NATIGILAN sa kaniya-kaniyang ginagawa sina Sab at Trisha nang pumasok si Amber sa loob ng kitchen. "Miss Sab, may mga health inspector po sa labas na naghahanap sa inyo. Gusto raw po kayong maka-usap." "Health inspector?" Kumunot ang noo niya. "Bakit daw?" "Hindi po sinabi. Basta gusto raw pong maka-usap ang may-ari nitong shop." Nagkatinginan sila ni Trisha. Nitong mga nakaraang araw ay wala naman silang nakuhang reklamo mula sa mga naging customers nila. Kaya naman labis nilang pinagtataka ang biglang pagsulpot ng mga health inspectors. "Pakisabing lalabas na ako." "Okay po." Lumabas na si Amber ng kusina. Hinubad na nina Sab at Trisha ang suot nilang mga apron tapos ay magkasunod silang lumabas ng kitchen. Gusto ring marinig ni Trisha ang dahilan kung bakit biglang may dumating

