Chapter 5

1345 Words
Ellen Kinakapos na ako ng hininga ngunit hindi ko kayang lumutang. Katapusan ko na yata ngayong araw. Sana makita ko muna ang pamilya ko bago ako mamatay. Pumadyak ako pero mas lalo akong umiilalim sa tubig. Pinikit ko ang mga mata at nagdasal ng tahimik. Nang sumilay si kamatayan ay may biglang yumakap sa baywang ko. Agad akong inahon at hiniga sa gilid ng pool. May nagsisigawan akong naririnig pero hindi ko magawang idilat ang mga mata. "Ellen! Ellen! My love, wake up!" Tumatak sa isipan ko ang nag-aalalang boses ni Braylon. Tinatapik niya ang pisngi ko at binigyan ako ng CPR. Agad akong inubo nang inubo at nilabas ang lahat ng tubig na naimom ko. Binuhat niya ang ulo ko at mahigpit akong niyakap. "God! You're safe my love! You're safe!" Kinulong niya ako sa mga bisig niya at matagal hinalikan sa noo. Nanghihina pa ako. Muntik na akong mamatay kanina kun'di dumating si Braylon. Nilapitan kami ni Manang. Nag-aalala din sa akin. Binigay kay Braylon ang hawak na tuwalya kaya binalot iyon sa akin. Umupo ako ng maayos nang mahimasmasan. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita sa kabila ang babaeng nagtulak sa akin. Siya ang babae ni Braylon kanina? Siya ba si Ms. Venna? Masama siyang nakatingin akin kaya bigla akong natakot. "God, Ellen! Gusto mong nagpakamatay nang dahil sa inasar kita kanina hah? That too shallow reason! Kung hindi tumawag ng saklolo si Venna ay baka wala kana ngayon!" Napapikit ako nang marinig ang sigaw ni Braylon. Ang tumawag ng saklolo ang siyang papatay sa akin. Yumuko ako at tumahimik. "Huwag na huwag mong gawin ito! Never ever, Ellen! Never!" Natahimik ang lahat. Malalim siyang bumuntong-hininga at binuhat ako. Binalingan si Manang. "Manang, please prepare a hot bath for my wife." At naglakad na siya papasok. Isnsg beses kong tinapunan ng tingin ang kinatatayuan ni Venna kasama si King. Parang sandata ang kaniyang mga mata na nakasunod sa amin. Nangilabot ako at natakot sa uri ng kaniyang pagtitig. Pagkaakyat namin sa itaas ay nasa loob na ng malawak naming banyo si Manang at hinahanda ang bathtub. Gumilid si Manang nang lumapit si Braylon at binaba ako sa bathtub. "You can leave us, Manang. Thank you." Binitiwan ni Manang ang hawak na tuwalya at agad siyang lumabas. Napalunok ako nang mapag-isa lang kami ni Braylon sa loob ng banyo. "Take off your clothes. You need my help to wash you, my love?" Pinagkrus ko ang kamay sa tapat ng dibdib sabay iling. "H-hindi po. . .kaya ko na Ang sarili ko, puwede ka ng lumabas." Mariin niya akong tinitigan. "Kapag iniwanan kita rito sa loob ng banyo ay baka lunurin mo ulit ang sarili mo. Wala na akong tiwala sa iyo, Ellen. You're too childish." "Hindi ko naman intensyon na magpakamatay," sagot ko. "Anong tawag sa ginawa mong pagtalon sa swimming pool na alam mo naman na hindi ka marunong lumangoy? Ellen, that's suicide!" Yumuko ako. "Someone push me.." "Wh--at?" Tiningnan ko siya. "May nagtulak na lang bigla sa akin noong nakaharap ako sa swimming pool." "Walang tao sa labas. Si Venna ang nakakita sa'yo na tumalon ka sa pool." Pumikit ako. Natural na makikita niya ako dahil siya naman talaga ang nagtulak sa akin. Maniniwala kaya si Braylon kung sabihin kong tinulak ako ng babae niya? "She push me! She called me a b***h!" Umiling si Braylon. "Hindi magagawa ni Venna iyan dahil alam niya kung anong katayuan mo sa buhay ko!" Biglang uminit ang ulo ko at maiiyak ako kapag hindi sumagot. Suminghap ako at matapang na tiningnan si Braylon. "So, anong katayuan ni Venna sa buhay mo? I saw you with her. . .with her in that small glass house.." Natigilan si Braylon. Gumalaw ang kaniyang panga pero hindi pa rin binababa ang mga mata sa akin. "She is my woman," matapang niyang sagot. Napaawang ang mga labi ko. Kumuyom ang mga kamao at parang gusto kong saktan si Braylon ngayon. Mapait akong ngumisi. "Your woman?" How dare you say that in my face! Gusto ko sana idagdag pero pinigilan ko ang bibig. Malakas akong lumunok. Muli ko siyang tiningnan. "Bakit hindi siya ang pinakasalan mo? Bakit ang tulad kong minor ang nagawa mong pakasalan?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa panga. Nanlinsik ang kaniyang mga mata kaya nakaramdam ako ng kaba. Nilapit niya ang mukha sa tainga ko at bumulong. "Dahil sa utang ninyo kaya kita pinakasalan Ellen. Hindi ko na gustong ulitin ito kung bakit! Naiintindihan mo!" Yumuko ako. Hindi ko napigilan ang luha sa aking mga mata. Pabalang niyang binitawan ang akong panga pagkatapos ay tumayo. "Hindi mo pa kayang ibigay sa akin ang mga pangangailangan ko. Kaya nandiyan si Venna dahil sa kaniya ko nakukuha ang lahat, dapat manahimik ka na lang dahil wala ka pang kakayahan." Hindi ko magawang tingnan si Braylon sa mga oras na ito. Nasasaktan ako nang mas kinampihan niya ang babaeng gustong pumatay sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito gayong wala naman akong pakialam sa kaniya. Naramdaman kong sinarado niya ang pinto. Mahina akong humikbi nang makaalis na siya sa aking paningin. Nagtagal ako sa loob ng banyo hanggang sa mapakawalan ko ang sama ng loob. Paglabas ko ay nasa kama na ang susuotin kong damit. Hinanda na siguro ito ni Manang bago siya bumaba. Hindi ako bumaba sa hapunan kaya sa inakyat sa akin ni Manang ang pagkain ko. Tahimik lang siya at hindi nagtanong. Kinabukasan ay nagising akong mag isa lang sa kama. Siguro ay nasa babae niya si Braylon. Hindi ko siya naramdaman na umakyat rito sa kuwarto namin at evidence na rin na hindi nalukot ang higaan niya. Malalim akong bumuntong-hininga. Naghilamos ako at nagbihis. Nang matapos ako mag-ayos ay siya namang akyat ni Manang. "Magandang umaga, Iha." Ngumiti ako. "Magandang umaga po, Manang." "Aayusin ko lang ang mga damit na dadalhin mo." Kumunot ang noo ko. "Mga damit?" ulit ko. Muli siyang ngumiti. "Ang sabi ni Sir Braylon ay dadalaw raw kayo sa bahay ng magulang mo kaya ihahanda ko ang mga dadalhin niiyo. Magpapalipas raw kayo doon ng isang gabi." Nakagat ko ang ibabang labi. Tinupad niya ang sinabi kahapon na papayagan niya akong umuwi sa amin. Hindi niya ako binigo. Buong akala ko ay magbabago ang isipan niya dahil nag-away kami kahapon. Tumango ako kay Manang. Nakangiti akong lumabas ng kwarto at hinanap si Braylon. Nasa labas siya ng mansyon at kausap ang mga tauhan. Narito din si Kuya Robe. "Ellen?" Tawag ni Kuya Robe. Nginitian niya ako sabay kaway. Lumapit ako sa kanila pero napalunok ako nang hapitin ako sa baywang ni Braylon at dinikit sa katawan niya. Akala mo ba ay maagaw ako sa kaniya. Nginitian ko si Kuya Robe at kinumusta. Binulungan ko si Braylon na mayroon akong sasabihin. "What is it?" "Sasama kaba talaga sa bahay namin? Puwede naman akong umuwi na mag-isa." He tsk. "I don't trust you, remember. Kung nasaan ka, nandoon rin ako, period!" Nanahimik ako at tumango. Pinauna na niya akong pumasok sa loob dahil kinakausap pa ang mga tauhan. Pagkatapos naming mag-almusal ay agad kaming umalis. Masayang masaya ako nang nasa daan na kami papunta sa bahay namin. Pero sa pagliko namin sa kanto ay may biglang humarang sa amin na dalawang itim na sasakyan. Mahigpit akong hinawakan sa kamay ni Braylon. "King sino?" Si Braylon. Nilingon kami ni King. "Huwag kayong bababa. Lalabas ako at kausapin sila." Bilin niya. Nilingon niya ang katabi sa front seat. "Hudas. Ikaw ang bahala kina boss!" Hinila ako ni Braylon sa kaniyang katawan nang bumukas ang pinto ng dalawang sasakyan. "Ellen, ipikit mo ang iyong mga mata." Sinunod ko siya. Kinakabahan ako at malakas na dumagundong itong dibdib ko. "Boss, ang baril, heto!" Si Hudas. Nanlamig ako nang makarinig ng baril. Natatakot ako. Gumalaw ako upang tumingin sa harap pero niyakap ako ni Braylon. "Hudas, paatrasin mo ang sasakyan!" Agad na gumalaw ang sasakyan paatras. Nakarinig ako ng putok. "God dammit!" Malakas na sigaw ni Braylon. Ps: Super busy ako sa work kaya hindi ako nakakapag-daily update. pasensya na po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD