salvaged. The wreck is in dangerous terrain. Burned. Partly submerged. We’re doing what we can.”
“Then I need to go there. Now.”
“You’re not going anywhere in your condition,” mariing sabi ni Damon, lumapit ng bahagya. “And even if you were, that area is under surveillance and restricted access.”
“Restricted?” Halos mapasigaw si Skyra. “I lost people in that crash, Damon! I need to know what happened to them!”
“I understand that,” he replied, more measured now. “But charging into a potentially hostile zone without full intel will only get you killed.”
Napakuyom ng kamao si Skyra. Hindi niya alam kung ano ang mas nakakainis — ang paraan ng pagsagot ni Damon, o ang katotohanang hindi niya alam kung sinasabi nito ang totoo.
Naglakad siya palayo, tinapik ang sentido. Pilit niyang ikinakalma ang sarili. Pero ang utak niya, puno ng tanong.
Captain Reyes… Lea…
Nabuhay kaya sila?
O sadyang may hindi sinasabi si Damon?
Ang alam lang niya — walang kahit sinong dapat mawala nang walang kasagutan. Lalaban siya. Kakalkalin niya ang isla kung kailangan. Pero una, kailangan niyang makalabas sa kwartong ito. At alamin kung ano talaga ang niluluto ni Damon Velasquez.
“Before I forgot, Ms. Monteverde,” he began, voice low and calculated. “Care to explain what the hell you were doing flying over my island?”
Hindi agad sumagot si Skyra. Umayos siya ng upo, sinadya ang pag-angat ng isang binti para makita ang balat ng hita. Sinadya rin niyang ngumiti—ngunit hindi ito ngiti ng pagsuko.
“Why so formal, Damon?” bulong niya. “You’ve already seen me unconscious in your sheets.”
“Don’t play games with me.”
Lumapit siya sa mesa. Ibinagsak ang tablet. Lumitaw sa screen ang flight path ng jet, ang red zone ng isla, at ang marker kung saan siya bumagsak.
“You entered restricted airspace. Unregistered. Stealth mode on. No diplomatic clearance. That’s not business, Skyra. That’s infiltration.”
Napangiti siya, pero malamig ang tingin.
“Well, I guess your security net isn’t as tight as you think,” sagot niya. “Considering I got in.”
“You crashed.”
“Details.”
Lumapit si Damon, halos kasabay ng paglalim ng kanyang titig. Ang mukha niya’y isang maskara ng kontrol—pero sa ilalim ng surface, alam ni Skyra ang tension. She could feel it.
“You were warned before about surveying this area,” he said. “And yet you still came. Alone. Why?”
Tumingin si Skyra sa kanya, diretso. Hindi siya umatras. Hindi siya umiyak. She leaned in slightly, letting her robe fall just enough to reveal her collarbone and the swell of her breasts.
“Because I don't trust maps drawn by men like you.”
Tahimik si Damon. Pero hindi siya umalis.
Naglakad ito palibot sa kanya—parang predator. Nararamdaman niya ang tingin nito sa batok niya, sa balikat, sa mga binti. Pero hindi siya natitinag.
“What exactly were you hoping to find?” tanong ni Damon mula sa likod niya. “A weak point? A landing strip? Or someone?”
She smirked.
“I don’t answer to men who tie women to beds while calling it protection.”
“Not tied,” he whispered from behind her. “Yet.”
Napahigpit ang hawak ni Skyra sa armrest. Damn him.
Kailangan niyang baliktarin ang sitwasyon. She needed intel. Answers. Control.
So she leaned her head back, resting it against the chair, and let her robe slip a little more—enough to provoke.
“You want to interrogate me, Damon? Or undress me with your eyes?”
Bumalik si Damon sa harapan niya, mabagal, maingat. Umupo siya sa tapat ni Skyra, hinahawakan ang baba nito gamit ang daliri.
“Maybe both,” he said softly. “You don’t get to flirt your way out of this.”
Hindi siya umatras.
“You think I’m scared of you?” bulong ni Skyra, hinahamon ang tingin nito.
“No,” sagot niya. “I think you’re scared of what you’re hiding.”
Nagtagpo ang kanilang mga mata. Masyadong malapit. Masyadong mainit. Parang isa pang salitang mali ay puwedeng magpasabog sa buong gabi.
“Tell me what your real mission was,” utos ni Damon. “Who were you working with?”
“I told you. I was surveying for acquisition.”
“No one acquires a ghost island.”
“Then maybe I like ghosts.”
Napatigil si Damon. Muling tumayo, naglakad patungo sa bar sa gilid ng silid, at nagsalin ng alak. Binalingan niya si Skyra habang iniinom ito.
“You know,” bulong niya, “some women beg to be seen by me. To be touched. To be trusted.”
“I’m not some women,” sabay tayo ni Skyra.
At sa paglapit niya kay Damon, halos magdikit na ang katawan nila. Mabilis ang t***k ng puso niya, pero hindi siya magpapakita ng kahinaan.
“You want the truth?” bulong niya. “Then untie my access. Let me see the wreck. Let me find my crew.”
“After you tell me what I need.”
“Tie me to a chair then,” sagot niya. “Because that’s the only way you’ll get anything from me tonight.”
Nagtagal ang katahimikan. Dalawang nilalang na parehong sanay sa laro ng kapangyarihan, ngayon ay nagbabanggaan sa gitna ng isang villa na parang sinadya para sa digmaan.
Damon set down his drink.
Then slowly walked toward her again—closer this time. Inches apart.
“We’ll see how long you can hold your secrets,” he said, voice dropping into a threat. “Because here… you’re not the one in control.”
She leaned closer, whispered against his lips.
“Watch me.”
CUT TO BLACK.